Music 21 ♫
Felicity's POV:
"Sino nga kaya yun? Hmmm..."
Napahawak ako sa baba ko at hinimas-himas ito.
I'm still wondering, sino kaya yung guy kagabi? Kapag iniisip ko, it gets me chill. Baka naman isa yun sa mga stalker ko sa last section.. Eeehh.. Nakakapangilabot!
"Honey!!!"
Speaking of stalkers... AYAN NA SILA!!!
Patakbo na sana ako ng bigla akong hinarang ng isa sa kanila. Actually, ok naman sila eh. Solid fans ko nga ang mga yan eh! Remember nung Battle of the Bands eh gumawa pa ang mga 'to ng banner for me. Band, Flying Colors... Hayss.. Bigla ko tuloy naalala ang mga mokong na yun,nakakamiss ang mga bonding namin.. :( TOINK .
"Aray naman! Ba't mo ko binatukan?" Ang sabi ni boy na humarang saken.
"Tanghaling tapat naman kasi, pinakita mo ang pagmumukha mong pambaragan! Panira ka ng araw! Tuloy sumimangot si Honey!"
"Hala! Oo nga no sumimangot ka nga! Ganun ba kalala mukha ko?" AT biglang nagpout si boy. Ngayon nagtatalo na silang lahat sa harapan ko. To be honest, cute naman silang lahat. Tatlo silang magkakaibigan at 3rd year din.
Ang pagkakaalam ko, nagsimula ang pagpapantasya nila saken last year nung naging student teacher nila ako.
"Ummm.. guys wag na kayong mag-away oh.." ang sabi ko sa kanila.
Bigla silang napatigil at napalingon saken.
"Masusunod honey!" Ang sabi ng lider nila. I guess Kierwin ang pangalan. Kierwin ba o Erwin? Ay ewan!
"Tsk.tsk.tsk. Hoy! Wag niyong aksayahin ang oras niyo sa babaeng yan noh!" Umarangkada nanaman ang TNK. |Na-miss niyo ba sila?Hehe.. |
"Yeah yeah yeah. Ang cucute niyo pa naman." Sabay hawak ni Charisse sa baba ni Kierwin/Erwin. "Such a waste!"
"Pwede namang samin na lang kayo magpantasya ha!" At kumindat naman si Lyka sa tatlo. Kinilabutan ang mga mokong. Haha! Ang cute!
"Eeew! Never!"
"In your dreams!"
"Mas mabuti pang magpakamatay!!"
"Uy wag naman!" Ang sabi ko. Eh grabe naman kasi. Pakamatay agad?
"Wow concern si Honey saten! Sige Honey, mauna na kami ah!"
Naglakad sila ng pabaliktad at sabay-sabay nag-wink. Nakakatuwa talaga sila.
"Ang laki ng ngiti ni yabang oh! Ang yabang talaga!" - Karla. Napakunot bigla yung noo ko. Sasagot na sana ako ng may nagsalita.
dug.dug.dug
"Anong mayabang dun? I think she didn't do wrong. Kayo nga ang salita ng salita ng masama eh, nonsense naman."
My hero came. Napangiti uli ako.
Speechless ang tatlo at nag-walk out. Haha. Buti nga! Binilatan ko sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/1805109-288-k803575.jpg)
BINABASA MO ANG
♫ Music Lovers ♫ (on going)
Teen FictionShe never experience falling in love with a guy. Sa tingin niya kasi, ang corny ng 'love' na yan. He had his heart broken by his first love. She has a crush, at lahat na ginawa niya para lang mapansin siya nito. Pero hanggang ngayon siya pa rin ang...