~~ Kabanata 10

43 1 1
                                    

=====

** Aki's POV **

Pumasok ako ng maaga. Medyo badtrip ako, ewan ko ba, daig ko pa ang babaeng may period.

Nakasandal ako sa may pintuan ng kotse ko at iniinom ang aking mocha frappe, nang ipark ni Alex ang kotse nya sa tabi nung sa akin.

Butasin ko kaya ang gulong nito?

Medyo natawa ako.

Anu ba Aki. Bad yan.

Ok, erase erase erase..

. . .

Sabay kaming pumasok sa classroom, konti pa lang kami, maaga pa nga kasi.

"Aki, may naisip na akong gagawin ko sa foundation day." masaya sya habang sinasabi yun.

Eh di ikaw na ang masaya.

Ikaw na.

I told you badtrip ako, at di ko alam kung bakit.

"talaga? ano naman yun?" tamad kong sagot.

"Pagkatapos ng awarding, whatever happens, win or lose, I will borrow the mic from the presentor then sing her a song, kneel down in front of her and i will ask her to be my girlfriend. What do you think?"

That's it? Genius. Even a 7 yr old kid can come up with that idea.

Crap.

Bad Aki.

Bad.

Ok, sorry.

Inubos ko ang frappe na hawak ko, at medyo nasamid sa narinig ko.

"Bro, you should court her first. Girlfriend agad? Walang ligaw? Duh?"

Tumaas ang kilay nya sa sinabi ko. Nasobrahan ata sa pagkapilosopo ang tono ko,

"Is that really neccessary? I know that she likes me too, i can feel it. Duh?" Ginaya nya ang tono ng boses ko.

T*ng ina! Banatan ko na kaya 'to, one time big time lang oh.

"Alex you're not in the U.S, you're here in the Philippines! You have to atleast court the girl first before you ask her to be your girlfriend. You should prove to her, that you are sincere and worthy enough to be her boyfriend. Well, not everyone here do that, but that's the proper way of doing it. And I want you to do that." Hinagis ko sa trash can ang cup ng frappe na kanina ko pang gustong ibato sa kanya.

Tsk! I feel really bad, di dapat ako ganito sa kanya. Wala naman syang ginagawang masama sa akin eh, pero nababadtrip talaga ako. I can't help it.

"Oh, i see. Alright, alright. I'll do it. Thank you." Tinapik nya ako.

Nagtataka sya sa mukha kong nakasimangot kaya tinanong nya ako, "Hey, are you ok? Are you mad at me?"

"No. I'm just. . .  not in the mood right now. I'm sorry."

Tumango naman sya at ngumiti sa akin.

=======

* * * Sabrina's POV * * *

After class, ay nakatambay kami sa may field, sa may mga bleachers.

Masaya sina Stan, Mika at Aki na naglalaro ng pinoy henyo, at "Mantsa" ang pinapahulaan ni Aki sa dalawa!

Whaaat??

Kahit ako, I would f*cking wonder kung under what category yun! hahaha.

Crazy Aki kaya 5 minuto na ang nakakalipas ay di pa rin nila nahuhulaan kung ano yun!

Kami naman ni Alex ay nagkakantahan lang. Nakakatuwa kasi di na ako nahihiya sa kanya. Dahil palagi naman kaming magkasama, unti unti na akong naging komportable na nandyan sya.

Pero syempre di pa rin nawawala yung kilig ko tuwing nandyan sya, it's just that, ngayon nakokontrol ko na ang sarili ko na wag na masyadong mapraning. Nahahandle ko na ng maayos ang emotions ko.

Ang cute talaga ni Alex pag nag-gigitara. Tinitikom nya pa ang bibig nya kaya lalong nagpapakita ang dimples nya.

Damn that face.

Maya-maya ay may mga 4th year students na lumapit sa amin at nagtanong kung pwedeng magpapicture kay Alex. Kilala ko tong mga ito eh. Eto yung mga nagpapapicture kay Aki dati. Mga models 'to kaya lahat sila magaganda at matatangkad. Nagsawa na ata sila sa mukha nung isa, kaya dito naman kay Alex nagpapapicture ngayon.

Mga artista lang? Hhmm. Di naman nalalayo eh, sa itsura nilang yan, pwede talaga sila mag artista.

"Hi Sab. Sorry sa istorbo ha. Nakakahiya man pero pwede ba kaming mag papicture kay Alex?" Nahihiyang tanong ng isa.

Nahiya pa sya sa lagay na yan ha.

"No problem! ako magpipicture sa inyo." mabait ko namang sagot.

Madami daming shots yun ha, at infairness nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko kahit na yumayakap ang isa kay Alex sa mga posing nila. Ang isa pa ay malikot ang kamay, kung saan-saan humahawak! Napatingin ako kay Alex at halatang naiinis na.

Natatawa lang ako.

Im not affected.

Di pala ako selosa eh..

Good for me.

Siguro proud lang talaga ako kasi madaming humahanga sa kanya. Well wala namang aayaw sa kanya eh. Happy lang din siguro talaga ako for him.

Pagkatapos nila ay lumapit naman sila kay Aki na inaaway na nung dalawa dahil sa nilalaro nila kanina.

"Hey Aki, palagi naman kami nagpapa-picture sayo di ba? Since transferee naman si Alex, sya naman muna ha, para maiba lang. Don't worry fans mo pa rin kami! We are still your 'Aki's Angels'" at sabay sabay sila nag-pose!

Hahaha. Nice.

"Thank you girls. . No problem, he's like a brother to me, so i don't mind." nakangiti nyang sabi sa kanila at binigyan sila ng group hug!

That's my Aki. Such a sweetheart.

Maya-maya ay hinalikan sya sa labi ng isa sa mga angel's nya.

Whaaaat???!!

Talagang sa lips?!

F*ck!

Nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

What the?!!!

Bigla akong nabadtrip sa nakita ko. Parang gusto kong higitin ang buhok ng babaeng yun! The heck?!

Nabigla si Aki at naitulak nya ang babae. At yung mga kasama naman nya ay panay pa ang tili.

Di ko na nakita ang reaksyon ng mukha ni Aki dahil sa babaeng humalik lang ako nakatingin. Sa kanya lang nakadikit ang mga mata ko. Bigla silang nagtakbuhan at mga tuwang tuwa pa sa nangyari.

F*ck! Nakakabadtrip yun ah!

Nakakaiyak sa inis!!!

The Weird OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon