CHAPTER 27: The Soul

201 10 0
                                    

ANDRASTE

"Sweet nightmare, Andraste," malamig na paalam ni Nevicus kasabay ng pagsara ng pinto.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumayo at habulin sila Rhiannon at Nevicus. Gusto kong umiyak dahil sa kawalan ko ng lakas para lumaban. Ganun pa man, ang tanging nagawa ko lang ay ang mawalan ng malay. At sa pagkawala ng ulirat ko ay ang pagkawala rin ng kung ano sa loob ko.

Sunod ko na lang na natagpuan ang sarili kong nakakulong sa katawan ng batang Rhiannon na kasalukuyang bumababa sa isang hagdan hanggang sa marating niya ang isang basement. Agad niyang namataan ang hinahanap niya, ngunit nagtago siya sa likod ng isang upuan dahil pinagbabawalan siyang pumunta sa lugar na ito kaya hindi siya pwedeng magpakita. Isa pa, may kung anong nagaganap na kahindik-hindik sa harapan niya.

Isang babae na kamukhang-kamukha ni Rhiannon---maliban sa golden blonde ang buhok nito---ang nakita niyang sinusugatan ang pulsuan ng isang batang lalaki na nakahiga sa isang metal table habang nakakadena ang parehong mga kamay at mga paa nito. Ang kuya ni Rhiannon. Medyo natigilan ako. Teka, may kuya si Rhiannon? Bakit hindi man lang niya nakwento sa akin 'to?

Na-distract ako dahil sa sari-saring mga bagay na tumatakbo sa isipan ng batang Rhiannon. Gusto niyang tulungan ang kuya Ryan niya lalo na nang marinig niya itong sumigaw dahil sa kirot ng sugat nito, ngunit hindi niya alam kung paano. Ni hindi nga niya alam kung dapat ba niyang pigilan ang mama niya sa ginagawa nito o hindi. Parang may mali sa ginagawa nito, pero dapat ba niyang pangunahan ang mas may alam kesa sa kanya? Halatang nalilito siya.

Subalit iba naman ang nasa mismong isip ko. Wala akong ibang masabi kundi malala na ang mama niya. Tuluyan nang natanggalan ng turnilyo sa utak. Kahit ako na may galit sa mom ko dahil sa hindi ko mapakisamahan ang pag-uugali niya, kahit papaano ay masasabi kong mas matino pa kumpara sa ginagawa ng baliw na babae sa harapan ng batang Rhiannon. I immediately felt very bad for her and her elder brother. Ganito ba ang naging buhay nilang magkapatid kasama ang mama nila? Yung papa nila, nasaan na?

Hindi na lang ako makapaniwala nang utusan ng mama ni Rhiannon ang kuya Ryan niya na tawagin ang pangalan ni Nevicus. Seriously? Wala nang pag-asa pang gumaling yung mama nila sa lagay na 'to.

Hindi na ako mapakali sa posisyon ko. Gusto ko nang umalis sa katawan ng batang Rhiannon para pigilan ang nangyayari sa harapan namin. Kaso mapipigilan ko pa ba ang nangyari na? Ang naganap na? Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, 'di ba? Ang hirap nga lang kumawala. Para akong nasa loob ng isang kabaong na ibinaon na sa lupa kung saan kahit na anong galaw o tulak ang gawin ko ay hindi na ako makalabas pa. Freaking hell. Naiirita na ako. Ayaw kong nakukulong ng ganito.

Hindi inaasahan ng batang Rhiannon ang sunod na nangyari. Tiningnan siya ng kuya Ryan niya, malungkot na nginitian, at sinabing 'takbo' sa pamamagitan lamang ng paggalaw ng mga labi nito. Umiling ang batang Rhiannon. Ayaw niyang iwan ang kuya niya. Ayaw niya. Hindi niya kaya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya.

Sa kabilang banda, patuloy akong kumakawala sa kinalalagyan ko. Alam kong makakawala rin ako rito. Nararamdaman kong makakawala rin ako. In-imagine ko ang sarili ko na para bang nasa loob ako ng isang cocoon, at gamit lamang ang dalawang mga kamay ko ay sinusubukan ko itong buksan mula sa loob. Konti pa. Konti na lang.

Paulit-ulit nang tinatawag ng mama nila Rhiannon ang pangalan ni Nevicus. Napailing-iling na lang ako sa kabila ng ginagawa ko. Baliw na talaga. Ni hindi nito alam kung ano ang kalalabasan ng binabalak nitong gawin.

Ramdam kong nabubuksan ko na ang cocoon na kumukulong sa akin, at ramdam kong unti-unti na rin akong nakakalabas mula rito. Ngunit isang malakas at malamig na hangin na lamang ang umihip sa buong silid na lumakas pa hanggang sa tuluyang namatay ang nakasinding mga kandila na nakakalat sa paligid.

DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon