STEPHANIE'S POVGood Morning!!
I opened my eyes tapos inalala ko yung panaginip ko.
Kyaaa! Ang hot nung guy na nasa panaginip ko. Hihihihi!
Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko at tiningnan iyon. 3:30 pa lang.
Bumangon ako habang hawak-hawak ang aking cellphone at humarap sa salimin. Kahit bagong gising, ganda ko parin!
Kaagad naman akong nag-selfie nang hindi inaayos ang sarili.
*Click* *Click* *Click*
Oh yan! Pak! Pak! Ganda ko! #Wokeuplikethis
Pagkatapos mag-selfie ay humiga muli ako sa kama ko at nag-facebook. Ini-stalk ko sila crush sa Facebook. Yup, marami akong crush. Hehehehe.
Makalipas ang ilang minuto ay bumangon na ako at naghanda. Naligo at nagbihis. At syempre bago pumasok tamang selfie muna!
Pak! Pak! Pak!
Selfie dito, selfie doon, selfie everywhere!Walang sabi sabi akong lumabas ng bahay at sumakay sa tricycle. Baka ma-haggard ako nyan kung maglalakad ako.
Pagkababa sa kanto ay sumakay naman ako sa jeep. Konti pa lang ang pasahero kasi maaga pa.
"Ineng pasuyo." Sabi nung isang babae sa kanan ko habang inaabot ang bayad. Hindi ko ito pinansin at tumingin na lang sa bintana.
Bumaba ako ng jeep at tumawid sa kalsada. Marami akong kasabay na estudyante palabas tapos ang bagal bagal pa kaya hindi ko mabilisan ang paglalakad ko.
Pero nagulat ako nang may bumunggo sakin.
"Oopps, sorry!" Sarkastikong sabi ni Jennalyn, isa sa mga pinakamataray na naging kaklase ko dati na kaaway ko na nga ngayon.
"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko.
"Duhh! Pahara-hara ka kaya sa daan!" Mataray rin na sabi niya na may pag-irap pa.
"Duhh! May karapatan kaya ako dito!" Sagot ko naman.
"Yang landi mong yan, may karapatan?" Pinitik nya naman ang buhok nya.
"Oo kase maganda ako. Eh ikaw? Kamukha mo naman si Momo! Baka nga may maganda pa sayo yun eh! Flat!" Mataray na sagot ko sa kanya at nagsimulang maglakad.
Narinig ko pa siyang maglakad pero di ko na sya pinansin. Bahala sya buhay nya. Hmp!
Pumasok na ako sa loob at umakyat papuntang floor namin. Pagkarating ko doon syempre maraming estudyante sa hallway. May naglilinis, nachichikahan, gumagawa ng assignment at nakatanaw sa malayo. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Uy! Ayan na si Steph!"
"Totoo ba 'yun?"
"Yes! Sa landi nyang yan sya pa yung liligawan!"
"Eh baka nga sya pa yung manliligaw!"
"Hahahaha!"
Tiningnan ko nang masama yung dalawang chikadora na pinag-uusapan ako pero hindi sila nagpatinag.
"Totoo naman ah?" Mayabang na sagot nung usa.
"Oo. Atleast ako malandi pero maganda. Ikaw naman landi-landi mo eh mas maganda pa nga yung aso ng kapitbahay namin kesa sayo! Magsama kayo ni Jennalyn! Mga alagad ni Momo! Hmp!" Inis na sigaw ko at lumakad papalayo pero nagulat ako nang higitin nya yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE