Dedicated to M4b4nGisxZxZ at LovelyFaithMangaoang
ETHAN
***
~Flashback 10 years before~
Hala! Alas kwatro na pala! Kailangan ko nang diligan 'yung mga halaman sa tapat ng bahay namin.
Kaagad kong kinuha 'yung regadera at pumunta na sa mga halaman.
"Uy! Ethan!" Lumingon ako sa gate at nakita ko si Yvanna, ang bestfriend ko na nakapang-alis kasama ang kaniyang yaya.
Lumapit ako sa gate at binuksan ko ito para kausapin siya. "Saan ka pupunta, Yvanna?"
"Pupunta kasi kaming USA. Doon na daw ako mag-aaral." Sabi niya sa akin na ikinalungkot ko. Bigla naman kaming may narinig na bell ng ice cream kaya napatingin kami doon. "Tara bumili tayo!" Yaya niya sa akin.
Lumapit kami at bumili. Umupo kami sa may waiting shed at doon kumain.
"Matagal ba kayo doon?" Tanong ko sa kanya. Ayokong mawala siya dahil mawawalan ako ng kaibigan at kalaro.
"10 years daw kami doon. Nakakalungkot nga eh." At may luha na tumulo sa mata niya. Pati tuloy ako ay naiiyak na din.
Kumuha ako ng panyo at ipinahid sa luha niya. "Salamat." Aniya.
"Basta kahit magkahiwalay, friends pa din tayo ha." Sabi ko sa kanya.
"Bestfriends forever. Walang kalimutan." At niyakap namin ang isa't-isa.
"Manang Ethel?! Nasaan si Yvanna?-" tapos napatingin ang mommy ni Yvanna sa amin. "- Andiyan ka lang pala eh. Tara na at baka malate tayo sa flight." At sumama na si Yvanna sa mommy nya.
"Bye!" Sabay naming sigaw kaya napatawa kami nang mahina.
"Ikaw naman manang Ethel bakit mo binilhan iyang si Yvanna ng ice cream? Alam mo namang singer 'yan eh" Rinig kong sermon ng mommy ni Yvanna kay Manang Ethel.
"Sorry po maam." Patawad ni Manang Ethel.
Sumakay na sila sa sasakyan nila. Pinanood kong umalis ang kulay puti nilang sasakyan.
Sana makita ko siyang muli....
~End of flashback~
***
BIGLA akong nagising dahil sa alarm ko. Tumingin ako sa orasan at 4:30 am pa lang. Ngayon ang first day ko bilang fourth year high school ko. Isang taon na lang at magiging senior high na ako.
Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Teka, ano 'yung naamoy ko? Sinangag at.....tortang patatas! Yes! My favorite!
Nagsimula na akong kumain at bawat subo ay nilalasap kong mabuti ang ulam ko. Ang sarap talaga nito!
Pagkatapos kong kumain ay agad kong kinuha ang tuwalya ko at kaagad na naligo at nagsipilyo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Nagsuklay muna ako at nilagyan ko ng styling gel ang aking itim na buhok. Tumingin muna ako sa salamin at ngumiti. Naks!
Nagmadali akong sumakay ng jeep dahil 5:20 na at 6:00 ang pasok namin. Medyo mabagal kasi ako kumilos lalo na kapag bagong gising.
Nakakainis ang katabi ko sa jeep dahil nakalugay ito at pumipitik sa mukha ko ang buhok nito. Kung hindi lang sana maganda ang katabi ko eh papatulan ko na 'to.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE