CHAPTER 26: The Lost Memory

191 7 0
                                    

RHIANNON

Pagkatapak na pagkatapak pa lang ng mga paa ko---na walang nakasuot na kahit ano---sa malamig na sahig ng banyo ay lumabo ang buong paligid dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo na nilabanan ko. Sandali lang ito, at nang tuluyang luminaw ulit ang paligid ko ay napagtanto kong hindi na kami nakatayo sa banyo kundi sa isang madilim na hallway.

Pamilyar na pamilyar ito sa akin. Isang pintuang gawa sa kahoy ang nasa dulo nito at pumapasok ang banayad na simoy ng hangin sa malaking puting bintana na katabi nito. Natigilan ako nang mapansin ko ang isang batang nakatayo ilang hakbang ang layo sa bandang kanan namin. May mahaba itong strawberry blonde na buhok at asul na mga mata. Kahit na hindi ko ito nakikita ng harapan ay alam kong ako ang batang ito.

Anong nangyayari? Nanaginip ba ako? Ilusyon ba 'to?

"Sundan mo siya," bulong ni Nevicus habang nakaturo sa younger version ko.

Naguguluhan ko siyang tinapunan ng tingin. Nanatili lang siyang nakatayo sa tabi ko, at parang mas lalong nagliliwanag ang mapupulang mga mata niya sa tuwing susulyapan niya yung batang babae.

"Anong nangyayari?" pagtataka ko.

Nagwawala na yung puso ko sa dibdib ko. Hindi pa ako masyadong nakakabawi mula sa nangyari kay Andra. Tapos ngayon, heto?

Ipinulupot ni Nevicus ang malalamig na mga daliri niya sa braso ko at itinulak ako papunta sa batang babae. "Ang sabi ko, sundan mo siya," utos niya.

Pinanood ko yung batang babae nang magsimula itong maglakad palapit sa pintuan. May hawak itong teddy bear na nakaipit sa isang maliit na braso nito.

"Bakit?" I asked again as I turned to him defiantly. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapakita pa sa kanya ng takot magpakailanman kahit na ang totoo ay takot na takot pa rin talaga ako sa kanya.

"Gusto mo ba ng mga kasagutan o hindi?" malamig na balik niya.

Lumunok ako at lumingon para tingnan kung ano na ang ginagawa ng batang babae. Binubuksan na nito yung pinto, at may masama akong pakiramdam dito. May nagsasabi sa aking hindi ko gustong malaman ang ano mang nasa likod ng pintong yun.

"Ano pang hinihintay mo?" tanong ni Nevicus.

Mas lalo tuloy akong hindi mapalagay dahil sa boses niya. Binalingan ko ulit siya. Nakasandal na siya sa isang pader.

"Natatakot ka ba, Rhiannon?"

"Hindi," mariing tanggi ko.

Nginisian niya ako. "Nagsisinungaling ka."

Umiling ako habang kinakalma ko ang paghinga ko. "Hindi. Hindi ako natatakot sa 'yo."

"Kailangan mong dumaan sa pintong yun." Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa pintuang nasa likod ko. Yung pintuan kung saan pumasok yung batang babae.

"Bakit? Kapag hindi mo sinabi sa akin ang dahilan, hindi ko 'to gagawin," wika ko. Hindi na ako papayag na mahulog pa ulit ako sa isa sa mga pakulo niya.

He sighed in frustration. "Hindi ka rin madaling pakiusapan."

Sinimangutan ko siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ever since you first saw me all you've done, besides pathetically crying and begging, is ask questions," paliwanag niya saka siya tumayo ng tuwid. His intimidating figure loomed over me as his crimson eyes looked right into my blue ones. "Pero ngayong binibigyan kita ng mga kasagutan, ayaw mo namang tanggapin."

I eyed him suspiciously. "Bakit? Bakit mo biglang gustong sagutin ang mga tanong ko? Bakit ngayon?"

Lumawak ang ngisi ni Nevicus. "Mukhang tumatalino ka na rin sa wakas."

DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon