RHIANNON
"Andra?" tawag ko sa kanya.
Tumingin sa akin si Andra, at nanigas na lamang ako sa kinaroroonan ko nang makita ko ang lalaking may mapupulang mga mata sa tabi niya. Isa itong demonyo, alam ko na agad ito. At kahit ngayon ko pa lang nakita ang demonyong ito, alam kong si Crovax ito ayon sa mga naikwento na sa akin ni Andra.
May nabasag na kung ano sa sahig sa likuran ko. Napalingon ako at nakita si Jace. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Gusto kong malaman kung nakikita rin niya si Crovax. Ang bilis ng pintig ng pulso ko, pakiramdam ko naririnig na ito maging ng mga kasama ko. Sana magsalita na si Jace.
Please, Jace. Kahit ano... Magsabi ka ng kahit na ano.
Hindi ko na kaya pang tiisin ang katahimikan kaya nagsalita na ako, "nakikita mo ba yung katabi ni Andra?" usisa ko kay Jace. I swear I felt like my life depended on the answer to this question.
Tila natulos si Jace sa kinatatayuan niya. "Oo," bulong niya.
Alam kong dapat akong makaramdam ng kaginhawaan sa narinig ko, ngunit kabaligtaran nito ang naramdaman ko. Ngayon alam ko nang mga demonyo nga talaga ang kinakaharap namin ni Andra at na hindi lang sila basta nilikha ng mga isip namin. Totoong masasama silang mga nilalang. At ibig sabihin, totoong nasa panganib kami ni Andra pati ang mga taong malalapit sa amin.
Totoo... Totoong nakakaharap ko ang Demonyo ng Kabaliwan for all these years. Totoong nakilala ko nga mismo si Nevicus. Totoo siya! Totoo rin si Crovax!
Palaging may maliit na parte ko ang nagsasabing nababaliw na ako, subalit pinupuntirya nga talaga ako ng demonyong yun. Naparalisa ako, hindi lang pisikal kundi pati na rin sa kaisipan. My mind was in a frozen state as if my brain had just stopped working, as if the neurons had stopped transmitting and processing information amongst each other. Hindi ko maramdaman ang mga kamay ko at bumagsak ako paupo sa sofa.
Hindi ako baliw. Hindi rin baliw si Andra. This thought alone terrified me. I saw a mental image of Nevicus' red eyes and sadistic smirk flash right in front of me. He was really out there, plotting against me. Madali niya akong napaglaruan. Pinagkatuwaan niya ang takot ko sa kanya maging ang kalituhang idinulot nito sa akin. Pero may isang katanungan ang palaging tumatakbo sa isip ko. Bakit ako? Bakit ako ang napili niyang pahirapan ng ganito sa dinami-rami ng tao sa mundo?
Sa pagkakaalam ko, isa lang din naman akong normal na tao tulad ng iba pa. May nagawa ba akong matinding kasalanan sa past life ko para maging ganito ang kaparusahan ko? O basta-basta lang namimili si Nevicus ng mga biktima niya? Eh si Andra, anong kinalaman niya sa lahat ng mga ito? Kung ano pa man ang sagot sa mga ito, alam kong kailangan kong baguhin ang kawalan ng pananampalataya ko sa Diyos para pigilan si Nevicus.
He had succeeded in making me an atheist, which was very ironic since he was a demon. He was the unquestionable proof that there was also a god somewhere. Dahil kung may mga demonyo, may Diyos din kung ganun. Ganun lang kasimple. This analysis made me frown at some aspects of humanity. Maraming mga tao ang naniniwala na may Diyos. Ganun pa man, kapag binanggit mo na ang salitang 'demonyo,' agad ka nilang tititigan na para bang nasiraan ka na ng bait.
Nang magbalik ako sa reyalidad, muli kong sinulyapan si Jace na halatang gulat na gulat din katulad ko. Subalit mabilis na napalitan ang hindi makapaniwalang ekspresyon niya ng galit. He clenched his hands into fists at his sides and his jaw tensed.
"Lumayo ka sa kanya!" sigaw niya kay Crovax at naglakad patungo rito.
This was enough for me to fully snap out of my trance, and for Andra to react.
"Huwag, Jace!" pigil ni Andra kasabay ng biglaang pagtayo niya.
Jace pulled a crucifix out of his pocket and aimed it toward Crovax, who hissed and looked away. "In the name of God---"
![](https://img.wattpad.com/cover/158385088-288-k625927.jpg)
BINABASA MO ANG
DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTING
KorkuLooking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn you into oblivion. He is a Master of Confusion and Deception; He will wreck you with his darkness and...