ANDRASTE
Maliwanag na sa labas ng bintana nang magising ako. Maganda ang sikat ng araw ngayon, sinyales na maganda rin ang panahon.
Dahan-dahan akong bumangon at nadama ang sakit ng mga kalamnan ko sa buong katawan. Para akong inararo ng trak at may kung anong mahapdi sa isang braso ko. Kinilatis ko ito at nakita ang sugat kung saan ko mismo hinugot yung IV. May natuyo nang dugo rito dahilan para mapangiwi ako.
Inalis ko yung kumot sa ibabaw ko at bumaba mula sa kama. Sakto namang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Isang middle-aged na babaeng nurse ang pumasok sa kwarto. Gulat niya akong pinagmasdan.
"Oh, bakit nakatayo ka?" she inquired in a motherly tone.
"Uh, magbabanyo lang sana," nakatitig na tugon ko sa kanya.
She was severe-looking and her dark hair was drawn into a tight bun. Naaalala ko sa kanya si Professor McGonagall ng Harry Potter. Nakasuot nga lang siya ng nurse uniform at wala siyang eyeglasses.
"Nandoon yung banyo, iha," nakangiting turo niya sa puting pintuan na katabi ng dresser. Alam ko na talaga kung saan ito, pero nginitian ko lang siya.
"Thank you."
"Gusto mo bang tulungan kita?" magalang at may simpatyang alok niya.
Ngumiti ako ng bahagya. "Hindi na. Okay na ako," paniniguro ko sa kanya at pumasok na sa banyo. Mariin kong isinara yung pinto sa likuran ko saka ito ni-lock.
"Nandito lang ako," rinig kong ani ng nurse sa kabilang panig ng pinto. "Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka."
"Sige lang," tugon ko kasabay ng pagkakalukot ng mukha ko. Sana naman huwag siyang tumambay sa labas ng pinto. Ang sakit kaya ng tiyan ko at saka naiihi ako. Well, bahala siya riyan.
Pagkatapos kong ilabas ang dapat kong ilabas at naghugas, hinubad ko ang hospital gown ko saka tumapat sa shower. Warm water began cascading over me, relaxing me in the process. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumayo lang sa ilalim ng maligamgam na tubig na bumabasa sa buong katawan ko.
Kailangan ko ito. Kailangan ko ng break. Kailangan kong iwaksi muna sa isip ko ang naganap na pagtatalik namin ni Nevicus. Kailangan kong linawin ang isip ko dahil kailangan ko ring makaisip ng paraan kung paano makakatulong kay Crovax ng kahit na kaunti lang.
Si Crovax...
Sa totoo lang, hindi ko siya magawang pagkatiwalaan ng lubos. At bakit ko naman gagawin yun kung isa siyang demonyo? Ganun pa man, aaminin kong natutuwa ako sa kanya kahit na nakakaasar siya minsan.
Gusto ko ang pagbibiro niya kahit na ang hangin niya. Gusto ko ang mapaglarong ngiti niya. Gusto ko ang pagbibigay niya sa akin ng green apple lollipop. Gusto ko ang paraan ng pakikitungo niya sa akin, maliban na lang kapag niloloko niya ako tulad noong nagpanggap siya na isang demon hunter. Higit sa lahat, gusto ko ang pakiramdam na komportable ako sa tuwing kasama ko siya.
Nababaitan ako sa kanya, kaya naguguluhan din ako kung paano ako makikitungo sa kanya. Bakit ba kasi niya niligtas ang buhay ko? He was Nevicus' servant so I was so sure that he wasn't meant to be nice to me. Yes, I was kind of attracted toward him. I couldn't help it.
Sighing, I pushed all thoughts of him away. Umalis na ako sa tapat ng shower at pinatay ito pagkatapos kong maligo. Sunod kong kinuha yung twalyang nakasabit sa isang tabi, nagpunas ng katawan, at tumapat sa maliit na salamin na nakadikit sa pader ng banyo habang pinapatuyo ang buhok ko.
Napatitig ako sa repleksyon ko at nahinto sa ginagawa ko. Freaking hell, ang payat ko na! Ngayon ko lang talaga tinitigan ang sarili ko ng ganito, kaya ngayon ko lang din talaga ito napansin. Dagdag pa rito ay dry at maputlang tingnan ang kutis ko. Parang wala ring kabuhay-buhay ang mahabang light brown na buhok ko na kulay itim na sa dulo, sa may bandang anit. Halatang kulang na sa nutrisyon. Yung dark brown na mga mata ko nga lang yata ang buhay na buhay tingnan.
![](https://img.wattpad.com/cover/158385088-288-k625927.jpg)
BINABASA MO ANG
DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTING
TerrorLooking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn you into oblivion. He is a Master of Confusion and Deception; He will wreck you with his darkness and...