ANDRASTE
"McCarthy's Hotel, may I help you?" I asked automatically in a casual tone.
"Yes, I'd like to make a reservation," sagot ng boses ng isang lalaki sa kabilang linya kaya naman pinakinggan ko ito at saka ko lang binaba yung telepono matapos kong i-type yung mga request nito sa computer na kaharap ko habang nakatayo.
Madali lang yung trabaho ko bilang isang receptionist dito sa hotel. Kailangan ko lang batiin ng nakangiti yung mga bisita at sagutin yung telepono para gumawa ng reservations kapag tumunog ito. The job was manageable for $9.53 per hour, plus the benefits and extra hour's payment. Kaya naman nagpapasalamat ako kay Mr. McCarthy dahil ibinigay niya sa akin itong trabahong ito kasama si Rhiannon.
Hindi kataasan yung kita, pero sapat na ito bilang pambayad sa pangunahing mga gastusin. Kung tutuusin, hindi ko naman na kailangan pa itong trabahong ito ngayon, lalo na at nilagyan ng mom ko at ng lalaki niya---sige na, bagong stepdad ko---ng malaking halaga yung credit card ko bago sila lumipad papunta sa ibang bansa. Sa laki ng halaga nito ay sapat na ito para mabuhay ako ng marangya sa loob ng isang taon.
Ganun pa man, napagpasyahan kong manatili sa trabahong ito dahil ito na lang ang tanging pinagkakaabalahan ko at ang tanging paraan para magawa kong makihalubilo sa ibang mga tao lalo na sa mga kaibigan ko. Kaso, yung partner ko bilang receptionist na si Rhiannon---na siya ring nagrekomenda sa akin sa trabahong ito---absent ngayon dahil may sakit. Hindi ko tuloy maiwasan ang medyo malungkot at ma-bore.
Pinagmasdan ko yung lobby ng hotel. Katulad lang ito ng iba pang mga lobby, may mga employee sa paligid at magalang na nginingitian yung mga bisita. Alam kong nakakangawit yung ginagawa nila lalo na at palagi lang silang nakangiti ng ganyan. Kaya hindi na ako magugulat kapag isang araw permanente nang nakaangat ang magkabilang sulok ng mga labi nila.
The elevator's golden doors opened and a happy couple came out, grinning and laughing. Minsan napapaisip ako kung anong pakiramdam ng ma-in love ng ganyan. Hindi naman dahil sa hindi ko pa nararanasan ang makipagrelasyon. Ang totoo niyan, nagka-boyfriend na ako. Dalawa. Noong elementary at hayskul. Pero hindi naman ibig sabihin, na-in love na ako nun.
Yun nga lang, sabi nila parang wala nga lang daw itong mga naging relasyon ko dahil masyado pa raw akong bata nun. Hindi pa raw ganun kaseryoso, parang puppy love lang daw. Well, may punto sila.
Dito naman sa America, kung gusto mong makahanap ng makakarelasyon ay usong-uso ang pakikipag-date. Kaso ni minsan ay hindi ko ito binalak na subukan. Boring kasi ito para sa akin. Boring dahil hindi ako madaling mag-open up sa mga taong hindi ko masyadong kilala. Kaya siguradong mabobore lang sa akin yung taong makaka-date ko. Hindi kasi ako ganun kadaldal, at kapag wala akong masabi, mananahimik lang talaga ako.
Anyway, naiinggit man ako minsan sa mga may boyfriend na at mukhang masaya naman sa mga relasyon nila, hindi pa naman ako ganun kadesperada sa paghahanap ng makakarelasyon. Oo, twenty-two na ako, pero marami ang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon. Baka nga bukas makilala ko na lang bigla yung 'the one' ko. See? Kung talagang darating, darating din 'yan sa tamang oras o panahon. Kung hindi, baka hindi lang talaga para sa akin.
Bukas naman ako sa kahit na anong posibilidad. Kung tumanda akong dalaga, eh di wow. Mag-woworld tour na lang ako. Total naka-jackpot din naman yung mom ko sa bagong asawa niya, kaya hindi ko na problema pa ang mga gastusin.
"Andra," banggit ng kung sino sa pangalan ko at napagtanto kong nakatunganga lang pala ako.
Nag-focus ako sa taong nasa harapan ko at natagpuan ang isang napakagandang babae na may mahaba at maalon na kulay pulang buhok, pale-gray na mga mata, at freckles sa ilong. Si Eirlys Greyson. She was leaning on the counter in front of me. Her gigantic boobs were pressing against the surface, threatening to jump out of her white blouse any second.
![](https://img.wattpad.com/cover/158385088-288-k625927.jpg)
BINABASA MO ANG
DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTING
HorrorLooking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn you into oblivion. He is a Master of Confusion and Deception; He will wreck you with his darkness and...