ANDRASTE
Katatapos ko lang mag-shower at magbihis sa pambahay ko---itim na sweater at polka-dotted na pajama---nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko sa mansyon. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok ko sa tapat ng full length mirror na matatagpuan malapit sa gilid ng glassed double-doors ng balkon kaya kinakailangan ko pang tawirin ang kwarto ko para makalapit sa pinto at buksan ito.
Hassle nga lang dahil hanggang ngayon medyo mahapdi pa rin yung pagkababae ko kaya medyo mabagal pa rin akong maglakad. Pero, at least, hindi na ako paika-ika tulad kaninang umaga kung saan matinding sakit at kirot ang tiniis ko para lang maglakad ng maayos at normal.
Nang marating ko yung pinto at akmang ipipihit na yung doorknob ay narinig ko na lang ang isang pamilyar na tinig. "Mayze, anak?" anang isang babae sa kabilang panig ng pinto.
Agad akong napahinto, hindi makapaniwala sa narinig ko. Napakunot-noo ako. "Mom?" Yung mom ko lang ang tumatawag sa akin sa second name ko.
Nagkaroon ng isang mahabang katahimikan bago ako nakarinig ng sagot. "Mayze, andiyan ka ba?" parang hindi na rin siguradong tanong ng babae, kaya tuluyan ko nang binuksan yung pinto.
Bumungad sa harap ko ang isang babaeng mas maliit kesa sa akin, ngunit medyo mas mataba. She looked... great. Her long and straight, dark brown hair was flowing freely down her back. Her dark brown eyes, which were the same as mine, had an unusual brightness. Her brows, on the other hand, were forming a scowl.
"Oh," blankong usal ko nang masiguro kong yung mom ko nga ang kaharap ko. Hindi ko alam kung paano mag-rereact, kaya sinabi ko na lang na, "akala ko po ba isang taon pa po kayong mag-totour?" Kung saan? Hindi ako sigurado. Sa ibang bansa o sa impyerno?
She made a face. "Umuwi muna kami," sagot niya, saka ngumiti at idinagdag, "ay, halika sa baba, may mga pasalubong ako sa 'yo." Tinaas-baba niya ang mga kilay niya na para bang pati siya ay sabik ding ipakita ang ano mang inuwi niya.
Normally, ma-eexcite at matutuwa ako sa ganitong balita. Mga pasalubong galing sa ibang bansa? Sinong hindi matutuwa dun? Pero hindi na normal ang buhay ko. Wala ng normal sa buhay ko. At hindi ko maintindihan kung ano talaga ang mga nangyayari sa mga oras na ito.
Bakit nandito ngayon sa harap ko yung mom ko at excited pa na ipakita ang pasalubong niya para sa akin? Bakit parang napakanormal lang ng lahat na parang walang problema? Akala ko ba nasa impyerno siya? Nagsinungaling ba sa akin si Nevicus? Pinaglalaruan na naman ba niya ako? Pakiramdam ko lahat ng pinapaniwalaan at inaakala kong totoo ay bigla na lang nag-iba at naging purong kasinungalingan.
Pero kung mag-iisip ako ng sobra, mas lalo lang akong malilito. Baka masiraan pa ako ng bait na siguradong siyang ikatutuwa ng demonyo. May mali sa lahat ng ito. Alam at ramdam kong meron. Was this a test? Was that freaking demon trying to confuse me again? If that's the case, then, I have to play my cards well and properly. For now, I had to go with the flow and act like everything's normal. I knew he was trying to break me, and I definitely wouldn't let him.
Nginitian ko ng abot-tenga ang mom ko na para bang na-excite rin ako. "Ay, oh? Sige, sige!" sabi ko at may naalala. "Wait lang po. May kukunin lang ako saglit."
Nang makuha ko yung kailangan ko ay isinara ko na yung pinto ng kwarto ko saka sinundan ang mom kong maglakad sa medyo madilim na hallway ng mansyon papunta sa sala. Habang naglalakad ay tinititigan ko yung likuran ng mom ko.
Kahit papaano ay hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa. Para akong nananaginip. Sana nga kasinungalingan lang yung napunta ang kaluluwa niya sa impyerno. Sana nga ayos lang ang lahat. At sana rin bumalik na kami sa Pilipinas at ipagpatuloy ang dati naming buhay.

BINABASA MO ANG
DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTING
HororLooking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn you into oblivion. He is a Master of Confusion and Deception; He will wreck you with his darkness and...