"Sab, anak. As i've said. Mag-iingat ka doon. Wag kang lalayo kay Aki, ok? Tatawagan ko din sya mamaya. Sasabihin ko bantayan ka. Di na namin sya maiintay, baka malate kami sa appointment namin." sabi ni mommy sa akin habang naglilipstick.
Tinigil ko muna ang pakikipaglaro kay Mojacko at tumayo ako para lapitan sya. "Mommy, di na po ako bata. Tsaka sa kanya mo pa talaga ako pababantayan, baka nga ako pa magbantay dun eh!" sabi ko sa kanya habang naka pamewang
Natawa si mommy at niyakap ako ng mahigpit. "Sab, naalala ko, may special someone ka na ba?"
Inalis ko ang yakap nya sa akin at tinitigan sya. Napangiti ako at napakamot sa ulo. "mommy, hhmm.. Opo.... Actually. . . ." naputol ang pagsasalita ko nang maaninag kong paparating si daddy.
Na-gets nya kung bakit ako natigilan, kaya bumulong sya sa akin. "Kasama ba si special someone sa outing nyo?"
Napangiti ako sa tanong nya at tumango lang. Bumuntong hininga sya at marahan na hinawakan ang magkabila kong braso. "Sab, i trust you ok? alam mo na ang tama at mali. I'll call you later. We really need to go now."
Lumapit sa akin si daddy at hinalikan ako sa noo. "Good morning baby! ingat kayo sa outing nyo ok? Update mo kami lagi ha. Me and mommy loves you. "
Ngumiti ako sa kanila at niyakap silang dalawa. "Yes po mag-iingat ako.Thank you po! I love you both!"
Pagkaalis nila ay agad kong tinawagan si Aki.
"Hey, where are you?"
"5 mins." mabilis nyang sagot. Binaba ko na ang phone at lumabas na ng bahay para intayin sya.
Yung van kasi nila ang gagamitin namin papuntang Ilocos. After nya akong sunduin ay pupuntahan na namin sina Alex at Mika sa apartment ni Stan. Dun na kasi sila natulog kasi medyo malayo ang bahay nung dalawa.
Maya-maya ay nakita ko na ang van nina Aki. Ang bilis talaga magdrive ng mokong.
Bumaba sa van ang kuya nya. Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat ako, di ko ineexpect na sasama sya sa amin. Sinalubong ko agad sya at niyakap.
"Kuya Clint! Kasama ka pala! i missed you!" sigaw ko sa kanya habang niyayakap sya ng mahigpit!
Kagaya ni Aki ay gwapo din ito. Mestizo, matangkad at maganda din ang katawan. Unlike Aki, badboy ito. At playboy. Tsk tsk. Matanda sya ng dalawang taon kay Aki.
Tumawa sya at ginulo ang buhok ko habang nakayakap sa akin. "Oo, pero mga 3 days lang ako sasama sa inyo. May gagawin kasi kami nina mommy at daddy paguwi nila dito." tumutulong kasi sya sa business ng family nila.
Kinuha nya ang mga bag na dala ko at nilagay sa likod ng van. Sumakay ako sa loob at bumeso kay Aki. Ang gwapo nya lalo nang isuot nya ang kanyang shades. Naka printed na sando lang sya kaya kitang-kita ang kanyang perfect muscles. I have to admit. He's hot! Damn!
"Are you ready Sab?" Tanong nya sa akin habang ako ay nakatitig pa rin sa kanya. Winagayway nya ang kamay nya sa mukha ko at bigla naman akong natauhan. Napakurap ako at napatawa.
"Yes. Sobra." simple kong sagot.
Pumasok na sa passenger seat si kuya Clint at agad na kaming umalis para sunduin sina Alex. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Alex.
"hi Alex. are you guys ready? we're on our way na."
"yes we are. ok see you in a bit. :) ingat." napangiti ako sa reply nya. Excited lang kasi akong makita sya. Haay.
Pagdating namin sa apartment nina Stan ay nakita naming nakatambay na silang tatlo sa labas. Pagbaba namin ay agad kong hinila si Kuya Clint at pinakilala si Alex sa kanya. Ngumiti sya at casual na nakipagkamay kay Alex.
"So ikaw pala ang Chinito P. . . . . . . . . ARAY!"
kinurot ko braso ng malupet si kuya Clint para matigil sya sa pagsasalita! Ang daldal talaga nito, ibubuking pa ko!
Tumingin sya sa akin, at habang nakangiwing nakahawak sa braso nya ay pumagitna ako sa kanilang dalawa. Nakatalikod ako kay Alex para di nito makita ang isesenyas ko kay Kuya Clint. Pinandilatan ko sya ng mata at pinakita ko ang kamao ko sa kanya. Na-gets nya yun at humagalpak. Hinawi nya ako sa isang tabi at inakbayan si Alex.
