Dedicated to M4b4nGisxZxZLovelyFaithMangaoang
***
ISANG linggo ang nakalipas nang makita ko yung pamilyar na babae. Hindi siya mawala sa isip ko at ilang beses na akong pabalik-balik sa mall. Mula sa buhok nya at katawan, sobrang pamilyar talaga sya sakin. Gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko.
Nakasakay na ako sa jeep papuntang school. Napatingin ako sa relo ko at... 5:48 na! Please kuyang driver bilis-bilisan mo kundi makakatikim ka sa akin ng lumilipad na kamao. Para namang kasi nag-da-drive ng funeral car itong jeep driver.
"Para na nga po!" Inis na sigaw ko at bumaba na ako ng jeep. Tutal malapit na naman ako sa eskwelahan at nasa kanto na ako.
Napatingin ulit ako sa relo ko; 5:55 na! Bibilisan ko na ang pagtakbo dahil kung hindi sasaraduhan ako ng gate. Strikto kasi sila pagdating sa improper uniform at late.
Pagkapasok ko ng gate ay nginitian ako ng guard. Kumaripas na ako ng pag-akyat paakyat ng building.
Pagpasok ko sa room ay 5:58 na. Wala pa ang teacher namin kaya nagdadaldalan ang mga kaklase ko. Umupo na ako sa aking upuan at napansin kong wala si Andrei sa upuan niya.
Hinanap ko siya at nakita ko syang nakikipagtawanan si Andrei kay Lovely. Dumidiskarte ata itong si Andrei, at sa class president pa!
Nililigawan kasi ni Andrei si Lovely dati pa. Ewan ko nga kung bakit di pa sya sinasagot eh.
"Huy Andrei! Umupo kana! Dadarating na si maam!" Sigaw ko sa kanya kaya napatingin sya sa akin at pumunta sa kaniyang upuan.
"Panira ka naman eh!" Pang-aasar niya sa akin. Nakakasira nga nang araw 'yung ginagawa niya.
Maya-maya ay dumating na ang adviser o teacher namin. Istrikto kasi sya sa mga wala sa upuan. Nilalagay na absent dun sa attendance.
"Class, next two months ay magkakaroon tayo ng field trip sa Clark, Pampanga. At ayun lang, and let's start our discussion." Pahayag ni maam sa buong klase habang sineset-up 'yung laptop nya at T.V.
Interested akong sumali kaya sisimulan ko nang mag-ipon. Mukhang masaya doon. Last year kasi boring kasi pumunta kami sa Manila. Halos taon-taon naman kaming nagbabakasyon doon kasi taga- Pasay ang lola ko.
Nagsimula nang mag-lesson ang mga teacher namin at gaya ng dati, perfect ako sa mga quiz. Nakikinig kasi akong mabuti at ganun na din si Andrei.
Tumunog na ang bell. Agad kaming pumunta sa canteen ni Andrei para hindi kami maubusan ng pagkain pero dalawang egg sandwich nalang ang natira kaya tig-isa kami ni Andrei. Bakit ba ang malas ko ngayon? Una sa jeep at ngayon sandwich lang kakainin ko.
Bigla kong naalala 'yung nakita kong familiar na babae sa mall.
"Andrei, naaalala mo ba noong pumunta tayo sa mall?" Tanong ko sa kanya sabay kagat sa sandwich ko.
"Oo. Bakit mo natanong?" Sagot niya.
"Ano kasi eh....nung sumakay tayo sa jeep, napatingin ako sa mall tapos may nakita akong familiar na babae." Sagot ko habang umiinom siya ng tubig.
"Paanong familiar? May kamukha ba sya?" Tanong ulit niya pagkatapos uminom ng tubig.
"Eh ano kasi ehhh....k-kamukha nya s-si Yvanna." Nauutal na sagot ko. Para talaga syang si Yvanna kapag nakatalikod.
"Si Yvanna ba 'yung tinutukoy mong kaibigan mo nung bata kayo?" Tanong ulit niya.
"Oo. May possibilty kasi na sya 'yun kasi 16 na kami." Sagot ko at kumagat ako sa sandwich ko. Malaki ang chance na bumalik na sya dito sa Pilipinas. Sana si Yvanna na yung nakita ko. Miss na miss ko na sya.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE