Yehey! Ito na ang chap kung saan mag-uumpisa ang PBB TEENS nila Felicity at Harry! Alam kong matagal niyo na 'tong hinhintay kaya eto nah! Hit it!
Music 10 ♫
-Harry's POV-
Pauwi na ko ngayon papunta sa bagong bahay namin. Medyo ginabi ako dahil nagpraktis pa kami ng play ng mga classmates ko. Kakalipat lang pala namin sa Purple Subdivision yesterday.
I don't know with my mom. Matagal na siyang naghahanap ng malilipatan. Sakto naman nung naanyayahan ako ni Jerome na magsimba sa St. Rita Chapel, my mom and his mom met.
Nirekomenda ni Tita Rene (sabi kasi niya tita na daw itawag ko although I'm not comftable) na doon daw sa kapitbahay na lang nila kami lumipat. 'For Rent' kasi ang bahay na katabi nila. So ayun, nagustuhan ni mama ang bahay.
Actually it's fine with me. Wala akong pake kung saan kami titira.
* BUgshhh *
Takte naman oh!
"Pre! Mukhang gusto kong magbanat ng buto ngayon ah!"
Sino ba 'tong mga bwiset na 'to! Sh*t naman! Gusto ko ng matulog at umuwi!
"Haha. Mukhang ngayon ko lang nakita 'tong si boy ah! Hoy!"
Pambihira naman oh! Binangga na nga ako, di pa nakuntento! Binangga pa talaga ako uli!
"Mga pre, hindi ako naghahanap ng gulo kaya pwede ba tumabi-tabi kayo sa daan. ANLAKI NIYONG HARANG eh."
Talagang in-emphasize ko ang dapat i-emphasize.
"Aba aba mga tsong! Lumalaban si boy oh!" ang sabi ng payat na lalaki. Sa tingin ko kasing edad ko lang siya.
"Teka, teka ... Gitara ba yung dala-dala mo!" Nakakabadtrip naman oh! Hindi pa ba nakakakita 'tong baboy na 'to ng gitara sa tanang buhay niya?
"Tanga lang? Natural gitara 'to!"
*punch*
Kinapa ko ang pisngi kong sinapak ng baboy. Sh*t. Takte! Ganito ba ang nangyayari sa taong gusto lang umuwi sa kanila,kumain at matulog ng mahimbing?
Gaganti na sana ako ng biglang sinuntok ako ng payatot kanina. It's too much! ARGGGHHH!! Ang hirap nito lalo na't 6 pa naman sila lahat. Ano 'to lokohan? 6 vs. 1?
"Tara 'pre! Bugbugin pa natin!"
"Eh di ko gusto yung tabas ng dila nito ah! Sige wag niyong tigilan!"
Finally nakaganti na ko. Nasuntok ko yung isa sa kanila. Pero it's not a good idea dahil mukhang hindi ko talaga sila kakayanin lahat. 'Pag nagpatuloy pa 'to baka hindi ako makapasok bukas. Lalo pang sumakit ang katawan ko sa pinaggagagawa nila.
Suddenly, napahinto sila ng may marinig na nagpito. Siguro tanod yun. Thank God.
Nagtakbuhan na sila at iniwanan ako sa kalsada.
"HARRY!!!! WHAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!"
I was wrong. Hindi siya tanod but an angel sent from above.
-Felicity's POV-
"HARRY!!!! WHAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!"
Kawawa naman ang Harrymylabs ko! Gosh he's bleeding! Feeling ko mag-hyhyperventilate ako pagkatapos ko siyang makita ng ganito. Pero cute pa rin siya kahit duguan! Ano ka ba naman! Hanggang ngayon ba, ang kalandian mo ang papairalin mo Felicity?
"Tara aalalayan na lang kita." Tinayo ko siya at nilagay ang kamay niya sa may balikat ko.
"Thanks."
"No prob"
"Nakakahiya naman. Ang babae pa ang nagligtas sa lalaki."
"Jusko! Wag mo na nga intindihin yun noh!"
Pero infairness ang bigat niya ah. Idagdag mo pa yung gitara na nakasabit sa kabilang balikat ko. (T^T)
"Hehe. Gusto mo kantahan na lang kita habang naglalakad?"
He laughed. God! Ang sarap pakinggan ng tawa niya sa tenga. Parang music!
"Sige ba"
Minsan nadarama mo kay bigat ng problema
Minsan nahihirapan ka at nasasabing, 'Di ko na kaya'
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Oh di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Hawak kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Humiwalay siya sa balikat ko.
"Harry. Ano ka ba! Kita mong parang pilantod ka na nga diyan maglakad tapos hihiwalay ka pa sa suporta ko!"
dug.dug.dug
He grabbed my hand. Super higpit ng hawak niya dito. Parang ayaw niya 'kong pakawalan.
Hindi ko napansin na nasa may tapat na pala kami ng bahay. Kahit medyo mabagal kami dahil hirap pa siya maglakad, nakarating naman kami bago mag-7. Hanggang ngayon hawak-hawak niya pa rin ako. Buti na lang medyo madilim at hindi niya makita ang face ko na sobrang pula na.
"Thanks a lot Felicity. I think I owe you one."
Papalapit ng papalapit si Harry.
dug.dug.dug
My heart is racing.
dug.dug.dug
And then he kissed me.
.
.
.
on the forehead.
Napapikit na lang ako at pagdilat ko, he's gone.
Can this be love??
BINABASA MO ANG
♫ Music Lovers ♫ (on going)
Подростковая литератураShe never experience falling in love with a guy. Sa tingin niya kasi, ang corny ng 'love' na yan. He had his heart broken by his first love. She has a crush, at lahat na ginawa niya para lang mapansin siya nito. Pero hanggang ngayon siya pa rin ang...