"Bro, di ka ba natatakot dito kay Sab? Sadista yan eh di mo ba alam?" Sabi nito habang tumatawa at nakahawak pa rin sa braso nya.
Aba talaga naman!
Napatingin sa akin si Alex at natawa sa sinabi ni Kuya Clint. Ipagtanggol mo ko Alex dali!
"Hhmm.. Mukha nga eh." sagot nito at napakamot sa ulo.
Napanganga ako sa sinabi nya. What???!!! Sumang-ayon ka?!
Babawi yan Kuya Clint tingnan mo, babanat yan.
"But it's ok. I'm willing to be a victim. Kung sya naman ang sasadista sa akin, i will die happily." nakangiting sabi nya at kinindatan ako.
BOOM! hahahaha.. sabi ko na nga ba eh! Kilig much na naman si Sabrina!
Natawa si Kuya Clint sa narinig nya at napailing na lang. "Boy Pick-up ka din pala eh!" biro nito kay Alex.
Napalingon kaming lahat sa tawag ni Stan, di namin namalayan na nasa loob na pala sila ng sasakyan!
"Galit ka boy?!" tanong ni Kuya Clint sa kanya habang mabilis na sumakay sa van.
Si Aki ang nagda-drive, then katabi nya si Kuya Clint. Nasa likod nila kaming dalawa ni Alex at nasa likod naman namin sina Mika at Stan. Masaya ang naging byahe namin. Ang soundtrip, laughtrip at foodtrip lahat perfect.
Namangha kaming lahat pagdating namin sa resthouse nina Mika. Sobrang ganda. Dalawang palapag ito at kitang kita ang napakagandang view ng dagat. This is not a rest house, but a f*cking beach house!
Sinalubong kami ng caretaker ng beach house nina Mika. Mabait syang lalaki at medyo may katandaan na. Mga nasa late fifties na ang kanyang edad. Excited kaming pumasok sa loob ng bahay at tinour nila kami sa loob nito. Ang gaganda ng mga furnitures. Kumpleto ang mga gamit pang kusina. At meron itong tatlong malalaking kwarto sa taas. Lahat ay may sariling banyo.
Sa aming dalawa ni Mika ang isang kwarto at sa kanilang apat naman ang isa. Nagpaalam ang caretaker sa amin, "Ma'am Mika, uuwi po muna ako sa amin. Bumili na po ako ng mga pagkain nyo, nasa ref po. Kayo na po ang bahalang magluto ng mga gusto nyo. Pag po may kailangan kayo, tawagan nyo lang po ako. Enjoy po kayo dito." Nakangiting sabi ni Manong.
"Sige po Manong Raffy. Salamat po ha." Sagot ni Mika.
Inayos namin ang mga gamit namin at pumunta na sa kusina para magluto. Ang mga boys ang inutusan naming magluto. At dahil di naman marunong magluto si Kuya Clint, sya ang inatasan naming maging utusan. hihi. Taga abot, taga kuha, taga ligpit ng mga kalat, at kung ano-ano pang mga pwede naming iutos sa kanya. Mabuti na lang at nasa mood sya, kaya sumusunod sya sa amin. Kami naman ni Mika ay walang ginawa kundi magselfie at picturan ang mga boys.
Naalala ko sina mommy. Tinext ko agad sya. Sinabi ko na andito na kami kina Mika, agad syang nagreply "Thank God, you're all safe. ok enjoy kayo dyan ha. And always update us ok? We love you baby." napangiti ako at nagreply sa kanila. "ok po.. thank you.. love you too po.."
Wala kaming ginawa kundi ang tumawa habang kumakain. Bangkang bangka si Kuya Clint! Bentang-benta ang mga jokes nya. Sabayan pa ng tatlong mga baliw din. Haay, ang sakit sa tyan.
Pagkatapos kumain ay nagdecide kaming matulog na lang muna.
Nang papasok na ko sa kwarto namin ni Mika ay hinawakan ni Alex ang kamay ko. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Nakangiti sya, shit ang cute lang. Inilapit nya ako sa kanya at hinalikan sa noo. Nanlambot ako sa ginawa nya.
"Sleep tight ok? see you later." malambing nyang sabi. Marahan kong hinaplos ang pisngi nya. Ngiti lang ang naisagot ko, nanghihina talaga ako.
Pagkahiga ko ay narinig kong humihilik na si Mika sa kabilang kama. Napatingin ako sa kanya, nakataas ang mga kamay nya, at nakanganga sya. hahaha. Well, maganda pa rin sya kahit ganyan ang itsura nya. Pumikit na ako at nagmuni-muni hanggang sa tuluyan ng nakatulog.
Excited na ako sa mga mangyayari.
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...