=================================
"Sabrina! Magpayong ka nga! Ang tigas talaga ng ulo mo! Sipunin ka pa naman!" sigaw ng bestfriend kong si Aki habang hinahabol ako ng payong pauwi galing sa school.
Lumingon ako sa kanya at ngumisi,
"O.A?! mamatay ba ko pag sinipon? May gamot naman!" sabay tawa.
Nakakatamad kasi magdala ng payong. Ang bigat na sa bag, panira pa ng poise!
Pagkasakay namin ng kotse ko agad pinatugtog ni Aki yung IPad nya.
Nag-aaway na naman kami sa mga songs na patutug-tugin.
Traffic. Nasa tapat kami ng isang mall, at nakita ko ang isang cute na lalaki.
Mestizo, chinito, at maganda ang tikas ng katawan.
So. Damn. Hot.
Abot tenga ang ngiti ko dahil sa kilig habang tinitignan sya!
Nakita kong pareho s'ya sa uniform namin. Kaya bigla akong napatili at inalog-alog ang balikat ni Aki.
"Shit! Look Aki! He's so cute!" di ko mapigilan ang ngiti ko!
Tiningnan nya yung lalaking tinuturo ko at inirapan ako.
"Anu ba Sab?! Maka-react ka naman! parang nang-gigising lang ng tulog ah! Will you please calm down?! Itsura n'yan, mas gwapo pa ko d'yan eh! Wala pa rin yang panama sa'kin!" mariin nyang sabi sa'kin.
Natawa ako sa sinabi nya at kinurot s'ya sa pisngi.
"iiihhhh! Kinikilig ako! hahaha. Transferee ba yan? bakit ngayon ko lang s'ya napansin? Anu kayang pangalan nya? May girlfriend na kaya yan? What do you think?" di ko mapigilan ang pagtitig kay chinito guy.
Sinampal nya ko.
Yes.
Sinampal nya ako!
"Sira ulo!" sabay halakhak nya.
"Aray ko! Fvck!" Gagantihan ko sana ng sapak ng biglang binusinahan ako ng kotseng nasa likuran ko! Umandar na pala ang mga sasakyang nasa harapan ko.
Best friend ko si Aki high school pa lang kami. Nagkasundo kami kasi pareho kami ng ugali.
Magulo, makulit, pasaway, at pareho kaming matakaw! Partner in crime kami n'yan. Pag magkasama kami n'yan ay walang nangyayaring maganda! Riot!
Naalala ko noon, habang nag-iintay ang buong klase sa teacher namin, ang gulo ng room! Parang palengke sa ingay! Kanya-kanya ng kalokohan.
Niloloko ko si Aki noon, sinasabihan kong maliit yung kanyang alam nyo na. Nagtawanan ang iba naming classmates.
Syempre di naman papatalo ang lolo nyo, so hinigit nya ako sa likod ng pinto
"sinong maliit ha? Ipapakita ko 'to sayo ng matauhan ka!" nakangising sabi nya.
Ngumisi din ako, tinaas ang isang kilay ko at humalukipkip. "Go! what are you waiting for?"
Malakas ang loob ko kasi alam ko namang di n'ya kayang gawin yun!
Natigilan s'ya at namula ang pisngi nya. Umiling s'ya at sinabing "Gustong-gusto mo naman!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at sinapak ko s'ya!
Yun lang, malakas ang confidence nya. Pero hindi sa mayabang na paraan. Friendly s'yang tao, daig nya pa nga ang mga kandidato sa dami ng kakilala n'ya. Kaya madaming nahuhumaling sa kanya eh, dahil bukod sa gwapo na s'ya, friendly pa s'ya.
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...