***
Friends. F-R-I-E-N-D-S. Friends. Magkaibigan na kami.
Sana ay magtuloy-tuloy na nga ang masasaya naming ala-ala. Isang buwan na ang nakalilipas nang maging magkaibigan kami. Napaka-close na namin kahit one month lang iyon. Sa tingin ko pwede pa iyong humigit pa sa bestfriends. More than bestfriends. Mahirap kami, mayaman sila pero hindi ito hadlang sa pagkakaibigan.
Ang pagkakaibigan ay walang pinipiling kasarian, kayamanan at panahon. Bata man o matanda, basta't may pagmamahalan at tiwala, maituturing na kayong magkaibigan.
IYAN na lamang ang naiisip ko. Sana nga maalala na nya ako.
Lunes ngayon at maaga ang pasok namin. Pagkatapos kong gawin ang mga kailangan kong gawin, lumabas na agad ako sa bahay. Paglabas ko ng gate ay may nakita akong puting Mitsubishi Montero Sport.
Nagtataka naman ako kung kanino 'to. Baka kidnapper! Ay hindi ata kidnapper, teennapper! Pero sosyal naman nyan, naka SUV pa para manguha ng mga taong walang kamuang-muang sa gagawin nila. Siguro para hindi mahalata kaya ganun ang kotse nila.
Bumukas ang bintana ng passenger's seat at nakita ko si...Yvanna!?
"Uy Ethan! Sumakay ka na sa kotse ko! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?" Sabi niya sa akin habang nakasilip. Ano daw? Kotse nya? Kaniya pala 'yun.
"Ahh..s-sige." Tapos pumasok na ako at katabi ko sya. Alangang tumanggi pa ako, syang naman!
Ang ganda ng loob nito. Personalized at customized.
"Iyo ba 'to?" Tanong ko sa kanya. Kung sa kanya 'to, ang yaman naman nila dahil may sarili pa siyang sasakyan.
"Oo." Sagot niya at napatango na lang ako. Ang yaman nga nila. Sa pagkakaalam ko, P1,000,000 itong SUV na 'to at may driver pa sya. Biruin mo 'yun? One million? Pwede na akong bumili ng ng bahay sa 1M.
"Maam, sya po ba 'yung kinukwento nyo sakin?" Hirit nung driver. Mukha naman sya magaling mag'drive batay sa obserbasyon ko. Kalbo sya at may kaunting balbas.
"Ah oo kuya Rald." Sagot sa kanya ni Yvanna. Kinukwento pala ako sa ni Yvanna sa driver nya.
"Sabagay, gwapo naman po sya maam. Sya yung crus-" Napatigil sa pagsasalita yung driver kasi sumitsit si Yvanna.
"Sorry po maam." Habol nya pa.
Ako daw 'yung ano ni Yvanna? Anong ano? Hahaha ang gulo. Tsaka gwapo daw ako. I know. Hahahaha.
"Ano 'yun Yvanna?" Tanong ko sa kanya. Aasarin ko sya hhahaha. Alam ko na kung ano 'yun.
"Ahh..w-wala." Tapos biglang namula 'yung pisngi nya. Hahaha sabi na nga ba eh.
"Crush mo ako 'no." Sabi ko sabay kindat. Lalong sya nag-blush. Hahaha.
"H-hindi ah." Sabi nya sabay tingin sa labas. Anong hindi? Nahihiya ka pa okay lang naman kasi kasalanan 'to ng kagwapuhan ko. Hahaha.
Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas nakarating na kami sa school.
"Salamat." Sabi ko sa kanya.
"Wala 'yun ano ka ba. Kung gusto mo araw-araw, basta't ikaw." Sabi nya tapos naglakad na kami.
Pagpasok namin sa room ay agad akong pumunta sa upuan ko. Katabi ko pa rin si Andrei tapos katabi ni Yvanna si Lovely since mag-bestfriend sila.
"Uy Andrei!" Bati ko sa kanya tapos sumimangot sya.
"Ethan kung pwede Dre nalang tawag mo sakin. Nakakabawas ng pogi points 'yung Andrei." Pakiusap nya sakin. Sus, bawas pogi points. Matagal na namang bawas 'yan hahaha.
"May pa-Dre-Dre ka pang nalalaman, di naman nakakapagbago ng itsura yan." Puna ko sa kanya.
"Yai na, basta yun itawag mo sakin."
"Oo na nga." Pilit kong sagot.
Napatingin na lang ako kay Yvanna at Lovely. Nagtatawanan sila at may pinapanuod ata sila sa Youtube. Wala pa kasi si maam.
Tapos biglang dumating si maam. Aba, bago ang heels ni maam ah.
Nakalipas na ang ilang klase at dumating na ang recess. Buti na lang recess na! Gutom na gutom kasi ako eh. Nakakapangit pa naman 'yun. Hahaha joke.
Pumunta ako sa canteen para bumili ng mga pagkain. Nakaka-stress kasi 'yung mga trench na pinag-aaralan namin eh. Sabagay madali lang naman 'yun. Hahaha ang gulo.
Pagkatapos kong bumili ng sopas at banana cue ay naghanap na agad ako ng upuan. Bumungad sa akin si Lovely at Andrei na kalamay nag-de-date kasi share pa sila ng pagkain.
Nakita ko din si Yvanna na mag-isa kaya nilapitan ko sya. Sasabayan ko syang kumain.
Sabay kaming kumain at nagtatawanan at ganun din sina Lovely at Andrei. Tsk tsk tsk.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom pero habang naglalakad kami ay napadaan kami ni Yvanna sa bulletin board.
"Uy Ethan! Teka, magbabasa muna ako baka may message para sa akin." Sabi nya sabay tingin sa bulletin board o freedom wall.
"Ok." Tugon ko sa kaniya. Nagbasa narin ako para hindi ako mainip.
Ito ang ilan sa mga nababasa ko:
Hi crush Jameson! Sana pansinin mo na ako.
-JaneNakakainis ka naman Sir Erick!
-SecretPanget ang magbasa neto.
-Hulaan mo.Nainis at natawa ako dun sa huli kong nabasa. Hmmm...
"Uy Yvanna basahin mo 'to." Sabay turo ko dun sa huling message na nabasa ko.
"Panget ang magbasa neto. Uy Ethan! Ano ba 'tong pinabasa mo sakin?!" Inis na sabi nya kaya tinawanan ko sya.
"'Wag kang mag-alala, maganda ka naman eh." Sabay kindat ko sa kanya tapos tumawa ako. Nagpipigil sya ng tawa.
"Ano ka ba..." Sabay hampas niya sa braso ko.
Nagbasa na ulit sya. Pinagmamasdan ko sya habang nagbabasa. Ang ganda ganda nya. Swerte ang magiging asawa nya. Nag-improve na din sya sa tagalog.
Bigla nalang syang napatakip sa bibig nya.
"Oh my god...Ethan basahin mo 'to."Tiningnan ko iyong message.
Hi Yvanna. I'm also here. Observing you.
-XNagulat na lang ako sa nabasa ko. From X? Sino kaya si X? Stalker ba? Ang creepy.
"'Wag mo na 'yang pansinin. Bumalik nalang tayo sa classroom." Tapos naglakad na kami pabalik sa classroom.
Habang naglalakad sya ay bigla na lang syang nagsalita. "Sino si X?"
Sino nga ba si X?
***
BINABASA MO ANG
My Heart Still Remember You
Teen FictionMuli bang maibabalik ang pag-iibigang nasimulan sa kanilang kabataan? THIS IS AN UNFINISHED STORY. CONTINUATION OF THIS STORY IS IN THIS ACCOUNT: CARLUGEE