A/N: Sorry sa very slow update. Busy ako kasi pasukan na at tuwing sabado at linggo lang ako nagdra-draft (isang chapter lang). Aware naman siguro kayo na iniipon ko muna ang mga drafts bago i-publish. Minsan lang kasi ako magpaload kaya dinadamihan ko muna ang drafts para sulit ang load.
Sorry nga pala kung hindi nakakaiyak, manhid kasi si Kuyang Author eh hahaha.
Enjoy Reading!
***
YVANNA'S POV
"Huwag!-"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"-kang mag-alala, di ko ipipilit sayo~"
Inalis ko na ang paningin ko sa lalaking kumakanta ng Torete. Muli kong binalik ang paningin ko sa unahan ngunit agad ko itong pinagsisihan sapagkat tila libo-libong kutsilyo ang sinaksak sa aking katawan nang makita ang labi ng taong mahal ko na nakadampi sa labi ng ibang babae.
~Ikakasal ka na
iiwan na akong
nagiisa dati
ang pagibig mo
ay akin lamang~
Nagpalakpakan lahat ng tao. Parang lalong nagpapabigat ng pakiramdam ko ang pagpalakpak nila. Nagsasaya sila habang ako, tila nilalamon na ng lupa.
Pumalakpak na lamang ako kahit labag sa loob ko.
Wala eh. Ito ang kapalaran ko, ang masaktan. Gaya ng lagi kong sinasabi, kailangan kong tanggapin kung ano man ang ibinabato sa akin ng tadhana.
Ikinasal na sya at heto ako, naiwang nag-iisa. Sobrang sakit ng pakiramdam.
"Shhh..." Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa tabi ko. Sino pa nga ba? Ang taong laging nandyan para sakin.
Ayoko na. Gusto ko nang umalis dito. "Ethan, umalis na tayo."
"Sigurado ka dyan?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya, bakas sa boses nya ang pag-aalala.
Tumango ako kaya inalalayan nya ako palayo doon. Nang medyo makalayo kami, doon ko na binuhos ang sakit na kinikimkim ko kanina.
"Shhh...tahan na, Yvanna." Pilit nyang pinapagaan ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng pagyakap. Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak sa balikat niya.
"Ethan, ang sakit...sakit." Hirap kong sabi. Bakit ganun? Tanggap ko naman pero bakit ang sakit pa rin sa pakiramdam?
"Ganoon talaga Yvanna." Hinigpitan niya ang yakap niya. "Tsaka...a-andito naman ako eh."
Napatingin ako sa mga mukha niya. Bakas doon ang pag-aalala.
"Salamat, Ethan."
"Nandito naman ako eh...umaasa ka pa sa iba." Dinig kong bulong niya pero di ko masyadong naintindihan.
"Ano?"
"Ah-eh...wala." Saka sya ngumiti. "Tara na?" Tanong nya kaya tumango naman ako. Hinalikan nya muna ako sa noo saka umalis.
Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit parang hindi sya nasaktan sa mga nasaksihan nya kanina? Naka move on na ba talaga sya?
***
Pagkabalik namin kanina sa Tingloy, back to normal na ulit. Bandang alas dose na ng tanghali nang makabalik kami. Pinaghanda kami agad para sa hiking. Ngayon daw ang hiking namin.
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Fiksi RemajaMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE