***
HINDI ko lubos maisip na magagawa at masasabi ni Yvanna ang mga ginawa at sinabi niya. Ganyan na ba talaga ang epekto sa kanya ni Jefferson? At pati ugali at pananaw ay nagbago? Tsk.
Buti na lang nandyan si Steph. Sya lagi ang nandyan kapag kailangan ko ng kasama. Buti na lang nandyan siya. Pero naalala ko na naman yung sa contacts nya. Sino bang X yung kasama sa contacts nya? Ayaw kong isipin ang mga bagay na masama na sumasagi sa isip ko. Hindi pwede.
----
KASABAY ko ngayong umuwi si Steph. Kasabay kasi ni Drei si Lovely umuwi. Supportive naman ako kung anong meron silang dalawa. Buti pinapansin pa rin ni Drei. Buti hindi sya tulad ni Yvanna. Tila nakalimutan na ako nang dumating si Jefferson.Nandito kami ngayon sa kanto. Malapit na kami sa bahay. Excited na akong umuwi.
Oo nga pala, tumaya sa lotto si Mama. Sana panalo sya. Please!
Kung ako ang papalarin este kami, ano nga bang gagawin ko?
1. FOODS. Mamimili kami ng pagkain! Number 1 talaga 'yan eh. FYI, kasama 'yan sa three basic needs ng tao.
2. BAHAY. Magpapatayo kami ng bahay. Ayoko ng malaki, mahirap maglinis. Basta magkaroon kami ng sariling bahay at lupa, masaya na kami.
3. TUTION. Pang-tuition ko sa Senior High at College. Syempre dapat advance mag-isip para planado na.
Ayan lang naman, hindi naman kasi ako ambisyoso. Tsaka para hindi na kailangang magtrabaho ni Papa sa HongKong.
Matagal na si Papa doon sa HongKong. Every 2 months sya nauwi dito sa Pilipinas. At gaya ng inaasahan, nagtra-trabaho sya sa HongKong Dysneyland at sya ang nagsusuot ng mascot ng MickeyMouse. Proud na proud ako sa Papa ko dahil ang dami nyang napapasayang tao pero ako na kaisa-isa nyang anak......
Hindi.
Pag-uwi nya, may dalang pasalubong tapos pahinga. Hindi nya rin nagagawang mangamusta at makapag-usap kami kasi lagi sya tulog. Tatlong araw lang sya dito sa Pilipinas.
Kaya gusto kong magkaroon nalang kami ng negosyo para magkaroon naman ng time para sa amin si Papa.
Oo nga pala. 4. NEGOSYO.
Napatingin naman ako kay Steph. Ayun, nag-ce-cellphone at mukhang may ka-chat dahil sunod-sunod kasi ang pindot nya sa screen. Sino kaya 'yung ka-chat nya?
"Sino 'yan?" Hindi ko na napigilan ang dila ko. Bakit ba ang pakialamero ko?
"Ah! W-Wala!" Sabay tago nya sa cellphone nya at ngiti sakin.
"Uy alam nya ba may nanalo na ng P580 million sa ultra lotto!"
"Oo nga ano!"
"Ang swerte naman!"
Bulungan nung mga tsismosa naming mga kapitbahay. Nasa tapat kami ngayon ng chismisan area na kung tawagin kasi doon nagkukumpulan ang mga chismosa.
Pero ano daw? May nanalo na? Sino kaya yun? Sana si Mama na 'yun!
"Bye Ethan!" Sabi ni Steph. Nasa tapat na pala kami ng bahay nila. Tapos niyakap nya ako. May naramdaman akong kakaiba. Ewan ko kung ano. Parang......spark.
Kumaway nalang ako at ngumiti. Naglakad na lang ako.
Bakit ganun 'yung nararamdaman ko kay Steph? Parang kakaba. Nung nalaglag 'yung barya nung sumakay kami sa tricycle, nagkahawak 'yung kamay namin. Ganito din 'yung feeling eh.
Pero ganun din kay Yvanna.
Ang saya-saya ko kapag kasama ko sya. Kapag ngumingiti sya, napapangiti din ako. Parang kapag nakikita ko sya kumpleto na yung araw ko.
Ano ba ito? Ang gulo!
Pareho sila. Pareho ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa. Two-timer ba ako? Ewan ko! Basta ang alam ko gwapo ako! Hahaha!
Hayss! Andito na ako sa bahay. Makakapag-pahinga na din ako. Kakapagod eh.Panalo kaya si Mama! Excited na akong malaman!
Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si Mama na humahagulgol. Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit sya umiiyak? Talo kaya sya? Hmmm. Nangangamoy talo.
"Ma, bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ko sa kanya. Binaba ko ang bag ko at lumapit agad sa kanya.
"Anak, anak.." Umiiyak niyang sabi. Nasa tabi niya ang lotto ticket.
"Talo po tayo?" Gusto ko lang kumpirmahin. Alam kong talo kami.
Nawalan na ako ng pag-asa. Para saan pa yung apat na plano ko. Wala na. Wala na.
Hindi na makakuwi si Papa. Hindi na kami magkakaroon ng bahay at lupa na titirahan namin habang buhay. Maghihirap na sina Mama at Papa para sa tuition fee ko.
Pero may pag-asa pa. Hangga't may buhay may pag-asa. Basta manalig sa Diyos.
"Ok lang po 'yan Ma." Napapansin ko na parang hindi sya malungkot pero tuloy pa rin ang pag-iyak nya.
"Anak...."
Tanggap ko naman po ma. Hindi nyo na kailangang humingin ng sorry.
"Panalo tayo!" Sigaw niya at niyakap nya ako. Ano daw? Di ko maintindihan.
"Ano po!?" Pagkumpirma ko.
"Nanalo tayo ng P5 million!" Kami!? Nanalo ng 5 million!?
Niyakap ko sya nang mahigpit.
Matutupad na ang mga pangarap ko.
Magkakaroon na kami ng sariling bahay at lupa. Sariling amin. Hindi na kami mangungupahan. Hindi na rin magtratrabaho si Papa sa HongKong. Makakapag-aral na ako ng engineering. Gusto kong magingi Civil Engineer. Dati pa.
Sa totoo nga may draft na ako ng dream city ko.Yayaman na kami!
Salamat sa Diyos!
Kaagad namang tinawagan ni Mama at binalita kay Papa ang nangyari.
Sobrang saya ko talaga. Sobra sobra. Sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra sobra. Nasobrahan ata ako sa sobra. Haha.
Balak ni mama na magtayo ng grocery store. Malaki daw kasi ang tubo dun. Mama dapat mall na. Hahaha.
Basta masaya ako.
Magbabago na ang buhay ko pero hindi ang ugali at lalong hindi ang....mukha. Saya 'to 'no.
Alam na din daw nila Steph 'yon kasi na chismis na agad ng mga chismosa na kami ang nanalo. Daig pa ang chain mail sa bilis ng pagkalat.
Sana magustuhan na ako ni Yvanna.
At oo nga pala, Intrams na next week.Good luck to me.
***
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE