ANDRASTE
My freaking life sucks, isip ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng itim na kotseng sinasakyan ko.
Bakit ko 'to naisip? Maraming dahilan. Sisimulan ko sa pinakauna.
Isa akong Bachelor of Science in Political Science graduate sa Pilipinas, at dahil masipag akong mag-aral, itinuloy ko ito sa pagkuha ko ng kursong law. Kaso noong mag-sesecond year na ako sa law school, nalaman ko na lang na may ibang lalaki ang mom ko. At nanlalaki siya kahit na kasal pa sila ng stepdad ko.
Matinding pagtitiis ang ginawa ko sa tuwing pinagtatakpan ko ang ka-immoral-an ng mom ko. Awang-awa ako sa stepdad ko, at sobra-sobrang guilt ang naramdaman ko, lalo na at yong stepdad ko ang bumuhay sa amin at nagpaaral sa akin simula nang iwan kami ng biological father ko.
Sinubukan kong pigilan ang mom ko sa ginagawa niya. Sinubukan ko rin siyang pakiusapan. May punto pa nga na kinamuhian ko na talaga siya. Pero may nagawa ba? Wala. Kaya hindi nagtagal, nabuko rin sila ng lalaki niya.
Dito nagkanda-loko-loko ang lahat na nauwi sa isang mapait na hiwalayan. Mabuti na nga lang at hindi pa rin pinabayaan ang mom ko ng lalaki niya. Pero ako, wala na. Yung pangarap kong maging abogado balang araw, sira na. Sira na dahil napilitan akong sumama sa kanila ng lalaki niya papunta rito sa States.
Apparently, my mom found herself a filthy rich man. At balita ko ay biyudo na rin yong lalaki at na iisa lang ang naging anak nito mula sa asawa nitong pumanaw na.
Kaya, hayun, ang lakas ng loob na dalhin kami ng mom ko dito sa America at patirahin sa bahay nila. Pero dahil sa galit ko, hindi ako sumama sa kanila pauwi at sa halip ay naghanap ng ibang matutuluyan.
Nag-away kami ng mom ko, siyempre, dahil ayaw niya akong payagan. Ganun pa man, twenty-one na ako sa mga panahong yon at may karapatan na akong magdesisyon para sa sarili ko.
Hindi nga lang naging madali ang naging desisyon kong ito dahil limitado lang ang perang naipon ko, sapat lang para matustusan ko ang pang-isang buwan na renta ko sa apartment na tinuluyan ko at iba pang living expenses ko.
Swerte ko na nga lang at mabait yong kasama ko sa apartment dahil tinulungan niya akong makapasok sa pinagtatrabahuan nito bilang isang hotel receptionist. Kaya, kahit papaano, nagawa kong maka-survive dito sa America sa loob ng mahigit isang taon nang hindi umaasa sa iba.
Medyo humupa na rin yong galit na nararamdaman ko sa mom ko at sa lalaki niya. Kaya, isang araw, sinagot ko rin sa wakas yong isa sa mga tawag ni mama na matagal-tagal kong ipinagwalang bahala.
Halata sa tinig niya na alalang-alala siya sa akin nang magkausap kami, at kahit papaano, hindi ko maikakailang na-miss ko rin siya. Sa huli, nakiusap siya sa aking sa mansyon na lang daw ako tumira para mapanatag na raw ang kalooban niya, lalo na at mamasyal daw sila ng lalaki niya sa iba't ibang mga bansa ngayong taon.
Wow lang. World tour. Sa halip na ayain nila akong sumama sa kanila---na siguro ay mas ikatutuwa ko pa sana---inaya lang talaga akong tumira sa mansyon kasama raw ang stepbrother ko.
Oo. 'Stepbrother' ko dahil ikinasal na nga raw pala sila ng lalaki---este, asawa niya nitong nakaraang buwan. That's why, apparently, this world tour thing would serve as their freaking honeymoon trip. Yeah, right. Lucky them.
As for my 'stepbrother,' I wasn't yet able to meet him in person. Ang alam ko lang tungkol sa isang 'to ay mas matanda ito kesa sa akin. Yon lang. Hindi ko na rin kasi matandaan yong iba pang impormasyon na binanggit ng mom ko, pati yong pangalan nito. Well, hindi lang kasi talaga ako interesado.
Kaya kung nagkataong manyakis o serial killer pala yon, aba, good luck na lang sa akin. Pinagbigyan ko kasi ang pakiusap ng mom ko nang mabalitaan kong kahapon yong flight nila ng lalaki niya para sa honeymoon trip nila.

BINABASA MO ANG
DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTING
HorrorLooking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn you into oblivion. He is a Master of Confusion and Deception; He will wreck you with his darkness and...