Lumipas ang mga araw. Kaming tatlo lagi ang magkakasama. Magkakasabay sa pagpasok, pagkain, pag gawa ng mga assignment at paguwi.
Lalong naging close ang dalawa, at ako naman ay lalong nahuhumaling sa isa.
Kay Alex ofcourse.
One day, absent si Aki.
Masama ang pakiramdam nya kasi tumambay kami sa rooftop ng school kahapon after school at nag-stay kami dun hanggang gabi.
Nakaupo kami ni Alex sa isang bench na may shed habang nakikinig ng music at kumakain ng buger.
Pumunta si Aki sa may dulo ng rooftop. Umupo s'ya sa may pader na isang metro ang taas at tumingala para damahin ang ganda at lamig ng gabi, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nahirapan syang bumaba. At nadapa pa sa pagtakbo.
Nakakaawa sya pero nakakatawa! hahahaha
Ayan, ang ending, may lagnat si Aki.
Pagkatapos ng klase namin sa Business Management, agad lumapit sa amin si Mika.
"Hi, may gagawin ba kayo ngayon? Birthday ko kasi eh, may handaan sa bahay, punta kayo. Pupunta din ang iba nating mga classmate eh." mabait na invite sa amin ni Mika.
"Sorry Mika pero may gagawin kasi kami ngayon eh. Pupuntahan namin si Aki. Pangit naman if we enjoy ourselves sa party knowing that our friend is sick. I hope you understand. Anyways salamat sa pag invite! Happy birthday to you!" nakangiting sagot ni Alex.
"Ganun ba? Oo nga pala. Sige ok lang. Salamat din ha. Oh sya, aalis na ako ha, nagiintay na sina Belle sa akin eh. Bye Alex, bye Sab!"
"Bye Mika! Happy birthday!" Pahabol kong sinabi.
Tumingin sa akin si Alex. Ayan na naman ang gwapo nya mukha!
"Honey, I'm hungry. Kain muna tayo." naka-pout pa ang lips nya! Cute!
Shit! Sarap halikan! hahaha.. Easy Sab.
"Ok sige, kain muna tayo, dalhan na lang natin si Aki. Wait i'll txt him." Itetext ko na sya nang bigla nya akong hinila at naglakad ng mabilis.
Jusko po! Kinikilig ako! Magkahawak ang mga kamay namin!
Di ako maghuhugas ng kamay mamaya!
Picturan ko kya ang kamay namin habang magkahawak ang kamay namin. Di nya naman ako makikita kasi hila-hila nya naman ako eh.
Genius Sab! Sakto hawak ko ang phone ko.
Agad akong pumunta sa Camera 360 at kinuhanan ang mga kamay namin.
Perfect! Great shot! Ang galing mo talaga Sabrina Gonzales! Waaaahhhh! Nakakakilig talaga!
Bigla syang huminto sa paglalakad kaya nauntog ako sa matigas nyang mga dibdib.
Oh my!
Napatingin ako sa kanya, Shit! Nakatingin sya sa kamay kong hawak ang aking cellphone!
Sa sobrang kaba at taranta ko, nabitawan ko bigla ang phone ko. Di ko alam kung napindot ko ba ang Main Menu button pero sana nga napindot ko!
Dahil kung hindi, makikita nya ung picture!
Patay ka Sab! CIA ka ngayon!
Napalunok ako ng pinulot nya ang cellphone ko. Di ako makagalaw sa sobrang kaba! Yari ako nito.
Tiningnan nya ang phone ko. Medyo natigilan sya. May mga pinindot sya doon at nag-smile.
That dimples! Damn!
"Text mo na si Aki. Tell him malalate lang tayo saglit." nakangiti nyang sabi habang inaabot sa akin ang phone ko.
Pag-tingin ko ay nasa Messaging ang screen ng phone ko. Sa conversation namin ni Aki to be exact.
Tinext ko agad si Aki. Pagkasend ng text, ay agad ko ng ni-lock ang screen at nilagay na ang phone ko sa bag.
That was close!
Pagkatapos namin kumain, nag-order kami ng 8 inches na chocolate cake. Medyo naumay kasi kami sa kinain namin.
Nakakatawa ang itsura namin habang nakatingin sa cake! Mga mukhang P.G lang.
"You know what Sab, this is useless!" binitawan nya ang cake knife at kinuha ang tinidor.
Tinusok nya ang cake at kumuha ng malaki at biglang sinubo!
Napanganga na lang ako sa ginawa nya! So adorable! Kahit anong gawin nitong taong ito ang cute nya pa rin! Kamukha nya talaga si Lee Min Ho. Younger version nga lang.
Ganun din ang ginawa ko. Wala munang poise pagdating sa cake.
Pagkatapos nya magbayad ay nag-cr muna sya bago kami umalis. Habang wala sya ay kinuha ko ang phone ko para tawagan si Aki at sabihing papunta na kami.
Natulala ako sa nakita ko. Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng malandi kong puso! Ang mga butterfly sa tyan ko ay nabuhay na naman! Gusto kong tumili sa kilig!
Ang picture!
Nakita nya ang picture!
Ginawa nyang wallpaper ang picture ng kamay namin!
waaaaaaaahhhhhhhh!!!
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...