- - -
Hey Ms. Purpleyhan!
- - -
Music 18 ♫
-Felicity's POV-
[AHHHHHHHHH!!!!]
Nilayo ko kaagad ang cellphone sa tenga ko. Wagas naman kasi 'tong si Jash kung makatili eh!
[Kailan? Paano? Saan? Dali na best!!! ]
"Ayt! Para namang ikaw ang makikipag-date kung maka-asta ka!"
"Ano ka ba! Masaya lang ako para sa bestfriend ko no. And it's your first time to date di ba?]
"Oo nga eh. Help me naman. Hindi ko alam gagawin ko eh."
[Hoy bruha! Sabihin mo muna saken yung mga sagot sa mga tanong ko! Ano na?]
Kinwento ko naman kay best ang buong pangyayari. Pati na rin sa natagusan ako at nag-stay sa likod ko si Harry para takpan ang tagos ko.
[Ikaw na girl! Ikaw na!]
"Hehe. So tutulungan mo na ako?"
[Matitiis ko ba ang bestfriend ko?]
"Love you best!"
Binigyan ako ng mga tips ni best about sa pagdi-date dahil may experience na siya. Nagka-boyfriend na kasi siya noong second year. 4th year yung guy tapos bago grumaduate yun, nag-break na sila dahil mahirap daw ang long-distance relationship. Sila na!
***The Next Day: Day of the date
*dingdong*
sparkle sparkle @v@
Anjan na siya!
Pabango~check!
Hair~check!
Outfit~check!
Lipgloss~check!
And lastly, myself... check!
"Hoy Marie! Wala ka bang balak pagbuksan ng pinto yung mylabs mo?"
"Ikaw na kasi."
"Tsk. Ewan ko sayo. Bakit ba kayong mga babae, pasuspense-suspense pang nalalaman." "Ganun talaga kuya. Never mong maiintindihan kaming mga babae noh! Kaya ba naiistress ka na kay Criselle?"
Biglang namula si kuya .. Haha! Ang cute niya!
Oo nga pala, si kuya, nililigawan na si Criselle. Remember her? Siya yung pinaka-close ko sa choir. Matagal na rin siyang may gusto kay kuya at biglang malalaman-laman kong 'to palang si kuya may pagtingin din kay Criselle. So ayun, 1 week na siyang nanliligaw...
*dingdong*
"Si Harry!"
Dali-dali akong kumaripas ng takbo papunta sa pintuan namin. Boploks to si kuya, nabanggit lang ang pangalan ni Criselle napahinto na at nakalimutan ng pagbuksan ng pinto si Harrymylabs. Wawa naman mylabs ko!
Binuksan ko ang pinto at nandun nga siya. He's smiling! Gahd naman! At ang gwapo niya sa outfit niya kahit simpleng jeans at T-shirt ito.
"Umm.. sorry kung natagalan"
Habang kinakamot ang ulo ko.
"Wow, you look... nice"
Bigla akong napangiti ng marinig yun mula sa kanya. He started my day right.
"Ehem ehem. Pwede mamaya na kayo mag-PBB Teens jan? Sige na layas na!"
Bigla akong tinulak ni kuya palabas ng pinto.
dug.dug.dug
Ang lakas ng tibok ng puso ko ng tumama ako sa dibdib ni Harry. Sira talaga 'to si kuya! Gumagawa nanaman ng move ng hindi sinasabi sa'ken! Well, kahit kailan naman hindi niya sinabi sakin eh.
"'Pre at Marie" Nakadantay na si kuya sa may pinto na nakaposing pa. Pero bagay naman sa kanya eh. Ang gwapo niya kayang tingnan! Syempre Ocampo siya noh! "Enjoy kayo sa date niyo ah. Harry, alagaan mo yang kapatid ko, kung may mangyaring masama diyan, EDI MASAYA!" Sabay takbo.
"Kuya talaga!!!"
"BASTA PRE ALAM MO NA MANGYAYARI KUNG MAY MANGYARING MASAMA KAY MARIE!!"
Hindi na namin siya nakikita. Umakyat na siguro siya sa kwarto niya.
"C'mon"
dug.dug.dug
He held my hand..
I felt the sudden change of my heartbeat. <3
***Author"s Note:
Ok ba? Sensya kung napatagal ang UD.. Busy kasi si author sa extra-curriculas eh..Comment naman kayo!
- LittleMissGreen ^^
BINABASA MO ANG
♫ Music Lovers ♫ (on going)
Teen FictionShe never experience falling in love with a guy. Sa tingin niya kasi, ang corny ng 'love' na yan. He had his heart broken by his first love. She has a crush, at lahat na ginawa niya para lang mapansin siya nito. Pero hanggang ngayon siya pa rin ang...