Chapter Twenty-six: Fragile soul

4.5K 84 10
                                    

Ynggrid's POV

Sinimulan ko ng sindihan isa isa ang mga kandila at inayos ko na din ang mga pintura na kanina kong nahanap sa mga luma kong gamit.

I used them when I was in college. Kapag naisipan namin ni Lei na umattend ng painting class.

Isa iyon sa hobby namin  ni Lei. Kapag sobra kaming stress sa pag-aaral.

Hindi naman kami magaling mag paint. Natutuwa lang kami kapag nag pipinta,nakikinig ng acoustic jam,poetry reading o kaya naman bumibisita sa art gallery na siyang madalas dito sa Baguio.

Yes I am here in Baguio. Actually kami ni Yvo. Napag kasunduan namin na pumunta dito dahil long weekend naman, walang pasok ng Monday at Tuesday. 

Umalis kami kahapon-Friday. Pag katapos ng klase ko. At sila Aly at Macky naman sinundo ni Kimberly nuong Friday ng umaga.

Nagulat na lang ako ng tumawag siya sa akin ng umaga at tila nag mamadali na siyang nag pa gising sa akin.

At ng dumating siya sa bahay. Laking gulat ko na lang na kasama niya ang tatay nila Aly at Macky.

I happened to know him, dahil madalas niyang sunduin o kaya naman madalas siyang isama ni Kimberly nuong nasa college pa kami.

Tulog pa ang kambal. Kaya binuhat sila ng kanilang magulang. Aly in his dad's arms. Habang si Macky naman buhat ni Kimberly.

At ng tanungin ko si Kimberly kung bakit niya kasama ang tatay nila Aly. Sabi niya ikukwento na lang daw niya sa akin, kapag naka hanap siya ng tamang oras and I respect that.

Good thing maagang nagigising si Yvo, na siyang kasama kong nag-ayos ng gamit ng kambal.

Kinuha ko naman ang canvas at ang painting stand, inayos ko na ito sa may bandang gitna na siyang naka harap sa may kama ko.

My bed is near the window. Kaya mababanad mula duon ang kabilugan ng buwan.

Dati kapag hindi ako makatulog at napapagod na din ang mata ko sa pag babasa. Tumitingin lang ako sa bintana at tinitingna  ko ang mga bituin.

The city lights and the stars. It's just so beautiful to look at.

I am here in my apartment. Dito ako tumira dati nuong nag-aaral pa ako sa college.

Ng makita ko na halos tapos na ang pag-aayos ko.

Tumingin naman ako sa salamin.

Am I ready for this?

Napa hinga ako ng malalim.

Agad ko naman tinanggal ang roba na siya tumatakip sa katawan ko.

At binalot ng puting kumot ang katawan ko.

Any time from now, I will be doing our supposed to be deal.

Napa hinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Hindi naman unang beses na makakakita ako ng nude painting. But it just felt awkward, imagining me as the subject.

Ulit kong tanong sa sarili ko?

Am I ready for this?

Hindi naman niya hinihiling na gawin ko to, pero gusto kong gawin ito. Na baka ito ulit ang maging paraan na pag bubukas niya ulit sa sarili niya ng dating siya.

Na kung gusto niyang makalaya mula sa nakaraan at harapin ang ngayon, kailangan niyang harapin kung ano man ang naiwan niya sa nakaraan.

Tiningnan ko naman ang wedding ring na suot ko ngayon.

If we fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon