ANDRASTE
"Andra!" singhap ni Rhiannon pagkabukas niya sa pinto, saka niya ako niyakap ng mahigpit.
Nabigla ako sa ginawa niyang ito dahil hindi naman siya madalas umakto ng ganito. Isa pa, hindi ako sanay na basta-basta nayayakap. Kaya ilang segundo muna ang lumipas bago ko nagawang gantihan ang yakap niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Humakbang siya paatras para tingnan ako sa mukha. "Medyo okay naman na," tugon niya ng may pilit na ngiti sa mga labi.
Kinilatis ko ang kabuuan niya. Maganda si Rhiannon Sullivan---di hamak na mas maganda kesa sa akin at mas matangkad ng tatlong pulgada. She was five-foot-six, and had a perfect heart-shaped face, with defined facial structure. Yun nga lang ay haggard siyang tingnan ngayon. Well, malamang dahil may sakit siya.
Her once flawless and glowing fair skin was now very pale. Maging yung dating unat at hanggang-bewang na strawberry blonde hair niya ay magulo at buhol-buhol tingnan. May eyebags sa ilalim ng malalaki at kulay asul niyang mga mata, at namumula ang mga ito na para bang katatapos lang niyang umiyak. Mukhang nabawasan din siya ng timbang. Halata sa yellow dress niya na parang ang luwang tingnan sa kanya.
"Sigurado kang ayos ka lang?" pag-aalala ko. Parang masyado naman ata siyang haggard tingnan para sa isang may lagnat.
Hindi niya sinagot ang tanong kong ito, ngunit hinila niya ako sa braso ko. "Halika, pasok ka muna rito."
Nang nasa loob na ako ay agad ulit siyang humarap sa pinto at mabilis itong sinara saka ni-lock. Hindi rin nakatakas sa pansin ko ang panginginig ng mga kamay niya habang ginagawa niya ito.
Tumaas ang mga kilay ko, pero hindi na lang ako nagsalita pa tungkol sa kakaibang inaasal niya. "Nag-dinner ka na ba? Gusto mo lutuan kita?"
Umiling siya. "Hindi pa ako gutom." Naglakad siya papunta sa may sofa, naupo rito, itinaas ang mga paa, saka niya niyakap ang mga tuhod niya at tumitig lang sa sahig.
"Kahit lugaw lang, ayaw mo? Rhiannon, kahit na hindi ka pa gutom kailangan mo pa ring kumain. Nagiging unhealthy na 'yang kapayatan mo." Bigla ko na lang tuloy naalala ang mom ko pagkasabi ko sa mga katagang 'to. Ganito rin kasi ang sinasabi niya sa akin sa tuwing may sakit ako at hindi kumakain. "Kung pwede ko lang sanang i-donate sa 'yo 'tong sobrang mga taba ko sa katawan, ginawa ko na."
Her large blue eyes glanced at me. "Okay lang naman 'yang katawan mo. Proportionate sa height mo."
"Ang ibig kong sabihin, ito," sabi ko at itinaas ng bahagya yung blouse ko saka pinisil yung kaunting taba ko sa tiyan. "See? Nahahalata kayang may bilbil ako sa tuwing nagpapantalon ako ng mid-waist o low-waist."
"Eh di mag-workout ka na lang ulit sa gym tulad ng dati."
"Yun nga rin plano ko eh," sang-ayon ko sa kanya.
Dalawa kasi kaming nag-woworkout dati sa gym. Siya, para maging toned ang katawan niya. At ako, para laglagin ang mga taba ko sa katawan. Effective naman yung apat na buwan na iginugol namin sa gym. Yun nga lang, may natira pa ring kaunting sobrang taba sa katawan ko. Kaya naisipan kong mag-workout pa ng dalawang buwan para tuluyan nang mawala ang bilbil ko at maging toned ang muscles ko.
"Ikaw, anong plano mo? Magmukhang tangkay?"
"Grabe ka, Andra," she said, offended. "Hindi naman."
"Weh? Just for the record, Rhiannon, you're starting to look like one," patuloy na pang-aasar ko sa kanya. "So, kapag nagluto ako ng lugaw, kakainin mo na?"
"Oo na," wika niya na para bang no choice na siya. "Basta siguruhin mo lang na masarap 'yan ha?"
I smiled brightly. Mission accomplished. "Oo naman. Basta ba bumuti lang ang pakiramdam mo."
BINABASA MO ANG
DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTING
HorreurLooking into his eyes will consume your mind and soul; Hearing his voice will extinguish your sane thoughts and dreams; Feeling his touch will turn you into oblivion. He is a Master of Confusion and Deception; He will wreck you with his darkness and...