Music 8 ♫

543 12 4
                                    

Music 8

- Felicity's POV -

"Precision refers to the degree of agreement among several measurements of the same quantity."

Hanggang ngayon, I'm still shocked sa mga sinabi ni Harry yesterday. Hindi ko akalaing nagka-gf na pala siya. Ang pagkakaalam kasi ng marami, wala pa siyang nagiging girlfriend dahil wala namang umaaligid sa kanyang girl. Marami ngang nakapila na maging gf niya eh. Abot na kaya hanggang sa Outer Space. Sa gwapo ba naman niya di ba? 

"Ok class, who can tell me what accuracy is? Anyone?"

Hayyy.. Akala ko pa naman ako ang magiging first girlfriend niya. Pag naging kami, magpaparty talaga ako!

"From this group... Ms. Ocampo .."

Kaya pala siya malungkot nung nagpapraktis kami dahil matagal niya na palang dinadala ang problema niya ..

Hayyyy.. Another buntung hininga.

"Ms. Ocampo. MS. OCAMPO!!!"

"Ay palaka! Yes ma'am!" Napatayo ako bigla sa sobrang gulat kay ma'am. 

"Ms. Ocampo, are you with us?"

"Yes ma'am. I'm sorry. Promise po hindi na mauulit." Kinamot ko ag ulo ko

"Hay naku, ang yabang talaga!" - Charisse

"Oo nga,feelingera talaga superrr!!" - Lyka

"Ang kapal! Porke laging top sa class hindi na makikinig? At anong pinagmamalaki niya? Na naging vocalist siya ng FC??"

Aba aba! Umaarangkada nanaman ang 'Tropa ni Negneg Karla'. Tumataas na talaga ng todo-todo ang kilay ko. To the 3rd power na 'to ah!

Kaya mo yan Fels, kaya mo yan! Wag kang magpapaapekto sa mga insecure. Gaya nga ng sabi ni Clodet sa PBB TEENS: "Insecurity nevers brings me down." 

"Matalino ka pa naman at consistent ka pa sa pagiging top 1. Naku mag-ingat ingat ka at baka matalo ka na ng mga kaklase mo. Tigil-tigilan mo na yang pagdi-daydream mo."

"Opo ma'am. Sorry po talaga." ;( Pano niya nalaman na nagdi-daydream ako? Madam Auring lang Ma'am Garcia?

"Okay, again Ms. Ocampo, what is accuracy?"

"Accuracy refers to the agreement of a particular value with the true value. It is also the ability of a measurement to match the actual value of the quantity being measured." O ano kayo ngayon 'Tropa ni Negneg Karla' ? Sabog kayo sa'ken noh! 

"At least you're studying. Basta wag mo na uli uulitin yun."

Ma'am.. Kailangan paulit-ulit? Hanggang kailan po ba ako magsosorry sa inyo? 

*tok.tok.tok*

"Ma'am, can I interrupt you?" Ang sabi ni Mrs. De los Santos. Teacher siya ng section 2, nila Jashmin.

"You can. Go on."

"Mrs. Garcia, pwede bang sayo na 'tong isa ko kasi masyado pala 'tong matalino eh. Dapat pala sa inyo 'to kaya lang na-late ang pag-transfer niya eh." May new classmate kami? Yehey! Siguradong magiging close kami nito! Hehe :D

"Di ba hindi pa naman puno ang section 1? Sa tingin ko naman deserving 'tong batang 'to na mapunta sa star section." Sino kaya 'to?

"Oo naman. Eh ikaw na rin naman ang nag-rekomenda eh. Why not?" Sana babae! Para naman madagdagan ang mga kakampi ko pagdating sa 'Tropa ni Negneg Karla'.

"Sige salamat Ma'am Garcia. Iwan ko na sa inyo 'to." 

Umalis na si Ma'am De los Santos. Tumambad ang isang lalaking nakatalikod sa may pinto. So lalaki siya? Ok fine. Pero sana maging close kami.

..

Antagal naman kausapin ni Ma'am 'tong si boy!

...

So kailangan pa-suspense?

"Kindly introduce yourself in the class."

Pati ba naman pagpasok sa room nakatalikod sa'min? Hayy naku.. Sino kaya talaga 'to? I can feel na kilala ko siya. 

"Ummm.. Hi guys!"

(O.O)

Biglang nagtilian ang mga girls sa room. Ang pinaka nangibabaw ay yung mga bwisit na tili ng 'Tropa ni Negneg Karla' ...

"I'm Kenneth Santos, your new classmate." 

So si Kenneth pala! May baon kaya siyang tuyo?

"Mr. Santos, you can seat right there beside Ms. Ocampo."

"Ok po."

"Oh my gosh! He's so cute! Siya yung pianist sa FC di ba girlalus?" - Charisse

"Yup. Makalaglag panty ang kagwapuhan niya! Pero bakit kay Yabang siya natabi??" - Lyka

"Bwisit talaga yang si Yabang! Namumuro na talaga siya sa'tin gerlalus!" - Karla

Kailangan rinig na rinig yung mga walang kwentang opinyon? Kailangan isigaw?

"Wow. Ms. Happiness! Classmate na kita?"

"Ay hindi na lang! Oo nga Kenneth." Nasa may bintana nga pala ang pwesto ko at sa pinakadulo. Nasa may right side ko naman si Kenneth naupo.

"Pero masaya ako that you're here."

"Wala ng mas titindi pa sa kasiyahang nadarama ko ngayon." Pabulong niyang sabi.

"What? Anong sabi mo?" Kasi naman, magsasalita na nga lang pabulong pa. 

Ang pagkakarinig ko sa sinabi niya eh ito , "Asdfhrkaj jjarfga sdshajkk...." 

"Sabi ko maganda ka! Bingi nga lang!"

"Ewan ko sayo!"

Pero ano kaya ang mangyayari kong nandito na si Kenneth? 

♫ Music Lovers ♫ (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon