Nagising ako sa malalakas na tawanan nina Aki sa labas ng kwarto. Tumingin ako sa kama ni Mika, pero wala na siya. Bumangon agad ako dahil excited akong makihalubiho sa kanila!
Paglabas ko, nakita ko ang mga guys na nakaupo sa sahig at may pinagtatawanan sila sa pinapakita ni Kuya Clint sa kanyang cellphone. Ano na naman kyang kalokohan yun??
Si Mika naman ay naglalakad papunta sa akin. Nakasuot siya ng cream kaftan at habang tinatanggal nya ang kanyang sunglasses ay nakangiti sya sa akin. Ang ganda lang nya..
"Hey! Naglakad-lakad na nga pala kami ah. Sorry di ka na namin ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo eh.. Sorry!" Sabi nya sa akin sabay peace sign.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Nakakainis naman 'tong mga 'to!!
"Whaaaatt??!! Di mo man lang ako gi- . . . ." naputol nya ang pagsasalita ko ng bigla nyang ilapit ang kanyang hintuturo sa labi ko. "Sshh.. Wait lang ha, di ko na kaya eh." Agad syang tumakbo sa loob ng kwarto namin at dumiretso sa c.r.
Yung babaeng yun talaga!
Napatingin sa akin sina Alex, at tumayo ito para lumapit sa akin.
"Sorry Honey, di ka na namin ginising." Sabi ni Alex habang napakamot sa kanyang ulo.
Humalukipkip ako at nag-pout. "Ang daya nyo, iniwan nyo ko dito dahil lang sa tulog ako?! Pwede nyo naman akong gisingin??" Patanong kong sabi sa kanya.
Tumayo si Aki at sumagot "Hay naku Sab, wag ka nga! Pag ginising ka namin, sasakit lang ang ulo mo. At kilala kita, sa lahat ng ayaw mo, eh yung ginigising ka." Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko.
Ugh! Nababadtrip talaga ako!
Tinapik ko ang kamay niya at natawa lang silang dalawa ni Alex sa akin..
"Ano ba?! Whatever Aki! I hate you!" Inirapan ko siya at pumasok ako sa kwarto, at nang isasara ko na sana ang pinto ay bigla nya kong niyakap sa likod at kiniliti.
"Anong sabi mo ha? You hate me? Sus! I don't think so!" Tumatawang sabi nya habang kinikiliti nya ako.
Napatili ako sa ginawa nya. Walangya ka talaga Aki! Pumipiglas ako pero hindi ako makawala.Hindi ako makapagsalita sa katatawa.
Tumigil siya sa pagkiliti at pinaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko para di ako makawala sa kanya.
"Bawiin mo yung sinabi mo at ititigil ko 'to." Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Kahit natatawa pa rin ako at di pa nakaka-move on sa mga kiliti niya ay di ko maiwasang ma-distract sa mga titig niya.
"Oo na, binabawi ko na." Mabilis kong sagot sa kanya, sabay bawi ko sa mga kamay ko.
"Good girl!" Sabi nya habang tinatapik-tapik ang aking ulo.
Haay naku Aki! May araw ka din sa akin.
Hinawi ko ulit ang kamay nya. Tumatawa siya habang lumalabas siya ng kwarto at sinundan ko siya ng tingin.
Baliw talaga 'tong isang 'to.
Lumapit ako kay Alex na tahimik lang na nakasandal sa may pinto ng kwarto. Nakatingin lang s'ya sa akin at makikita mo sa mukha nya na malungkot s'ya.
Bahagya nya akong niyakap gamit ang isa nyang kamay at bumuntong hininga.
"Ang sweet n'yo namang dalawa. Tsk."
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Bakit? Anung meron?
Inalis ko ang yakap nya at tinitigan ko sya. "Whaaatt?! Are you serious?" Medyo natatawa pa ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit nya naisip yun. Alam naman nyang ganoon talaga kami magkulitan ni Aki, and this is not the first time na nakita nya kaming ganoon. Medyo nawindang lang ako sa may "Tsk" part..
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
ComédieYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...