~~Kabanata 9

44 1 0
                                    

. . . .

** Aki's POV**

"Uy Stan sama ako sa practice nyo ha." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa locker.

"Sure. Sakto kelangan namin ng magvivideo sa amin, para makita namin kung anong itsura namin habang nagpeperform." Nakangising sabi nya.

"Ah, so gamitan ito? oh sya sya. Sige. Basta ililibre mo ako pagkatapos ha."

"oo na sige na." tumatawang sagot nya.

Pagdating namin sa parking lot ng school ay nakita kong nakaupo sa bumper ng kotse nya si Alex, at nakaharap naman si Sabrina sa kanya. Masaya silang nag-uusap. Mukang komportable na sila sa isa't isa. Mukhang di na nahihiya si Sabrina sa kanya.

Well, good for them.

Good for her.

Napatingin si Sab sa akin at niyakap ako.

"Hey Aki! I'm glad you're coming with us! Akala ko kasi may gagawin kayo nina Mika mamaya about dun sa gagawing mini café para sa foundation day?"

"Di na ako sumama sa kanila, nag-meeting naman kami kanina at, mag-reresearch lang naman sila mamaya ng mga pwede naming iserve sa mini café. I don't think they need my help there. Kaya na nila yun."

"Alright, let's go." palundag na bumaba si Alex mula sa bumper ng kotse nya. Inakbayan nya si Sabrina, pinagbuksan ng pinto, at pinasakay doon.

Wala lang,

napatingin lang ako.

Bakit, masama?

======

Pag dating namin sa studio ay nandoon na ang dalawa naming schoolmate. Mass Comm students sila, si Dylan sya ang magiging rhythm guitarist at si Nick naman ang bassist.

Kinamayan sya ni Stan at pinakilala kami.

"yeah, kilala ko naman sila. They are quite famous in our building. Mass Comm students likes the three of them. Im sure kuha na natin ang support nila." sabi ni Dylan at tumatango tango naman si Nick habang nakahalukipkip.

Nagplano sila ng kakantahin. Rakista tong si Sabrina. Di lang halata kasi sweet sya at very adorable tingnan, pero rakistang tunay 'to. Pag kumanta sya at sinubukan mong tumalikod, di mo aakalaing sya ang kumakanta. Mataas at very powerful ang boses nya. She's a powerhouse vocalist. Di ko nga alam kung san nya hinuhugot ang ganung boses eh.

They decided to perform the Wasting Away by Tonight Alive and Turn it off ng Paramore.

Inayos muna nila yung mga instruments. Tumugtog sila ng wala pang vocals, pinerfect muna nila yung tunog bago pakantahin si Sab.

"Sab, are you excited?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya sa akin at tinitigan ako "yes, of course I am, nabawasan ang kaba ko kasi you're here. Thank you for coming ha."

Ngumiti ako sa kanya. Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Alex. Biglang nawala ang ngiti sa pisngi ko. Di ko alam kung bakit, di ko maexplain. Basta yun na yun.

Nang maperfect na nila yung tunog ay tinawag na nila si Sab. Pinindot ko na yung play button sa recorder ni Stan na nakapatong sa table na nasa tabi ko. Kinuha ko naman ang phone ko at kinuhanan din sila.

___

"And so the sky becomes a dream

I never dreamt because I'm just too busy

waiting for nothing, and wasting away..."

Tumindig ang balahibo ko. Ang galing nila.

"Don't tell me it's too hard

you were never there from the start

I'm not about to give this up

giving up was never enough, no..

And so the sky, becomes a dream

I never dreamt because i'm just too busy

waiting for nothing, and wasting away...

And so the sky it watched my dream

fall to pieces right in front of me

'cause i'm just too busy

waiting for nothing, and wasting away....."

Sobrang galing ni Sab. I am very happy for her. Isa ito sa mga gusto nyang gawin sa buhay nya eh.

Pagkatapos nung unang kanta ay agad nilang isinunod ang Turn it off. Medyo saulado ko na to, puro Paramore ang playlist nyan eh. Mapa-kotse at mapa-phone.

____

"I scraped my knees while i was praying,

and found a demon in my safest haven

seems like, it's getting harder to believe

in anything than just to get lost

in all my selfish thoughts....."

Di ko talaga maiwasang hindi titigan si Sab sa phone ko. Kaya zinoom ko na lang sa kanya ang camera, haay.

Ang ganda lang talaga.

Eto na yung favorite nyang part, yung mataas. Go Sab kaya mo yan.

____

"Again................

Again.... Again..... Again...............

And the worst part is, before it gets any better

we're headed for a cliff

And in the free fall, i will realize

i'm better off, when i hit the bottom!"

Tuwang tuwa sila after ng practice nila. Ang galing nilang lahat. Malaki chance nilang manalo dun.

Gutom kaming lahat, kaya nagkayayaang kumain muna bago umuwi.

Katabi ko sa table si Alex, at katabi nya naman si Sab, of course.

Habang busy si Sab na nakikipag usap kina Stan ay agad akong kinausap ni Alex.

"Aki, i need your help. Gusto kong magpropose kay Sab sa foundation day."

Natigilan na naman ako sa sinabi nya, parang may kung ano na namang kumukurot sa puso ko.

"ok, s-so how c-can i help you?" medyo nauutal kong tanong sa kanya.

Napangiti sya sa akin at napakamot sa ulo.

"That's why i need your help, i don't have any idea how to do it. I just want my proposal to be very sweet. And awesome. I want the whole school witness my proposal."

Langya ako pa talaga mag iisip? Hindi ba pwedeng sya na lang ang mag-isip at tutulong na lang ako?

"Ok, let me think about that. Let's talk about that tomorrow." seryoso kong sagot.

Bakit ba ganito ako. Feeling ko ang sama kong kaibigan. Masaya dapat ako for them, but i really can't deny na nalulungkot ako, at hindi ko alam kung bakit.

Parang nasasaktan ako,

langya, hindi kaya nahuhulog na ako sa bestfriend ko?

Fuck, erase, erase erase.......

hindi pwede!

Hindi pwede!

The Weird OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon