Tine! Basahin mo 'to ah!
Music 19 ♫ part 2:
Felicity's POV:
"Ummm.. ano.. ah eh..." Jusko powww!! Feeling ko magkakalagnat ako!
"Yun ba? Haha. Hayaan mo na yun."
"Eh?" Ba't parang eh na lang lagi ang dialogue ko dito? Ano ba to Ms. Author ayus-ayusin mo naman! |Sorry naman!|
"Don't think of it as if it's the end of the world. First mo no?"
(>////////////////<)
Napanganga ako sa sinabi niya at napahawak sa mga labi ko. Oo nga noh? First kiss ko nga yun! OhMyGollyWow~
"Kung ganun, first kiss mo talaga yun?"
UWAAAHHHHHH !!!!
Nakakahiya!
Harry's POV:
"Kung ganun, first kiss mo talaga yun?"
Nag-nod si Felicity as a sign of approval.
Ba't parang nakaramdam ako ng pagkatuwa? Nakita ko na lang ang sarili kong napangiti sa oras na yon.
Naglalakad kami papasok ng SM ngayon.
"Anong nginingiti mo jan?"
Napalingon ako sa kanya. Talaga bang ako ang first kiss niya? I can't believe it. Ako rin naman eh... siya-siya rin ang first kiss ko pero ewan ko ba kung bakit hindi ako nagagalit o naiinis sa kanya ng mawala yun sa'ken. Mas nangingibabaw pa nga ang pagkatuwa ko sa nangyari eh. Ay ewan! Nababakla nanaman ako!
"Uy" Tinusok ni Felicity ang tagiliran ko kaya tuloy napatawa ako. May kiliti ako dun noh!
"May kiliti ka jan?" Bakit pakiramdam ko may hindi magandang pinaplano to base sa mga ngiti niyang yan..
"WAHAHAHHAHAH!!!" Sabi na nga ba eh!
"Bwahahahha"
"Tama na-Wahahaha-Maawa-Wahahahah-kaHAhahaha"
Grabe halos mangiyak-ngiyak na ko kakatawa. Mga 1 minute niya kong kiniliti. Ang wild rin pala ng kapatid ni Jerome! Manang-mana kay Jerome!
"Bakit mo naman ginawa yon?!"
"Hehe. Ah eh sorry Harry" Sa totoo niyan hindi talaga ako galit sa kanya. Tinatakot ko lang. Hehe "Eh kasi ang cute cute mo pag tumatawa ka eh."
"Ano ulit yon?"
"WALA!"
Ano ba yung sinabi niyang yun? Nakayuko kasi siya eh tapos pabulong pa.
BUT WHAT'S INTO ME? WHY AM I SUDDENLY BECAME CURIOUS??
Felicity's POV:
Ang daldal ko talaga! Dapat sa bibig na 'to pinapasakan ng malaking bato eh!
Pero buti na lang talaga hindi niya narinig yung sinabi ko. Pero ano nga bang pumasok sa isip ko at ba't ko ginawa yun? Eh kasi naman, si kuya may kiliti rin sa tagiliran. At kapag nagkukulitan kami nun, talo siya lagi sa'ken kasi nga isang kiliti lang sa kanya sasabihin na nun "Game Over". Kaya nakahiligan ko na rin ang mangiliti.
And one of my reason is... I want to see him smile and laugh. At kanina napakinggan ko nanaman yung tawa niyang parang musika, ang sarap sa tenga. Hayyyy....
"Tara na nga! Nasisira date naten!" - Harry
***Sa Loob ng Mall
"Welcome to Blue Magic!"
Wow! Ang cu-cute ng mga teddybears!! Meron pa dung bear na kahawig ni Harry Potter! Nakasalamin at nakasuot ng uniform ng Hogwarts yung bear! ANG CUTE!!! I want it na!
"Uy, Yung laway mo tutulo na."
"Hindi naman ah!"
"Binibiro ka lang"
Tumingin na lang ako sa ibang bears dun. Color green! May bear din silang green! Pagtingin ko sa price, napa-OMG ako. ANG MAHAL!!! Tingin na lang uli sa iba. May rosary din pala silang tinitinda?
"Miss, magkano yon?"
(O.O)
"P599.00 po Sir."
Wait! Bibilhin ni Harry yung bear na kahawig ni Harry Potter? Tsk. Siguro may pagbibigyan lang yan.
"Pakibalot na po. I will buy it."
So talagang binili niya? Inggit naman ako sa lucky girl na yun. Well, pag nakaipon ako, bibili rin ako nun. Pero sana meron pa ring ganun pagbalik ko.
"Oh... Take it"
"Weh?"
"Ayaw mo? Edi akin na lang."
"Hala! Hoy biro lang! Amin na please!"
Umalis palabas ng Blue Magic si Harry dala-dala yung bear. Ibibigay niya sa'ken? That's for me talaga? Shemayyy! Kinikilig much!
"Harry. Sige na please... I like it talaga eh." *pouts*
"Sige na nga." Nakayukong binigay niya yung bear. Anong hinahanap niya sa baba?
"Wahhhhh!! Thank you talaga!"
Hindi ko napigilang yakapin siya sa sobrang tuwa. Kahit ako nagulat sa ginawa ko.
dug.dug.dug
At ang mas nakakagulat don, he hugged me back.
(.//////.)
"Sorry. Ganun talaga ako. Napapayakap na lang bigla kapag natutuwa." Nakatungo nanaman ako. Alam na! Eh nahihiya ang lola niyo eh bakit ba!
"Alam mo kanina ka pa sorry ng sorry" Masilip nga si mylabs. Ba't parang namumula si Harry? Ay, siguro malikmata ko lang yon. "It's our date remember? Kaya tigilan mo na yang kasosorry mo. Dapat pareho tayong mag-enjoy sa araw na to at dapat din mapasaya kita."
EEEEHHHHH!!! KASI NAMAN EH! BAKIT KA GANYAN MYLABS?????
***
Pagkagaling namin sa Blue Magic, nag-ikut ikot kami sa mga mini stores ng SM. Alam niyo na, tingin-tingin lang. Pareho kaming namumulubi ngayon eh. Saka dapat siya ang manlibre noh! Niyaya yaya niya ko makaipag-date tapos ako yung gagastos?
Nagwindow shopping lang kami at ng nakaramdam ng gutom, pumasok na kami sa Jollibee, ang favorite ng bayan! Kung saan bida ang saya!
At saka treat niya noh! Hehe
Yum~
Yum~
"ANTSRAPP!!!"
"Wait. Stop right there."
Nagulat ako ng nagsalita si Harry. Anong problema neto?
dug.dug.dug
Kumuha siya ng tissue at pinunasan yung pisngi ko. May dumi siguro.
"Kababae mong tao, kung kumain ka daig mo pa ang isang palaboy sa kalye!"
WOW. Hulaan niyo kong sinung kinikilig?? Dali dali!!! Walang clue to, pag nahulaan niyo, may premyo si Ms. Author! [Aba aba! Wala me money!]
Nakuu!! Paniguradong lalaki ang eyebags ko!
Eh kasi naman eh! Hindi nanaman ako makakatulog niyan kakaisip ng mga pangyayari eh! Si Harrymylabs kasi ... ^_^
BINABASA MO ANG
♫ Music Lovers ♫ (on going)
Novela JuvenilShe never experience falling in love with a guy. Sa tingin niya kasi, ang corny ng 'love' na yan. He had his heart broken by his first love. She has a crush, at lahat na ginawa niya para lang mapansin siya nito. Pero hanggang ngayon siya pa rin ang...