=======
Foundation day na! Maaga akong nagising, excited ako eh.. hahaha.
Habang kumakain ako ng breakfast ay nagtext sa akin si Aki.
"Sab, Goodluck sayo mamaya ha. Magiging busy kasi ako ngayon dahil nga sa mini café kaya baka di na kita makausap mamaya."
Oo nga pala, isa kasi sya sa mga nag-oorganize nun.
"Thank's Aki! Gagalingan ko mamaya promise. That's for you."
" :) sweet naman. Para sa akin nga ba?? haha. ok, sige na, papunta na ako ng school eh. bye. I LOVE YOU."
Naks, kelangan talaga naka-caps lock? "Ok, ingat ka.. love you too."
After lunch ay nagkita-kita kami nina Stan sa studio. Kumpleto na sila at inaayos na ang mga gamit nila. Lumapit sa akin si Alex at hinalikan ako sa noo. Shit! Kilig much na naman ako! Ang haba talaga ng hair ko. hihi
"Hey Sab, di ka na nagreply kanina sa mga text ko? nagworry ako ha." ang cute talaga! naka-pout pa ang lips!
"sorry, magmamadali kasi ako kanina kaya di na ako nakapagreply." sabi ko sa kanya at nag peace sign.
Nagpractice kami mabuti at pinerfect ang bawat tunog, bawat rhythm, bawat tono, lahat.
Magaling ang mga ito. Si Stan na parang sisiw lang sa kanya ang mga bawat pagkalabit ng mga string sa kanyang gitara, sina Dylan at Nick naman ay chill lang sobrang cool tingnan habang tumutugtog, at syempre ang Chinito Prince ko na p*+@ng in@ sa kagwapuhan habang nagda-drums. Ang gwapo nyang tingnan habang hinahampas ang mga drums, bawat galaw nya ay nakakamangha. Ang kanyang buhok ay nakataas, kaya ang kanyang makinis na mukha at ang kanyang dimples ay lagi mong makikita.
At ako naman, ay. . .
wala lang.
hahaha. ayokong magsalita about sarili ko, nahihiya ako eh. hihi.
Basta mamaya sana manalo kami.
=====
Eto na. This is the moment of truth. Walong banda ang nagparticipate para sa battle na ito. Shit, good luck sa amin. Uminom ako ng two shots of brandy, enough na sa akin yun, pampalakas lang ng loob.
Luckily, last pa kaming kakanta, maganda yun para yung full attention nila ay nasa amin, at kami ang makakapag iwan sa kanila ng last impression.
Habang nasa back stage kami at nag-iintay na matapos magperform ang susundan naming band, hinawakan ni Alex ang mga kamay ko. Nakita nya kasing panay ang pisil ko sa mga ito.
"Are you ok? You look tensed." nag-aalala nyang tanong sa akin. Umuling ako at nagsmile sa kanya. Niyakap nya ako, mahigpit. Lahat ng kaba ko ay nawala. Natuwa ako nung medyo nag-sway sya habang niyayakap ako, narelax ako sa ginawa nya. Nakahilig lang ang ulo ko sa dibdib nya at hinahawakan nya ang buhok ko. "Thank you." bulong ko sa kanya.
Tinawag na kami ng organizer, lumabas kami sa stage at sinalubong kami ng malakas na sigawan. Tumingin ako sa kanila at tinaas ko ng konti ang isang kong kamay to acknowledge them, nakita ko ang mga HRM students na nagkakagulo at nagsigawan. Ang mga Mass Comm students naman ay di rin nagpahuli at nagcheer din ng malakas sa amin.
Sige pa, this fuels me. Ginaganahan ako pag nakikita kong excited sila. Go Sab!
"Hi guys! We are the Hebrew Aramaic. If you know the song, just sing with us! Enjoy!"
panimula ko at nagsimulang na akong kumanta kasabay ang gitara ni Stan.
" And so the sky becomes a dream
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...