Yvo's POV
Nagising na lang ako na wala si Ynggrid sa tabi ko. Kaya naman agad akong tumayo. "Ynggrid " At hinanap siya sa buong kwarto. Pero ng hindi ko siya makita nag baka sakali ako na baka nasa ibaba lang siya.
At tama nga ako nanduon siya sa may kusina habang abala sa pag luluto at may kausap sa pho ne. "Yes ma. Opo kahapon ko lang nalaman. Sige po dadaan ako jan mamaya. Ah yes, I will call mommy bago po ako pumasok. Sige po. Bye "
Hindi niya ako napapansin dahil abala siya sa pag luluto ng omelet. Ngumiti naman ako at tsaka siya nilapitan.
"Good morning! Sana ginising mo ako para nagawan kita ng breakfast." Tumingin naman siya sa akin at pagkuwa'y binalik ang tingin niya sa ginagawa niya.
Inilagay naman niya ang omelet sa may tupperware at isinara ito.
Lumapit naman ako sa kanya. "Wow! Mukhang masarap yan ah hindi mo man lang ba ako papatikimin. Kahit--"
"Kailan mo ba kinain yung niluto ko?"
"I--ah.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tama siya, hindi ko kinakain ang niluluto niya tuwing umaga dahil ayokong makasabay si mama kaya pati siya ay naiiwasan ko na rin.
Kinuha naman na niya ang bag niya. "Sandali. Ihahatid na kita."
Tumingin naman siya sa akin. "Wag na. Dadaanan ako ni Kimberly."
"Oh si-sige. Anong oras ka na lang uuwi? Para ako na la---"
Inayos na niya ang pag kaka pony ng buhok niya habang ako naman ay naka tingin lang sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya. Na ultimo kapag tumitingin sa akin ay parang ibang tao. "Pupunta ako kila mama mamaya."
"Sige duon na lang kita susunduin."
"Hindi mo na ako dapat sunduin. Duon muna ako matutulog kila mama."
"But Ynggrid, this is our home."
Bumaling naman siya sa akin. "Just yours. I have to go. Kimberly is there. Good bye."
Sinundan ko naman siya ng tingin. Napa buntong hininga na lang ako ng marinig ko ang tunog ng kotse. Maybe it's Kimberly.
Siguro nga sobra siyang nahirapan at nasaktan na kahit ano gawin ko, hindi niya ako mapapatawad.
But,I will not stop. I will not..
--------
Ynggrid's POV
"Congrats Yngs! Hay natutuwa naman ang kambal ko noong nalaman sa daddy nila na mag kaka baby kana." Kasalukuyan kaming papunta ni Kimberly sa school. Sinabi niya kasi sa akin na dadaanan niya ako, pag katapos niyang marinig kay Nicolo na buntis ka.
"Alam mo Yngs! Smile ka na. Mukha kang hindi pa pinapakain ng umagahan oh."
Kahit talaga kailan si Kimberly, madaldal pa rin. "Hindi pa nga ako kumakain." At tsaka ko nilabas ang omelet na niluto ko kanina.
"Huh? Eh bakit hindi ka sa bahay niyo kumain? Ay teka alam mo ba kung ano nangyari sa baklang Leighton na iyon?" Habang nag mamaneho siya ay patuloy pa din siya sa pag daldal.
"Hindi ko alam. The last time na nakita ko siya, last week pa. Tapos naka recieve ako ng text na. Just give her time. You know her.. kapag may pinag dadaanan ay gustong mapag-isa."
"Pero I thought sila nung photographer na kaibigan nila Yvo."
Sumubo naman ako ng omelet. "Malabo yun eh. Dati kasama niya si Lei. Tapos ngayon na dumating na yung girlfriend niya na si Rose. Kinalimutan na niya si Lei."
![](https://img.wattpad.com/cover/19302429-288-k93032.jpg)
BINABASA MO ANG
If we fall in love
Любовные романы"mag hubad ka na." I was so stunned. I don't know what to say. "you told me, you will do everything just to save your fucking vineyard,tapos ano aarte ka.." tiningnan ko lang siya. right now I really wanna run away. pero hindi ko magawa,hindi ako m...