Chapter twenty-two: Embracing vulnerability

4.8K 106 2
                                    

Ynggrid's POV

Nagising na lang ako na nasa isang kwarto na may mga malaking bintana. Napa tingin naman ako sa may malaking bintana na nasa may harap ko, bigla kong naalala ang "Kinukuha ng langit pose ni Lei".

Napapangiti nalang ako habang pino-pony ko ang buhok ko. Hay! Kahit kakakita ko lang kay Lei kagabi, gusto ko na naman siya makita.  "Good morning sunshine." Bumangon na ako at inayos ang higaan namin.

Mamaya nga itatanong ko kay Yvo, kung paano at saan niya nahanap si Lei. Mahirap kasi siya hanapin,kung minsan bigla na lang yun lumilitaw ng hindi mo inaasahan. Parang mushroom.

Teka, asaan naba si Yvo? Nasasanay na din ako na maaga siya nagigising kesa sa akin.

Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto.

Pumunta ako sa may malalaking bintana, ngayon ko lang nakita na naka sentro pala ang kwarto namin sa bahay.

The big attic type window glasses that I was looking last night was our room. Tanaw na tanaw ko ang garden namin.

Kahit lumipas na ang mag damag, hindi ko pa rin mapigilan ang humanga sa kabuuang itchura ng bahay.

Naligo muna ako, bago ako bumaba. Dahil yung uniform ko pa rin mula kahapon ang suot ko nuong nagising ako.

Nang matapos na ako maligo, bumaba na ako. It's Saturday kaya wala akong pasok and I just wanna stay in here.

I just wear a simple white shirt and a below the knee leggings.

Hindi pa rin ako masyadong familiar sa buong kabahayan at ng bumaba na ako. May narinig ako kung ano ingay, kaya sinundan ko kung saan nanggagaling iyon.

Napatigil na lang ako ng makita ko siya sa may kusina, habang kinakagat ko ang apple na nakita ko sa may lamesa kanina.

Napatulala ako sa kanya at nang akmang kakagat naman ako sa apple, bigla naman tong dumulas sa kamay ko. At siya pang naging dahilan para mapansin ako.

Tumingin siya sa akin, then a smile formed to his demi god face.

Bakit ba ganito siya kagwapo?

Why did he had to be topless.

The last time na nag topless siya muntik ng mangyari yun..

Pero good thing na rin at naka apron naman siya, kaya hindi masyadong nag kakasala ang mata ko.

And the messy hair, Ugh! Bakit ang gwapo gwapo niya tingnan palagi. Kahit na napaka moody niya.

Kinuha ko naman ang nalaglag kong panty este yung apple ko.

Tumingin ako ulit sa kanya, napadako naman ang tingin ko sa apron niya. "Sexy beast" yan ang nakalagay sa apron niya.

Bagay na bagay sa kanya ang apron niya.

"How's your first night?" Napatingin naman ako ng magsalita siya. Habang siya naman abala sa pag luluto. Hindi ko alam na marunong pala siya mag luto.

"O-Ok naman." Umupo ako sa may stool na nasa tapat ng nilulutuan niya.

Nasa gitna ng kusina ang kalan niya at may mga stool sa paligid. It's like a breakfast style table.

"Hindi ka naman na nibago?" Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nanibago. Siguro dala na rin ng pagod ko kay naka tulog ako agad.

Nakatingin lang ako sa kanya and to be specific sa mukha niya.

How can he be so handsome. Matangos na ilong, hazel eyes, may tumutubo naring beard sa pero hindi naman ito katulad ng nasa the hobbit just enough to find it sexy and the messy hair. Ugh!

If we fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon