ETHAN'S POV
"Food Poisoning po ang nangyari sa kanya. Yung poison po sa katawan nya na naging dahilan ng pagbula ng bibig is in form of liquid. Maari nagmula ito sa inumin na ininom nya. Sa ngayon, hihintayin na lang natin na maka-recover sya. Excuse me." Sabi ng doctor tsaka umalis.
Food Poisoning? Baka dahil yun sa palamig na binili namin kanina? Bakit sya lang ang nalason?
Nandito ako ngayon sa hospital kung saan dinala noon si Yvanna nung nahimatay sya. Nandito rin si Jefferson. Tinawagan na nya yung mga magulang ni Yvanna.
"Where's Yvanna?" Dumating na si Tita Danica, yung mom ni Yvanna. Kasama nya si Manang Ethel.
"Oh, Ethan! Andyan ka pala." Gulat na sabi ni Manang Ethel. Nginitian ko lang sya.
"Oh my god! Yvanna!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Tita. Niyakap nya si Yvanna na wala pa ring malay at hinimas-himas ang kamay. Napansin nya rin yung pasa ni Yvanna sa braso. "What happened to her? Tsaka bakit may pasa sya?" Tanong niya kay Jefferson.
"Kanina po nung pauwi na kami from school, nahagip po sya ng motor. " Halatang nagulat si Tita sa sinabi ni Jefferson. Tumingin naman sya sakin, nangangahulugang ako naman ang magkwento.
"P-Pagkatapos po nun, b-bumili po kami ng palamig tapos maya-maya lang po, bumagsak po sya tapos bumula yung bibig." Paliwanag ko, kung paliwanag man ang tawag dun.
"What!? Anong itsura nung tindero?" Tanong sakin ni Tita.
"N-Nakatakip po yung mukha nya ng mask na pang-ospital tapos naka safety goggles po sya kaya hindi ko makita yung mukha nya po." Kinakabahan kong sagot.
"Reymar...." Bulong niya. "Hayop na Reymar na yun! Pagbabayaran nya ito!" Galit na sigaw nya. Pumikit sya para pakalmahin ang sarili.
"U-Uhm, yan rin po ang hula ko. May kung sino ang nagtangka sa kanya kasi sya lang po ang nalason eh lahat naman kami uminom tsaka may pangalan po rin po yung paper cup." Singit ko pa.
"Hayop talaga sya. Anyways, salamat sa inyong dalawa. Pero sa tingin ko kailangan nyo nang umuwi. 5:00 na, baka hinahanap na kayo. Salamat." Tumango na lang kaming dalawa.
Lumapit sakin si Manang Ethel. "Mag-iingat ka." Sabi nya. Tumango na lang ako. Aktong aalis ako nang biglang magsalita si Tita Danica.
"Yvanna! " Napalingon ako sa kanila. Yakap-yakap na ni Tita si Yvanna. Gising na si Yvanna!
"Yvanna!" Sabay naming sigaw ni Jefferson. Si Jefferson naman ang yumakap kay Yvanna.
Nang kumalas na sa pagkakayakap si Jefferson, napalingon-lingon si Yvanna sa sarili.
"Jefferson....Ethan...." Nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay nya. Medyo namumutla pa sya ngayon at mahina ang boses.
"Are you alright?" Tanong pa ni Jefferson. Tumango si Yvanna bilang tugon. Hinalikan ni Jefferson si Yvanna sa noo. Bagay na hindi ko pa nagagawa kay Steph.
"Ayos ka lang ba?" Tumango si Yvanna.
"Inulit lang...." Dinig ko pang bulong ni Jefferson habang nakatingin sa labas.
Lumayo na ako sa kanila. "Sige po. Salamat po. Aalis na po ako." Paalam ko sa kanila. Tumalikod na ako para umalis.
"Salamat...." Narinig kong bulong ni Yvanna kaya nilingon ko sya. Tumingin ako sa mata nya at ngumiti.
Doon ako umuwi sa bago naming bahay. Buti nalang saulo ko na kung paano pumunta roon kaya hindi ako naligaw.
Bigla kong naalala...bakit hindi sumunod yung tatlo?
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
أدب المراهقينMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE