Music 20 ♫

447 9 3
                                    

- - -

Hello Miss. I'm glad that you're reading this. So, this is for you. Love lots <3

- - -

Chapter 20

Kenneth's POV:

*gruuurrrrrrrrr* |sound effect yan ng kumukulo ang tiyan, wag kayo!|

Ayt, sa sobrang dami ng inutos ni tita, hindi ko namalayang di pa pala ako nakakapag-lunch. Buti na lang may pinadala siya sa'king pang-Jollibee!

Hmm...

Ayun! Yes! Sa wakas mapapawi na ang gutom ko!

I was going to enter the Jollibee when...

I saw her and Harry having fun inside. They are laughing as if there's no tomorrow. Nakita ko pang pinupunasan ni Harry yung dumi sa pisngi ni Ms. Happiness.

Ouch! Ang sakit naman! Ang sakit sakit. Nakaramdam ako ng kirot. Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si Ms.Happiness. Never kong nakita ang ngiting yan pag kaming dalawa ang magkasama. 

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng nasasaktan ng dahil sa letcheng pag-ibig na yan. 

Takte! Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Makauwi na nga!

Harry's POV:

"Thank you for this day Harry. Salamat sa lahat lahat ng kasiyahang nadama ko sa araw na 'to. Thanks!"

dug.dug.dug

Felicity suddenly kissed me on the cheek.

At dali-dali siyang pumasok sa gate ng bahay nila. 6pm natapos ang date namin at eto ako nasa labas ng bahay nila, gulat na gulat sa ginawa niya. Animo'y parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Gastu, ba't bigla atang bumilis ang tibok ng puso ko?

And I felt it again. That feeling when I bumped into her, into BL.

Kusang tumulo ang aking mga luha ng masagi sa isip ko si BL. Sa hindi ko namalayang pangyayari, dinala ako ng aking mga paa tungo sa puntod niya. 

"Biruin mo yun? Today is our first year anniversary of being together sana. If only you're still here. If only you're with me. Sana maging masaya ka kung nasan ka man."

Napaupo ako sa tapat ng puntod niya and prayed. Taimtim akong nagdasal sa kapayapaan ng kaluluwa niya.

"Sa tingin mo, tinamaan na nga ba ako kay Felicity? Is she the one who can replace you in my heart? Kaya nya ka yang i-take away all the saddness that you've done?"

Felicity's POV:

"AGGGHHHHHHH!!!"

"Anak ng~ Hoy Marie! Anong nangyayari sayo at nagtititili ka jan?"

"AGGGGHHHHH!! KUYAAAHHH!!! AGGGGHHHH!!" Niyakap ko na si kuya sa sobrang saya at the same time, sa sobrang kaba na baka magalit si mylabs sa ginawa ko.

"Alam kong love na love mo ang kuya mo pero sobra ka namang makayakap saken na parang hindi ka na aabutan ng bukas!" Napabitaw akong bigla kay kuya. "I guess hindi ko na dapat tanungin kung kumusta yung date niyo. I can see it already on your smile. Kung makangiti ka kasi, wagas!"

"Eh kasi naman kuya.... EEEEHHHH!!" Mukhang ang lakas na talaga ng tama ko sa kanya. Kilig na kilig pa rin talaga ako sa naging date naming dalawa.

♫ Music Lovers ♫ (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon