***
NAGKAKATUWAAN 'yung mga babae kong kaklase. May transfer daw kasing SUPER gwapo at MAPUTI. Bakit ang mapuputi gwapo? Eh paano kapag pumuti ako? Baka naman bakla yun. Karamihan sa mga gwapo ngayon, gwapo rin ang hanap sabi nung isa kong kaibigan na lalaki kaya ang swerte nya raw kase di sya gwapo. Sad but true.
At ayun, si Yvanna, kakwentuhan na naman si Lovely. Para silang dalawang strip ng scotch tape na pinagdikit. Close kasi sila.
At ang mga lalaki naman, pinag-kwekwentuhan 'yung ilalapat sa section namin na babae. Ang alam ko si Stephanie De Torres ang lilipat sa section namin. Kababata namin 'yun ni Yvanna at kapitbahay ko kaya kaibigan ko sya. Campus Babe sya at malapit nang maging Syota ng buong Campus.
Dumating na si Maam. At syempre maaga sya kasi may announcement. Bakit ba kasi andaming nalilipat sa section namin? 45 na kami dito tapos ngayong magiging 47 na kami? Sabagay, sa lower section eh mga 60 students per section tapos 7 sections pa kami. Dami nuh.
"A pleasant morning to everyone. Alam kong alam nyo na alam ko ang alam nyo. Ang yes, may transferee tayo at lipat section. Enter..." Tapos pumasok na si Steph. Grabe ang ganda nya at...sexy. Para silang kambal ni Yvanna pero straight nga lang ang buhok ni Steph.
'Yung mga kaklase ko namang lalake, ayun, tulala. Paano kasi papasok lang sya ng room akala mo nasa beauty pagent. May pag-ikot pa at pag-pose.
"Hi! My name is Stephanie De Torres. 16 years old. I'm from section two and moved up to section one." Paranf nasa beauty pagent lang eh. Kung makapagpakilala eh pang beauty pagent. Kulang nalang ng mic.
Pinaupo na sya ni Maam at maraming nagyayayang makatabi nya. Pero tumabi sya sa bakanteng upuan na katabi ko.
"Hi cutie Ethan!" Bati nya sakin. Tiningnan ko sya nang masama. "Sungit naman! Cute ka pa naman!" Sabay pisil sa pisngi ko. Tumigil lang sya nang magsalita ulit si Maam.
"And our transferee, come in." Tapos pumasok na 'yung transferee.
Gwapo sya, maputi, matangos ang ilong at....tinaas nya ang polo nya at nagpakita pa sya ng abs. Sus, pabida. May abs din kaya ako.
"Uy Ethan! May abs ka din ba?" Tapos inangat nya 'yung polo ko.
"Uy Steph ano kaba?!" Nainis ako sa ginawa nya. Basta-basta nalang nangtataas ng polo eh. Pero malas sya kasi nakasando akong panloob.
"I'm Jefferson Colesmith." Sabi nya sabay kindat. Tuwang-tuwa naman 'yung mga babae. Kalokohan.
"Jefferson!" Sigaw ni Yvanna tapos niyakap nya si Jefferson. Magkaibigan pala sila sa USA.
"Uy Ethan! Naiinggit ako! Hug kita!" Yayakapin nya sana ako pero umiwas ako. Natawa naman samin si Andrei.
"Tsk. Ano ba?" Inis kong singhal.
"Sungit!" Ang cute nya kapag naiinis.
Jusko luka-luka talaga 'tong babaeng 'to pero ang cute nya kapag naasar. At isa pa syempre crush nya ako nung bata pa kami.
At ayun sina Yvanna at Jefferson, ang saya-saya. Magkaibigan nga sila. Kulang nalang pagdikitin ang katawan nila eh kasi sobrang close sila.
Pero bakit ganun? Parang nalulungkot ako. Ano na 'tong nararamdaman ko?
"Huy Ethan! Bakit ganyan ka makatitig sa kanila? Inggit ka ano?" Ako?! Inggit!? Baka siya!
"A-Ako? I-inggit? B-Baka ikaw!" Sabi ko sa kanya. Naiinis sya kaya tumalikod sya.
***
READY na akong pumasok. Naging close na agad kami ni Hello Kitty este Steph at lagi ko rin syang inaasar. Ang cute nya kasi eh.
*Beep! Beep!*
Wait, kaninong kotse 'yun? Hindi ganun ang busina ng SUV ni Yvanna ah?
Sumilip ako sa gate tapos may kotse na kulay itim. Kanino kaya 'to?
Tapos biglang bumukas 'yung bintana sa unahan. Ha!? Bakit nakasakay sya dyan!?
"Ethan! Sumabay kana samin ni Jefferson!" Anyaya sakin ni Yvanna.
"Sumakay kana Ethan!" Nagsalita naman si Jefferson.
"Ayoko." Ayoko sumabay. Wala akong ganang sumakay sa kotse nyang si Jefferson. Ewan ko kung bakit. Parang may kakaiba akong pakiramdam kay Jefferson.
Hinila naman ako ni Yvanna papasok sa likod o passenger seat. Nagpadala nalang ako at sumakay.
Nasa unahan silang dalawa at nasa likod ako mag-isa. Ang weird kasi parang wala ako sa likod nila. Para akong hangin. Nagtatawanan lang sila.
Bumaba ako kasi nakita ko si Steph. Sasabayan ko nalang sya.
"Hi Ethan!" Sabi nya sakin sabay angkla sa braso ko. Tsk.
"Bakit ka nga pala bumaba?" Tanong nya sakin. Bakit nga ba ako bumaba? Ewan ko.
"Kasi gusto ko." Pagsusungit ko sa kanya. Di ko rin alam eh.
"Alam kong close kayo ni Yvanna kaya nagseselos ka kaya ka bumaba." Ako? Magseselos? Oo este hindi. Kaibigan naman kasi yun ni Yvanna.
Hindi ko nalang siya pinansin. Naglakad nalang kami papuntang school.
***
Isang linggo na ang nakalipas nung dumating yung si Jefferson at ayun, naging malamig na 'yung pakikitungo sakin ni Yvanna.
Well, ganoon naman talaga eh. Kapag may nahanap nang mas nakahihigit, yuon ang mas tatangkilikin. Nabasa ko lang yan sa facebook ah.
Byernes ngayon at kasama ko si Steph sa kwarto ko dahil may project kami. Project lang ang gagawin namin, hindi kung ano.
"Kawawa ka naman Ethan, minsan ka nalang pansinin ni Yvanna pero wag kang mag-alala, andito naman ako." Nayakap nya ako tapos naramdaman ko yung ANO nya. 'Yung hininga kase.
"Tsk. 'Wag mo akong yakapin." Tinanggal ko sya sa pagkaka-yakap sakin.
"Pero, nagseselos kaba talaga." Bakit ang kulit mo Steph?! Oo, sige na, ako na ang seloso.
"Oo, as a friend." Malungkot kong tugon. Tumawa naman sya. Nakakatawa yon!?
"Teka, cr muna ako." Lumabas sya ng kwarto at pumunta sa cr.
Napatingin ako sa cellphone nya. Nakabukas yung messenger nya. Binasa ko yung mga contacts.
Ethan(Cutie Pie Ko)
Jane Flores
X
Janneth(Beshie Ko)
Natawa ako dun sa nickname ko sa messenger nya. Bakit ba sya habol nang habol? Sabagay gwapo ako eh.
Binasa ko ulit yun. Ethan, Jane, X.... wait. X!? Sinong X?
Biglang pumasok si Steph kaya napaiwas ako ng tingin sa cellphone nya.
Tinuloy na namin yung paggagawa. Hindi mawala sa isip ko yung nakita ko.
May koneksyon kaya sya kay X? Yung stalker ba yun ni Yvanna?
***
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Novela JuvenilMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE