Nakatingin lang kaming lahat kay Alex at iniintay syang magsalita. Nag-aalala kaming lahat sa kanya. Nakahawak ako sa kamay nya at nakatitig lang sa kanya.
Bumuntong hininga sya at tska tumitig sa bonfire na nasa harapan naming lahat. Nangingintab ang mga mata nya dahil sa pag iyak nya kanina.
"I had a bestfriend back then. Her name is Sophia." Ngumiti sya. Mararamdaman mong masaya nyang naaalala yung Sophia na binanggit nya.
"We were together since we're kids. We really knew each other very well. And i remember, she told me na ako daw ang superman nya. Kinilig naman ako kasi crush ko na sya dati pa lang." He chuckled. Napangiti din naman kami sa sinabi nya. Ang cute nya pa rin kahit bagong iyak sya.
"Iyakin kasi sya. Kaya yung mga classmates namin tuwang tuwa syang asarin. Actually plano ko yun. I asked our classmates na gawin yun, then, ako? Ako lang naman ang magiging knight in shining armor nya. Kunyari ipagtatanggol ko sya. Kunyari sinasapak at inaaway ko yung mga classmates namin.. Everything was scripted!" Natatawa nyang kwento.
Sumingit si Kuya Clint habang natatawa si Alex sa kwento nya. "Bata ka pa lang pala, eh madiskarte ka na talaga! Nice!" Sabi nito at natawa kaming lahat.
Hhmm, nai-imagine ko tuloy yung sinabi nya, hahaha., ang cute naman!
"Well, time goes on. At habang tumatagal ay nagiging matatag na sya. Di na sya nagiging iyakin. Pinapatulan na nya yung mga classmates namin. So, our classmates didn't follow my instructions anymore, kasi nasasapak at naaaway na sila ng totoo. She became a very tough girl." Suminghot sya at ngumiti ulit. Haay! Ang dimples! Talaga naman.
"When we were in high school, dun na sya naging matapang talaga, especially pagdating sa akin. She's really brave enough to even fight for me. One day, i lost my i.d. so we're talking to our school guard if he can allow me to enter just for that day, kasi finals exam namin noon. I'm begging him kasi ayaw nya talaga akong papasukin. Napatingin na lang ako kay Sophia nang tumaas na ang boses nya. Then, nagulat nalang ako nang suntukin nya yung school guard namin at hilahin ako. Tumakbo kami papasok ng school. When i looked back at the guard, he's just lying there at the floor, unconscious. Napailing na lang ako."
Napa-oooww na lang kami sa narinig namin.
Wow.
She's really tough!
"Nabaliktad na ang mundo, sya na ngayon ang nagtatanggol sa akin. Sya ang naging taga-tama ng mga mali ko. Sya na ang laging nagpapasaya sa akin. Naging dependent ako sa kanya. Sya naman ang naging heroine ko." He paused for a while, then,
"She becomes my everything."
Ouch. Kumirot ang puso ko. :(
She becomes my everything. :(
I just can't imagine,,, :(
That before me,,,, :(
Merong special girl... :(
"I fell in love with her. I really fell so hard." Tumingala sya at napabuntong hininga.
Ngumisi lang ako.
Aray.
Kanina kumikirot lang ang puso ko eh, pero ngayon parang nadurog na. Nabasag na, nawasak na. Ang sakit malaman yung past. Ang sakit malaman na may minahal sya ng sobra bago ikaw. Kahit pa sabihing tapos na yun at ikaw na ang mahal ngayon, sobrang nakakaselos pa rin. Ang sakit.
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...