chapter twenty-one: HBD

5K 116 10
                                    

ynggrid's POV

"Mala-late ako ng uwi. May meeting pa ako sa office."

Hindi ko alam kung ilang beses ko na tong binabasa.

It's a text from him. Kanina pag gising ko, wala na siya. Sabi nila mama maaga daw umalis, tapos ngayon naman ma la-late daw siya ng uwi.

Napa buntong hininga na lang ako. Eto siguro ang dahilan kung bakit gusto niya tumira muna kami dito kilala mama at papa.

Lagi siyang maagang umaalis at kapag gabi naman late na siyang umuuwi.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yun o talagang busy lang talaga siya sa coffee shop at sa trabaho niya.

"Yung pangalawa yung piliin mo." Bigla naman akong nabalik sa aking kaisipan ng mag salita si papa.

Nandito kami saay garden ni mama at kasalukuyan kami kumakain ng breakfast.

Tila nabasa ni papa ang pag tataka sa mukha ko. Kaya itinigil niya ang pag babasa ng dyaryo. "Yung letter b ang piliin mo." At itinuloy ang pagkain niya.

Ngumiti ako sa kanya, my papa knows me so well. "Stop over thinking ynggrid."

"Malay mo, pumunta lang siya sa babae niya, kasi ang lakas lakas mo kumain. Tapos kaya siya nala-late ng uwi, dahil you know.."

Nagulat naman ako sa sinasabi ni papa. Pero bago pa ako makapag salita.

Dumating na si mama, siguro narinig niya ang mga sinabi ni papa.

"PA!!" At tumawa na man ng malakas si papa.

Habang ako naka kunot ang noo.

"Relax, ynggrid. Bawal mastress.." Kumindat pa siya sa akin.

Tumabi naman sa akin si mama, habang hawak hawak niya ang isang pink paper bag. "Happy birthday baby girl." Inakap niya ako at iniabot sa akin ang paper bag na kanina ay hawak niya.

Napa ngiti ako. "Akala ko----"

"Nakalimutan? How can we forget this special day of our baby girl." Sabi naman ni papa, lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Happy birthday baby girl. We love you so much." Hinalikan naman niya ang noo ko.

"And you know how much I love you. You and mama, you're the best gift that God has given me. I will forever be thankful for that."

Ginulo gulo naman ni papa ang buhok ko.

"You will always be my baby girl. Kahit ikaw mismo malapit na mag ka baby."

"Pa!!!"

Why do my papa always have this naughty side. Na parang kabarkada ko lang siya.

Napa tawa naman si mama at bumalik na kami sa pag kain, paminsan minsan iniinis pa rin nila ko, but we ended up laughing our hearts out.

Pamya mya lang, nag paalam na rin ako sa kanila, dahil kahit birthday ko, gusto ko pumasok. I'd love to see the kids.

Kapag nag tuturo ako, nakaka limutan ko yung mga problema ko. Isang tawa lang nila, kahit makulit sila. Mapapangiti ka na lang rin.

Kahit naman medyo naiinis ako may yvo, pansamantala ko yung nakalimutan dahil sa mga tinuturuan ko.

I don't know why, nahahawa na ata ako sa mood swings ni Yvo. Hindi ko rin alam kung bakit ganun siya lately.

Napag desisyunan ko na hihintayin ko siyang umuwi mamaya, hindi man niya maalala na birthday ko, kailangan maayos namin kung ano man ang problema namin

If we fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon