Chapter 27

5 1 0
                                    

YVANNA'S POV

"Wow..." Mangha kong sabi nang muli kong makita ang napakagandang dagat. Grabe, ang ganda talaga ng beach dito. Puting-puti ang bunga na pino at napakalinaw ng tubig.

"Ang ganda 'no?" Dinig kong sabi ni Ethan.

"Talaga! Tara na! Excited na ako!" Excited kong sabi saka tumakbo sa buhanginan.

Ang saya saya ko talaga na nakapunta ako sa ganitong klase ng lugar!

Nilapag namin yung gamit namin sa isang tabi.

"Tara na." Napatingin ako kay Ethan. Nakaharap sya sakin at naghuhubad ng sando!

Di ko maiwasang mapanganga nang tuluyan nyang mahubad ang sando nya! Ang hot talaga ni Ethan! May konting muscles sya at may konting 4-pack abs! Yung sakto lang para sa teenager. Hindi ito ang unang beses na makita ko ang katawan nya pero parang iba yung pakiramdam ngayon. Parang matutunaw ako!

"Oh, bakit ka ganyan makatingin?" Namalayan ko na nakatulala pala ako sa katawan niya! Nakakahiya!

"A-Ah...eh..wala." Palusot ko. Mygad! Bakit kasi ang hot ng bestfriend ko!

"Ah eto ba?" Turo nya sa katawan nya. "Tumutulong kasi ako kay Nanay sa pagbubuhat-buhat tsaka tuwing bakasyon, nagbubuhat ako ng mga gulay at isda sa palengke." Paliwanag nya

"Akala mo ikaw lang ah?" Akala nya sya lang ang hot ah? Pwes, ako rin!

Tinanggal ko ang suot kong t-shirt at shorts. Tumambad sa kanya ang black kong one-piece swimsuit.

Pansin ko ring bahagya sya napanganga nang makita ang katawan ko. Antagal ko rin tong inalagaan. Akala sya lang ah?

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Nakangisi kong tanong. Nanlaki ang mata nya at napalunok.

"W-Wala." Nag-iwas sya ng tingin.

"Akala mo ikaw lang ah?" Ngumisi ako.

"T-Teka nga." Tumingin sya sakin. "Mag-shorts ka." Seryoso nyang sabi.

"Huh? Sayang naman ang paghihirap ko noh!" Pagtataray ko sa kanya. Antagal ko rin kayang di kumain ng masasarap.

"Isuot mo yang shorts mo. Ngayon na." Seryoso talaga sya! Nakakatakot!

Syempre dahil alam kong seryoso talaga sya, isinuot ko na lang yung shorts ko. Baka kasi kainin nya ako nang buhay eh.

"Tara na!" Excited kong sabi saka tumakbo sa tubig. Medyo malamig yung tabig ngayon.

Nakalusong lang ako sa tubig, tatalon-talon. Hindi kasi ako marunong lumangoy eh kahit na may swimming pool kami sa bahay. Si Dad lang ang marunong lumangoy kaso lagi syang nasa ibang bansa para sa mga business trip.

Magpaturo kaya ako kay Ethan?

"Ethan?" Lumingon ako sa paligid pero wala sya. Nasan na ba yun? "Waaah!" May nanghigit sa paa ko! Ano yun!? Pating ba!? Piranha!? Baka putol na yung paa ko! Huhuhu!

"HAHAHAHAHA!" Napalingon ako dun sa humahalakhak. Sinamaan ko sya ng tingin kasi tuwang-tuwa sya eh. Sya kaya lunurin ko!

"Ikaw! Tumigil ka nga dyan!" Sigaw ko sa kanya pero tawa pa rin nang tawa si Ethan.

"Hahahaha! Ang epic ng reaction mo eh! Hahaha!"

"Eh sa natakot ako eh!" Tumalikod ako sa kanya. Ayokong makita mukha nya! Hmp!

"Di ka ba marunong lumangoy?" Naramdaman kong lumalapit sya sakin.

"H-Hinde." Masungit kobg sabi. Kainis sya eh! Akala ko mamamatay na ako.

My Heart Still Remember You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon