~~ Kabanata 13

28 1 0
                                    

. . .

Hinatid na ako ni Aki. Habang nasa byahe kami ay bigla kong naisip si Alex!

Shit! Oo nga pala.

Pagtingin ko sa phone ko ay may 8 missed calls na sya at 4 na text.

"Hi honey. Tapos na kayo kumain?"

"what are you doing now? "

"hello? Are you guys busy?   :/  "

"   :(   "

Aawww.. Sorry Alex, naawa naman ako sa kanya.. Tsk, bakit ba kasi nakalimutan ko sya ngayon. Tinawagan ko agad sya..

"Hi Alex! i'm sorry i didn't noticed your calls. Pauwi na kami.. sorry.. "

"No, honey. it's ok. atleast i know you're fine. ingat kayo ha."

"thank you. aren't you mad?" napatingin ako kay Aki na seryoso namang nagda-drive.

"hahaha. no. of course i'm not. wala yun."

Haay, para akong nabunutan ng tinik.. Mabuti naman at di sya galit.

Pero di sya naimik.

At ganun din naman ako.

Ok, this is awkward. Sab, putulin mo na lang ang convo.

"well thank you. hhmm. i'll call you again later ok?" Honestly, wala na talaga akong masabi. 

Weird.

"Alright. Bye." maigsi nyang sagot.

Tumingin ako kay Aki.

What?!

Now, he's smiling?? Pang asar ang ngiti ng mokong na ito ah.

"Hey! what's with that smile??" tanong ko sa kanya na nakahalukipkip.

"Wala ka nang masabi noh?" tumingin sya sa may bintana at nakita kong mas lalong lumaki ang ngiti nya pagkatanong nya.

"oo eh. i don't know. hahaha"

"very good Sab!" sabi nya habang ginugulo ang buhok ko.

Tinapik ko ang kamay nya. Ano daw?

"Anong very good?" tanong ko sa kanya.

"wala. very good kasi you know how to get out into an awkward situation! hahaha. i'm proud of you! keep it up." Masaya nyang sabi at tinatapik tapik pa ng mga daliri ang manibela.

"ewan ko, human instinct?"

Tumingin sya sa akin at ngumiti "Ayaw mo na ba sa kanya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Buti na lang at nakatigil ang sasakyan dahil sa traffic, kaya nasapak ko sya. 

"hahaha.. hoy, hindi noh. Wala lang masabi di na agad gusto? You know, he will always be my chinito prince." i smiled, and gave him a wink.

Binalik nya ang tingin nya sa kalsada.

"Sus. Kung gusto mo ang isang tao, di ka mauubusan ng sasabihin. Wala kang mararamdaman na awkward moments. Walang kahit anong negative feeling. Lahat positive. Lahat masaya." seryoso ang mukha nya at malinaw lahat ng mga salitang binitiwan nya.

"Alam mo ikaw ang weird mo! Bakit ba lately parang seryoso ka lagi everytime na sya ang topic? hhhhmmmm??? Nagseselos ka ba sa kanya??" pang aasar ko sa kanya habang kiniliti sya. Tumatawa naman sya at panay ang tanggal nya sa mga kamay ko.

Siguro kasi nagseselos 'to. Ngayong may lovelife na ako, pakiramdam nya mawawalan na sya ng bestfriend dahil kay Alex.

Niyakap ko sya sa tagiliran at tiningnan sya. "Selos ka ba? don't worry, di naman ako mawawala sayo. Kahit pa maging kami ni Alex, you will always be my bestfriend."

The Weird OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon