Chapter thirty: Bring back the smile

3.7K 104 3
                                    

Yvo's POV

"Bububear naman eh!!!" Kasalukuyan akong nasa shop at may pinag-uusapan kami ni Adam ng marinig ko si Annika habang patuloy niya rin kinukulit si Kean.

Napa tingin naman ako sa kanila, kahit tila nakita na naiinis na si Kean kay Annika. Makikita mo pa rin na masaya sila.

"Did you call her?" Napa tingin naman ako kay Adam.

Umiling ako. I knew who he was talking about. Ynngrid. It's been eight weeks. Hindi pa siya umuuwi sa bahay namin.

"Eh bakit hindi mo puntahan?" I tried. And I followed her. Kapag galing siya ng school. Kapag uuwi na. Sinunsundan ko siya pero sa tuwing lalapitan ko siya napipigilan ako. At hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayoko na makita na natatakot na naman siya sa akin. Makita ang pag-iwas ng mga mata niya sa akin. The eyes that was full of love whenever I look at vanished.

Because I became the monster.

"Naalala mo ba kapag sinusundo ka namin sa bar? Alam mo ba kung paano ka namin na tataguan ni Kean?"

Umiling lang ako. At tila parang walang gana na tumingin sa kanya. "It's because of Ynggrid. Tatawagan niya kami, kapag alam na niyang lasing ka. Tapos uuwi na siya at hihintayin ka na lang na maiuwi namin. For the past 7 weeks? Yun ang ginagawa niya. Sabi nga namin sa kanya. Hayaan ka ng gago ka! Pero ano hindi ka pinabayaan. Kahit na gago ka!" Umiling iling naman siya.

Habang ako ay mataman na nakatingin lang sa kanya. Napayuko na lang ako.

Ngayon ko lang nalaman ang ginawa niya para sa akin. At sobra kong pinag sisihan na naging ganon ang pag tratrato ko sa kanya.

"Gago ka kasi eh! Nandyan na nga. Pinakawalan mo pa. Siraulo ka! Anu ngayon? Sulyap sulyap ka na lang. Dahil natatakot kang kapag nilapitan mo eh hindi ka pansinin."

Tama naman si Adam. Asshole. That would be my new name now.

Tumayo na ako. "Oh Gargo san ka na naman pupunta? " Adam was referring to me. Ihinagis ko naman sa kanya ang unan na nasa may couch.

"Wow! Adam ah. Nag hanap kapa ng katropa mo. Eh tawag ko sayo yan dati. GARGO KANA NGAYON! Human version ng gago!" Singit naman ni Noreen.

"Trying my luck."

"Wala ka ng pag-asa. Siraulo ka eh. Bahala ka! akala mo siguro hindi mapapagod yun hano. at lagi ka nalang iintindihan. Aba! Dapat pala hindi tao pinakasalan mo. Dapat Bato!!!" Napatingin naman ako kay Noreen na kakadating lang.

"Sige baby. Awayin mo nga iyan." Saad naman no Adam.

"Baby ka jan. Hoy bakulaw ka, kapag gumaya ka kay Yvo. Sinasabi ko sayo!!! Mata mo lang ang walang latay." Pag babanta naman ni Norren kay Adam.

Habang ako ay umalis na. I am going to see Ynggrid and this time I will talk to her.

Hindi naman nag tagal ay nakarating na rin ako sa school na pinag tratrabahuhan niya. Ipinark ko ang kotse sa may bandang college department. Dahil kung sa elementary department ko ipinarada. May tyansa na makita niya ito at umiwas.

Saktong nag lalakd naman siya sa hallway at kakatapos lang mag out. It's already 6:30. Ganitong oras siya umuuwi sa nakalipas na mga linggo na sinusundan ko siya.

"Yngs! Hatid na kita. Gabi na rin eh. Delikado na, marami pa namang krimen na nangyayari sa pag ligid." Si Don. Kasama siya ni Ynggrid sa trabaho.

Ngumiti naman si Ynggrid. "Wag na don. Dadaan rin ako sa bookstore. Mag papahatid na lang ako kay manong guard sa main gate. After ko balikan yung gamit ko sa room. Ingat na lang sa pag-uwi."

If we fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon