Music 14 ♫

509 9 2
                                    

Music 14 ♫

-Harry's POV-

"Now I do feel like a jerk now." I feel guilt. Grabe. Bakit ko ba kasi naisipang gawin yun? Sh*t! Para kasing... ang sarap niyang asarin eh! God Harry! Ano bang nangyayari sayo?!!

"Bro! Marie!"

"Kuya!"

Lumabas si Jerome at naglakad papunta sa'min. 

"Harry, mamaya ka na umuwi sa inyo! Dito ka na lang sa'min mag-dinner. Para namang napakalayo ng bahay niyo!" Yeah, ang layo nga super.

"Huwag na bro."

Bago pa man ako makatanggi, hinigit na niya ang kamay ko at no Felicity. Ano pa nga bang magagawa ko? Si Jerome yan eh. At ang kilala kong Jerome, hindi papayag na hindi nakukuha ang gusto niya.

Nasa loob na kami ng bahay ng mga Ocampo. Lumapit sa'kin si Felicity.

"Pasensya ka na ah, adik lang talaga yang si kuya."

"It's ok."

"Maiwan na muna kita jan at magbibihis lang ako. Hintayin mo na lang matapos si kuya sa niluluto niya. Wala kasi si mama dahil may pasok siya kaya si kuya na ang nagluluto."

Si Jerome nagluluto? Shoot me now!

Nagpalinga-linga ako sa buong first floor ng bahay nila. Ang laki talaga. I wonder kung bakit yung magkapatid na yun ay nag-aral sa Sunshine Academy? Umm... siguro dahil na rin sa magandang reputasyon ng school. Although public siya, sa school naman nanggagaling ang mga champions sa district and division contests.

May nakita akong picture na nasa picture frame at nilapitan ko.

Cute! Picture 'to ni Felicity noong bata pa siya. 

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!! WAG MONG TINGNAN YAN!!!"



Kinuha ni Felicity ang picture frame.

"Why not?"

"Basta! Ampanget ko dito eh!"

"Who said that?"

"Ako lang!"

"Maganda ka naman ah!"

Nakita kong nag-blush si Felicity. Haha. Ang cute niya talaga.

♫ Music Lovers ♫ (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon