Chapter Twenty-Three: lost and found

4.3K 109 8
                                    

Ynggrid's POV

Naalimpungatan ako ng kung may ano ako marinig sa likuran ko.

"Ma.. N-No.." At ng lingunin ko ito, si Yvo pala. Mukhang nananaginip siya. Nakakunot ang noo niya at may medyo pinapawisan na rin siya.

Tumayo na ako at hinawakan ko naman ang pisngi niya para pahiran ang pawis niya at para gisingin siya. "Yvo.."

"Ma!!!" Nag mulat siya at hinihingal. Napatingin naman siya sa gawi ko.

"H-hey." Inakap naman niya ako bigla. Hinagod ko naman ang likod niya at humiwalay na din ako sa kanya. Kinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko.

Habang siya nakatulala lang at naka yuko. "Yvo." Tawag ko sa kanya, pero naka yuko lang siya.

Pamya mya bumuntong hininga siya tsaka tumayo. "Kukuha lang ako ng tubig." Tumayo na din ako.

"Ako na lang." Pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"Ako na lang." Tuluyan na siyang lumabas. Habang ako naiwan na nakatayo lamang.

Hinintay ko siyang maka balik, parit parito na ako sa pag lalakad. Buti na lang hindi nagising yung kambal kanina.

Sinundan ko na din si Yvo sa may baba.

Bakit naman kaya siya nag tagal ng ganun? Agad ko naman siya nakita na nasa may sala, nakapatong ang mga siko niya sa may tuhod niya. Habang naka sapo ang kamay niya sa ulo niya.

Ano kaya ang problema niya? Bakit mukha siyang problemado?

Nilapitan ko naman siya, Pumantay ako sa kanya. Bali naka upo na ako sa may sahig habang siya naman naka yuko pa rin.

"Yvo." Dahan dahan kong tinanggal yung kamay niya.

Pero yumuko pa rin siya. Ayaw niyang tumingin sa akin at hindi ko alam kung bakit. "Pwede mong sabihin sakin?" Unsad ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya.

Naka yuko pa rin siya. Pero hinintay ko pa rin siya magsalita at hindi naman nga ako nabigo.

Tiningnan ko naman siya. Naka yuko pa rin siya pero naka tingin siya sa mga kamay niya na hinahawakan ko. "Nightmare."

Hindi ako nag salita, hinayaan ko siyang ituloy ang sasabihin niya. "Beg,left,cried,

I had been through a lot.."

Naka tingin lang ako sa kanya, habang siya panaka naka nag sasalita. May mga tanong sa isipan ko kung bakit siya nag makaawa,iniwan at umiyak.

"Wala eh. Hindi siya madaan sa pakiusap." Siya? Sinong siya?

Tumingin naman siya sa akin. "Nag makaawa ako Ynggrid. Nag makaawa---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla na lang siyang maiyak.

Tumayo naman ako at inakap ko siya.

Ayoko nakikita siyang ganito. Ayoko. Habang tinitingnan ko ai Yvo ngayon nakikita ko yung mga batang umiiyak kapag may hindi sila na nakuha. Somehow I can see Yvo as a little boy.

Naka yakap siya sa may bewang ko. His face is in my tummy.

"I had been begging to her. All of my life. Nag mamakaawa ako na mapansin niya rin kami. Tang*na naman!" Somehow I understand him, hindi man direkto niyang sabihin nauunawaan ko ang gusto niyang iparating.

Hindi ko man kilala ang taong gumawa nuon sa kanya, naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling.

Kailangan niya ng makakausap, mapag lalabasan ng hinanakit niya.

If we fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon