***HAYSS. Ang ganda ng gising ko. Thursday ngayon at bukas ay friday na. Sa wakas makakapagpahinga na ako baka kasi maging pangit ako eh.
Kumain muna ako tapos dumiretso sa banyo. Tumingin ako sa salamin para pagmasdan ang gwapo kong mukha. Ngumiti ako at syempre bumungad saking ang pink at malalambot kong labi, maputing ngipin.
Pero may napansin ako sa bandang noo ko. Malapit sa buhok. Hindi, hindi pwede. Pinikit ko 'yung mata ko pagdilat ko andun pa din 'yung....
pimple...
No! Hindi pwede. Baka mapansin 'to ni Yvanna!
Naghilamos agad ako at sinabon kong maigi 'yung pimple. Pimple kasi isa lang tsaka maliit pa lang naman.
Pagkatapos nun naligo na ako't nagbihis tsaka lumabas ng bahay. Amabango nung bago naming shampoo. Amoy melon.
Bumungad sa akin ang puting kotse nila Yvanna. Buti nalang tinakpan ko ng buhok 'yung pimple ko. Haha.
Sumalay na ako sa kotse at syempre katabi ko sya. Napayuko nalang ako dahil nahihiya akong ipakita sa kanya. Mababawasan pogi points ko nyan.
At ayun na nga. Nakatingin sya sa mukha at kinikilatis tapos bigla syang tumawa. Ughh! Nalaman nya este nakita!
"Pffft hahahaha! Kaya ka pala nakayuko kasi may pimple ka. Hahaha. Okay lang 'yan gwapo ka pa naman din eh." Sabi nya. I agree, gwapo naman talaga ako eh. Pero anong nakakatawa? Ha?
"Nakakatawa 'yon?" Pang aasar ko sa kanya. Bigla naman syang sumimangot tapos may kinuha sya sa bag nyang parang make-up. Anong gagawin mo sa akin?! Wag mo akong gawing clown! Di bagay 'yun sa kagwapuhan ko!!
"O eto gamitin mo. Kaya nyang magtago ng pimple basta piliin mo 'yung kulay na kasing kulay ng balat mo. Tapos ito, cream. Mawawala 'yung pimple mo nyan." Sabay bigay nya sa akin.
Habang nilalagyan nya ako ay di ko maiwasang mapatingin sa mata nya. Ang ganda kasi, kulay brown. Tsaka...tsaka..ang ganda nya.
"Oh ayan okay na." Natapos na nya akong lagyan. Tumingin ako sa dala nyang salamin at ayun....hindi na halata.
"'Yan ang kaibigan ko!" Sabay akbay at kindat ko sa kanya. Bigla syang yumuko. Sus, kinikilig lang sya. Tapos biglang huminto 'yung sasakyan kaya bumaba na kami.
Pagpasok ko sa room bumungad sakin si Drei na nakangiting nang-aasar. Anong problema neto?
"Anong KAKAIBANG ginawa nyo ni Yvanna sa sasakyan?" Tanong niya at in-emphasize nya pa 'yung kakaiba. Kami? Gagawin YUN? Asa ka pa. Masasayang lang ako. Hahaha.
"W-A-L-A! WALA!" Ganti ko sa kanya. Tapos bumulong bulong sya habang na parang may gusto pang iasar sakin.
"Eh kayo ni Lovely?" Ganti ko ulit sa kanya. Bigla syang nagulat sa sinabi ko.
"Wala! Naka-tricycle kami ano." Depensa niya. Alam ko namang good boy itong si Drei or Andrei.
Maya-maya dumating na si maam. Tapos may kinabit syan poster dun sa whiteboard.
G-10 Field TripSeptember 15, 2018
P3,000Places to Go
Banaue Rice Terraces
Clark Field
Mountain Province's Famous Mountains
Hmm. Mukhang sulit ang three thousand na bayad. Tatlong probinsya agad ang pupuntahan at excited na ako sa Banaue Rice Terracess. Woo! Exciting.
![](https://img.wattpad.com/cover/158410360-288-k262537.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE