ETHAN'S POV
Nestor Fontanilla
Napailing-iling ako. Hindi pwede. Baka naman nagkamali lang sila o kaya baka naman kapangalan ni Tatay.
"Anak!"
Agad akong lumabas ng kwarto nang marnig ang sigaw ni Nanay. Pagbaba ko sa sala, nadatnan ko siyang umiiyak habang nakaupo sa sofa.
"Nay!" Alalang sabi ko sa kanya saka lumapit.
"Ethan...ang t-tatay mo...." Umiiyak niyang sabi. Napansin ko rin ang cellphone na hawak niya.
"B-Bakit po? A-Anong nangyari kay tatay?" Kabadong tanong ko.
Inabot nya sakin yung cellphone. Dahan-dahan ko iyong itinapat sa tenga ko.
Sobrang nanginginig yung kamay ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Maraming mga ideang pumapasok sa isipan ko pero ayokong paniwalaan ang mga ito.
"Maam? Andyan pa po ba kayo?" Dinig kong boses nang lalaki sa kabilang linya.
"A-Ahmm...s-sir...ano po yung tungkol sa t-tatay ko?" Kinakabahan kong tanong.
"Sir? Kayo po ba yung anak ni Ernesto Fontanilla na nakatira sa Batangas City, Batangas?" Tanong pa nung lalaki. Bakas sa boses nya ang awtoridad.
"A-Ako po iyon.."
"Sad to say pero...kasama ang tatay mo sa mga nasawi sa pagbagsak ng eroplano sa Bulacan."
Parang bigla akong nabingi dahil sa narinig ko. Mas bumilis ang tibok ng puso ko at parang bibigay na yung tuhod ko. Ayaw kong paniwalaan...hindi yun totoo.
"S-Sino po ba kayo? Wag nga po kayong magbiro ng ganyan! Prank call lang yata to eh!" Inis kong sabi. Napatingin ako kay Nanay na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Sir, ako po si SPO3 Fernando *****. I'm from BPD. Isa po ako sa mga nag-imbestiga sa nangyari. Hindi po ito prank call sir, totoo po ito. Ipapadala nalang po namin yung katawan nya sa adress na nakalag sa passengers information. Condolence po sir." Ibinaba nya na yung tawag.
Tumigil ang mundo ko nang makumpirma kong....
Wala na si Tatay.
Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone sa may table habang unti-unting pumapatak ang luha kong tila hindi maubos-ubos.
Lumapit ako kay Nanay na wala pa ring tigil sa paghagulgol at yumakap sa kanya. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha kong pumatak.
Kahit pilitin kong maging matatag, hindi ko kaya. Wala eh. Iyakin talaga ako. Ayokong makita ako ni Nanay na umiyak pero wala akong magawa. Ako na lang ang makakapitan nya pero ako, nangangapa nang makakapitan.
Bakit ba ganito kalupit ang buhay? Bakit kung sino pang mabubuti, sila pa ang naghihirap?
Ngayon, dalawang tao na ang nawala sakin. Ang sakit sa dibdib. Yung tipong parang dinurog ito gamit ang mason kaya ganoon na lamang ang sakit.
Ayoko na. Gusto ko nang sumuko pero hindi pwede. May mga taong pang nagmamahal sakin. May mga tao akong maiiwan.
Di ko na napigilan ang sarili kong mapahagulgol.
Masyado akong mahina. I'm too weak and fragile.
Sana....panaginip na lang ang lahat ng ito.
***
YVANNA'S POV
Apat araw na ang nakakalipas nang mabalitaan ang nangyari sa tatay ni Ethan. Pangatlong araw na ito ng burol. Pina-cremate nila ang katawan dahil sunog na ang ibang parte ng katawan nito.

BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Roman pour AdolescentsMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE