CHAPTER 44: The Madness

217 8 0
                                    

EIRLYS

Nagising akong tumitili sa abot ng makakaya ko at natauhan lamang nang maging pamilyar sa akin ang paligid sa pamamagitan ng liwanag ng buwan na tumatagos mula sa bintana. Narito ako sa kwarto ko sa isang apartment unit na tinitirahan ko. At ayon sa electric LED alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng night stand ay two forty-five pa lang ng madaling-araw.

Kaya siguro ang tahimik sa paligid.

Dali-dali kong sinuri ang sarili ko. Walang dugo, walang sugat sa dibdib, at walang galos sa kahit saang parte ng katawan. Ganun pa man, kahit na naka nightgown lang ako ay basang-basa pa rin ako sa pawis habang naghahabol ng hininga. Hindi lang yun. Nauuhaw, nagugutom, at nanghihina rin ako na para bang isang linggo akong hindi kumain at uminom ng tubig.

I combed my dry, knotted red hair with my fingers, then pulled my knees into my chest and put my head in between them as I repeatedly heaved deep calming breaths. Isa na namang masamang panaginip. Ganito na lang palagi ang nangyayari sa tuwing nakakatulog ako. Magigising akong naliligo sa sarili kong dugo o sa dugo ng iba, o na nakahiga ako sa kamang puno ng sari-saring gumagapang na mga insektong lumalabas-masok sa tenga o bibig ko o maging sa kutis ko, o na katabi ko ang naaagnas na mga bangkay, o na lumabas na ang lahat ng mainit-init pang lamang-loob ko mula sa katawan ko. Sa lahat ng mga ito ay damang-dama ko ang bawat sensasyon na dapat kong maramdaman, na para bang totoong-totoo ang lahat ng nakikita, naaamoy at naririnig ko. Pero makalipas ang ilang sandali, matatagpuan ko na lang na nasa isipan ko lang pala ang lahat.

Hindi ko na lang mapigilan ang mapahagulgol. Pagod na pagod na ako. Ilang linggo na akong walang maayos na tulog at kain. Ilang linggo na akong nagtitiis sa bawat sandaling pakiramdam ko ay tuluyan na akong masisiraan ng bait. Simula noong araw na nagbalik siya ay hindi na ako nakaranas pa ng katahimikan kahit sa isang sandali man lang. Because every time I let my guard down, she'd attack me in an unimaginable ways. Ways that would surely rock me to the core.

Katulad na lang ngayon. Ginawa ko ang makakaya ko para pigilan ang sarili kong makatulog. I even drugged myself, like what I was already doing these past few weeks, in order to stay awake. But doing this on a daily basis proved to be inadvisable as excessive use made my body immune to the drug and the constant lack of sleep seemed to have taken its toll.

Napatigil na lang ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng babaeng humihimig mula sa sala na tila ba sinasabayan ako. Agad akong nagpunas ng luha gamit ang mga kamay ko.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Ilang sandali ang lumipas at wala pa ring sumagot dito. Nawala na rin ang tinig na naririnig ko.

Nakalimutan ko bang i-lock ang pinto? May nakapasok bang magnanakaw? isip ko kasabay nang pagkalabog nang kung ano mula sa sala.

Saglit pa akong nakinig sa kung ano mang karagdagang ingay, at nang wala nang sumunod pa na tunog ay marahan at nanghihina akong bumaba mula sa kama saka nakayapak na naglakad papunta sa sala.

"Hello? May tao ba rito?" maingat na usisa ko nang buksan ko ang ilaw at walang natagpuan na kahit sino rito.

Nagmatyag ako sa paligid at namataan ang bukas na mga bintana kung saan pinapagaspas ng hangin ang kurtina. 'Di kalayuan dito ay nakita kong natumba yung maliit na flower vase na naglalaman ng natuyo nang mga bulaklak. Malamang ito yung narinig kong kumalabog kanina. Hinangin siguro kaya natumba.

Bago pa tuluyang mahulog at mabasag sa sahig yung flower vase ay kinuha ko na ito at inilipat sa center table. Samantalang itinapon ko naman yung bulok na mga bulaklak sa basurahan. Sunod kong chineck yung main door at nakitang naka-double lock ito.

DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon