Ynggrid's POV
"good evening mam." Bati sa akin ng guard ng " a taste of heaven"
Dapat may usapan kami nung lalaki na yun. Pero hanggang kanina hindi siya tumatawag o nag text man lang. Hindi ko naman kasi alam ang number niya kaya napag pasyahan ko nalang na puntahan siya sa shop.
"Good evening Ms. Tantoco" Napalingon naman ako sa may counter.
Ngumiti ako sa kanya.
"Hinahanap niyo ba si Bosyong?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Ay. Ma'am. Hindi po siya pumasok. Masama po ata ang pakiramdam. Dahil kagabi, nag ligpit kami ng mga gamit sa labas. eh, ang lakas ng ulan."
Kaya pala, baka may sakit siya kaya hindi siya nakatawag.
Sino naman kaya ang kasama niya? May nag babantay kaya sa kanya?
Ay teka, bat ko ba to iniisip. "Ah,ganun ba? Sige babalik na lang ako bukas. May ibibigay lang sana ako.c-cge alis na din ako. Salamat ah, b-by--"
"Teka ma'am."
At may kinuha siyang papel at ballpen, tsaka siya nagsulat at pagkatapos nun iniabot niya sa akin. "Yan ang address ni Bosyong, puntahan niyo na lang. Para maibigay niyo yan. Adam nga pala."
Tiningnan ko naman ang inaabot niya. Hindi ko alam, pero kinuha ko to at nakipag kilala sa kanya.
"Inggrid. salamat." Ngumiti ako sa kanya at umalis na. Pupuntahan ko ba siya? Pero ano sasabihin ko kung pupuntahan ko siya?
Eto ang mga tumatakbo sa isip ko habang nag da-drive.
Pero kahit iniisip ko, tumuloy pa rin ako at heto ako ngaun sa may pintuan at kumakatok. Mukhang walang tao, binigay naman ni Adam ung code, kaya ginamit ko na ito. ang plano ko mag-iiwan ako ng note na, eto ang mga plano para sa kasal namin. Kung may mga gusto siyang ipa-bago, ok lang, dahil ideas palang naman to o sample ang mga dala ko.
Nang makapasok na ako, sobrang tahimik. Hinanap ko siya, mukha naman mali si Adam at wala dito ang lalaki na yun.
Kaya iiwan ko nalang yung dala ko. Inilagay ko yun sa may dining table niya at nag-iwan ng note at ng akmang aalis na ako, may narinig akong ingay na nanggagaling sa living room at pinuntahan ko ito.
Medyo madilim sa parteng ito.
Kaya binuksan ko ang ilaw. Laking gulat ko na nakita ko siya at nanginginig siya.
Bigla naman ako pumunta sa direksyon niya.
Hinawakan ko siya. "Ang taas ng lagnat mo ah." Halata sa kanya ang kahirapan sa pag bukas ng mata.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at dinala sa mukha niya. "Di--dito k-ka lang." Tiningnan ko ang mukha niya.
"Dito ka lang please." Habang hinihimas niya ang kamay ko na nasa may mukha niya,hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin. Bigla nalang bumibilis tibok ng puso ko.
Tumango ako sa kanya, kahit hindi niya ako nakikita. At hinaplos ang kanyang mukha. "Oo, dito lang ako."
Kumuha ko ng bimpo at tubig pang punas sa kanya. At shirt niya, good thing, madaling hanapin ang kwarto niya dito sa condo niya.
habang nag pupunas ako sa kanya.
Napapatingin ako sa mukha niya, sobrang amo niya kapag natutulog. He was so fragile, na gusto ko lang nandito ako sa tabi niya. To take care of him..
Pagka tapos ko siya linisan. Gumawa ako ng soup para may laman naman ang chan niya kapag uminom siya ng gamot.
At inilipat ko na siya sa kwarto niya. Good thing he's feeling better kaya madali lang ang naging pag lipat. At habang naka upo siya sa may kama.
"Inumin mo na to, pag katapos mag pahinga ka na. Para mawala na yang lagnat mo." Kasalukuyan akong nasa tapat niya at binibigay ang gamot niya. Tumingin naman siya saglit sa akin at nag yuko.
"Yvo---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin sa may bewang.
"Yvo---" Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. At mas lalong binaon ang mukha niya sa may chan ko.
"Wa---wag mo k--ko iwan please."
Nakakagulat isipin na may ganito siyang side. Yung malambing, all along I thought na bato siya at para sa kanya, deal lang lahat ng bagay.
Pero katulad nga ng sinasabi ng iba,sa kabila ng hindi magandang pag-uugali ng tao may maganda parin siyang puso. Natatakpan lang to ng pagiging maka mundo niya.
Hinagod ko ang buhok niya.
"Yes. I won't leave you. Inumin mo na ang gamot mo." Tumingala siya sa akin. Binigay ko na ang gamot niya, habang yung isang kamay niya naka yakap pa rin sa bewang ko.
Inabot ko na yung tubig na nasa may bedside table niya.
At pag kayari niya uminom, niyakap niya ako ulit.
Nang akmang tatanggalin ko na ang mga kamay niya. "Yvo, mag pahinga kna.."
Tumingin siya sa akin. "Tabihan mo ko."
Siguro dahil may lagnat siya kaya he tend to be sweet. Parang sa mga bata, mas lalo silang nag lalambing kapag may hindi sila.Magandang nararamdaman.
Ngumiti ako at tumango. Hinatak na niya ako para humiga, hindi pa man ako nakaka recover sa mga nangyayari ng bigla siyang yumakap sa akin at ibinaon ang mukha niya sa may leeg ko.
Hindi na siya masyadong mainit, siguro sinat na lang. Kapag talaga may lagnat ang isang tao, they tend to be sweet. Kahit na hindi ako sanay sa kanya. I treat him the way I treat my pre school student,
Bigla naman ako napangiti ng maalala ko sila. Na kahit makulit sila,they have the softest heart that you will truely love.
Hinaplos haplos ko naman ang buhok niya.
He was like them. Yvo is like a pre school,may pag ka childish, moody, ang hirap hulihin ng kiliti. but in the end you will see, he has a good heart. na mamahalin mo.
Mamahalin?
Am I falling in love with the person beside me?
To the beast?
Kaya ko bang tanggapin sa sarili ko na may chance na ako lang ang mag karoon ng tunay na nararamdaman sa mga pinapasok ko. Na ako lang ang mag mamahal sa relasyon na to.
Yes,relasyon. The moment we talked to papa, meron na kaming relasyon, noong oras na sinabi niyang mag pakasal kami. May relasyon na kami.
But our relationship is just for a deal.
A deal that needs to be accomplish, for my mama and papa to be happy. Eventhough I am not sure, If I will be happy in the end.
BINABASA MO ANG
If we fall in love
Romance"mag hubad ka na." I was so stunned. I don't know what to say. "you told me, you will do everything just to save your fucking vineyard,tapos ano aarte ka.." tiningnan ko lang siya. right now I really wanna run away. pero hindi ko magawa,hindi ako m...
