ETHAN'S POV
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko pagkalabas namin ng gate.
"Doon sa may bakanteng lote." Tipid nyang sagot. Naintindihan ko naman agad ang ibig nyang sabihin.
Habang naglalakad, di ko naiwasang magtanong. "Ano bang nangyari?"
"Ha?"
"Ang naalala ko kasi, gabi noon. Yun yung gabing nalaman namin yung aksidente. Pumasok na ako sa kwarto ko saka nagbihis, tapos bigla nalang kitang niyakap." Di ko napansin ng lumipas na pala ang mga araw.
"Wala kang naalala?" Taka nyang tanong.
"Wala eh. Parang kanina lang, kakabihis ko lang tapos bigla ka nang nasa tabi ko."
"Ahh...ganito kasi yun. Kinuwento sakin ni Tita na nung nalaman nyo sa salas ng bahay nyo yung nangyari, pumasok ka daw sa kwarto mo tapos ilang araw ka raw nagkulong doon. Naka-lock daw yung pinto mo kaya iniiwanan ka nya ng pagkain sa labas."
"Eh yung kanina? Pano ka nakapasok kung naka-lock yung pinto ng kwarto ko?"
"Pinakiusapan ako ni Tita na katukin ka pero walang sagot kaya napilitan akong buksan yung lock gamit yung hairpin ko." Tapos may nilabas syang hairpin galing sa bulsa nya. "Pagpasok ko, naabutan kitang nakaupo sa sahig. Tumingin ka pa nga sakin."
"Ha? Wala naman akong maalala na ganun."
"Tapos sobrang gulo pa nung kwarto mo. Yung kama ang gulo tapos kalat-kalat yung mga libro mo." Nagulat ako sa sinabi nya.
"Weh?"
"Oo nga."
"May nasirang libro?"
"Wala naman. Tapos niligpit ko yung kwarto mo." Parang bigla akong nahiya dahil sya pa ang naglinis ng mga kalat ko. "Tapos nag-text sakin si Tita, paliguan daw kita." Namula ako bigla. Natawa naman sya. "Wag kang mag-alala, hindi ko tinanggal yang underwear mo tsaka hindi kita hinawakan sa private. Anong kala mo sakin? Rapist?" Natatawa nyang tanong.
Nahihiya na ako sa kanya. Andami nyang ginawa para sakin. Niligpit nya na nga yung kwarto ko, inalagaan nya pa ako. Pero wala pa rin akong maalala.
"S-Salamat ah." Nakayuko kong sabi.
"Wala yon. Para sa bestfriend ko. Mas cute ka pala kapag naiyak no?" Napa-pout ako.
Sumeryoso ako. "Salamat talaga Yvanna. Andami mo nang ginawa para sakin. Nung una nang namatay si Andrei tapos sunod, ngayon. Promise, babawi ako." Nakangiti kong sabi.
"Oh, andito na pala tayo."
Napatingin ako sa harapan namin. Bumungad samin ang napakalawak na madamong lupain na may mangilang-ngilang puno ng mangga.
"Lakas maka-throwback ng lugar na 'to." Dito kasi kami laging naglalaro ni Yvanna kasama yung iba pa naming kaibigan.
"Bili tayong ice cream oh." Turo nya doon sa sorbetero na nasa isang tabi. Lumapit kami doon para bumili.
"Oh! Ineng at Utoy! Kayo pala iyan! Natatandaan nyo pa ba ako?" Masayang sabi ng sorbetero.
(Ineng at Utoy po ang tawag ng mga matatanda sa mga bata o binata/dalaga o kahit sinong nakababata sa kanila sa Batangas. Ineng po sa babae at Utoy sa lalaki.)
Tinitigan kong mabuti yung mabuti yung sorbetero. "Kayo po ba yung lagi naming binibilha ni Yvanna?"
"Aba, eh ako nga iyon!"
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Fiksi RemajaMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE