Chapter 14

5 1 0
                                    

PAKIBASA NG A/N

A/N: Simula po ngayon di ko na po lalagyan ng title ang bawat chapter EXCEPT kung special chapter ito.

So ayun, maraming salamat sa mga bumabasa ng kwentong ito dahil matagal ko po itong pinagplanohan at practice lang ito pero naging successful.

Isa pa, sorry kung hindi masyadong relevant ang title sa takbo ng kwento. Siguro sa Book 2 nito na pinagplaplanuhan ko pa ay magiging relevant na ang title.

Salamat ulit kasi binasa nyo 'to. Hahaha. Salamats!!

.

***

ETHAN'S POV

Sabay kaming pumasok sa chess room para alamin kung bakit nga ba kami pinapatawag doon.

"Good Morning." Bati namin sa MAPEH club Vice President dahil sya ang nagbabantay sayo.

"Anong Good Morning? Lagpas tanghali na!" Mataras na sabi nito at napatingin naman ako sa relo ko.

1:30 na?!

"S-Sorry. Bakit mo nga pala kami pinatawag?" Napatingin naman ako sa mga naglalaro. Tahimik lang sila at talagang naka-focus sa laro nila.

"Disqualified kayo."

"Ha?!"

"What?!"

Disqualified kami?!

"Bakit naman?!"

"Dahil doon sa ginawa nyo kanina." Inalala ko yung nagyari kanina. Kung hindi ako nagpadala sa galit ko, sana hindi mangyayari 'to.

At higit sa lahat, wala akong iuuwing medal!

Halatang nalungkot din si Jefferson dahil sa narinig namin.

Malungkot akong lumabas at pumunta sa classroom. Walang tao don kasi karamihan ay nanonood ng basketball sa court. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na umalis.

Paglabas ko sa gate ay sumakay na ako pauwi dahil wala na akong dahilan para manatili doon. Hindi na ako nagpaalam kasi puro nasa event ang mga teacher. Bahala na.

Pagkauwi ko ay liminga-linga muna ako. Wala sila Mama dito. Nasa pinapatayong bahay siguro.

Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Napahiga ako sa kama dahil kahit na kakalahating araw pa lamang ay andami nang nangyari.

Si Yvanna.

Bigla kong naalala si Yvanna kaya bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko sa contacts ang number nya at tinawagan ko sya.

"Ethan!!!" Masayang sigaw nya kaya inilayo ko nang bahagya yung cellphone ko sa tenga ko.

"H-Hi!"

"Bakit ka napatawag?"

"Kakamustahin lang kita. Kamusta ka naman?"

"Okay na ako. Nasa bahay ako kasi wala na naman akong gagawin. Ikaw? Bakit ang tahimik dyan?"

"Nasa bahay ako. Disqualified kami ni Jefferson kanina. Magkasama kami kanina."

"Sayang naman..Teka, magkaibigan na kayo?"

"O-Oo."

"Great!" Sigaw nya na naman.

"Yvanna, pwede ka bang lumabas?" Tanong ko sa kanya dahil gusto kong pumunta sa Sports Complex para makipag-kwentuhan.

My Heart Still Remember You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon