ETHAN'S POV
***
Sisiguraduhin kong mananalo ako.
Papatunayan ko sa kanya na....
Teka, bakit ko ba sya kinakalaban?
Basta ako ang mananalo kasi mas magaling ako. Mas matalino. At syempre,
Mas gwapo.
"Let the Intramurals begin!" Sigaw nung MAPEH Club President. Binuksan yung gate ng school namin kaya napalingon kami dito. Sabi nung iba, paparada daw kami.
Habang pumaparada o naglalakad kami ay unti-unting nawala sa paligid ko si Jefferson. Siksikan naman kasi! Feeling ko nasa Marawi kami.
May nagpuputukan.
Yung kilikili yung naputok hindi kung ano....
At ako naman, fresh pa din.
Bigla namang huminto yung nasa unahan namin. Anong nangyayari?
Tumitingin-tingin yung mga estudyante sa paligid kami tumingin-tingin na din ako. Nagulat ako sa katabi ko sa kanan.
"Yvanna!" Tawag ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.
"Hi. Oo nga pala nabalitaan kong nanalo kayo sa lotto kaya congrats." Walang gana niyang sabi. Himala! Binati nya ako! Pero bakit parang wala syang ganang makipag-usap?
Ngumiti na lang ako bilang pagpapasalamat.
"Asan nga pala si Jefferson?" Tanong ko sa kanya tapos nanlaki yung mata nya. Baka nagulat sya kasi nabanggit ko yung pangalan ng pa-cute na espasol na yun."Kasama yung barkada nya." Halatang may pagkadismaya sa mukha nya.
"Ok"
Hayss! Buti nalang nakabalik na kami sa campus. Ang init naman! Psh."All of the players, go to the conference hall." Salita ng MAPEH Vice President sa speaker. At dahil registered chess player ako, kailangan kong pumunta.
Sa tingin ko, mag-kakaroon ng meeting.
Kaagad akong pumunta doon. Syempre kasama ko pa rin si Steph kasi kasali sya cheerleading contest.
Habang papasok ako ay may nakabanggaan akong babae. Nag-sorry naman ako at tumungo sya. Masyado kasing siksikan dito! Kainis!
"Uy Ethan dun tayo!" Higit sakin ni Steph na itinuturo pa ang mga silya sa unahan.
"Sige."
"Good Morning students!" Bati ng MAPEH Coordinator. "Pinatawag ko kato dito para sabihin ang rules ng ating game..."
Nakinig naman ako sa sinasabi niya at ganon na din si Drei...wait-bakit nandito si Drei? Ang alam ko kasali sa cheerdance si Lovely. Talagang sumama pa sya.
Nahagip naman ng paningin ko si Jefferson at si Yvanna. Lagi namang magkadikit yang dalawang yan.
"- at syempre No Cheating! You may go to your respective areas." At saka nagsitayuan ang lahat.
"Ethan..una na ako ah..bye!" Paalam sakin ni Steph. Nginitian ko naman sya.Umalis na ako at lumunta sa area namin. Habang naglalakad ako ay...
Parang may nakatingin sakin.
Lumingon-lingon ako sa paligid pero mag-isa lang ako dito sa hallway. Sobrang tahimik. Nakakapangilabot.
At dahil hindi ako naniniwala sa multo, alam kong hindi 'yon multo kundi...
"HUY!"
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE