====
**Aki's POV**
"Argh. No!"
"Please! No"
"no"
"no"
"NOOOOOO!"
bigla akong bumangon. Pawis na pawis ako at hinahabol ko ang paghinga ko.
"Oh, what's wrong?" tanong ng kuya ko habang kumakain ng pizza.
Fuck! That pizza!
Lecheng panaginip yan.
Hinahabol daw ako ng mga life size na burgers, at may mga spear silang hawak. Tapos yung mga pizza daw may mga hawak na hot sauce bottles at nakasakay sa mga lechong manok, hinahabol din ako. At yung mga pasta, gumagapang sila papunta sa akin na mistulang mga ahas.
sobrang creepy ng itsura nila! Anu ba yan!
Agad na akong bumaba. Saturday ngayon, walang pasok! yehey!
May usapan nga pala kami nina Sab ngayon. Manonood kami ng movie. Sinabihan ko din si Stan at Mika. Natutuwa kasi ako sa dalawang yun, mukha kasing may something sa mga tinginan nila eh.
3pm ang usapan, 4pm na! Patay ako nito. Masyado kasi akong nalibang sa paglalaro ng GTA eh.
"Hey guys! Sorry im late!" hinihingal kong sabi. Tumakbo na kasi ako pagdating na pagdating ko sa mall.
Nakita kong nakasimangot si Sab, "Haay naku, kung di ka lang namin love, iniwanan ka na namin! Here's your movie ticket. We still have 10 mins."
Sobrang cute ng best friend ko sa peach floral dress nya. Di ko na pinansin na galit at nakasimangot sya. Cute sya, at yun lang ang nakikita ko.
Happy ako para sa kanya, sa wakas natuto na rin sya pumorma, malamang dahil yun sa turo ko, at siguro dahil na din sa inspired sya kay Alex kaya nagiging conscious na sya sa sarili nya.
Dati kasi kung ano lang madampot nya sa cabinet nya, yun na yung isusuot nya eh. Wala syang pakialam sa magiging itsura nya.
Di sya maarte sa katawan, likas kasi syang maganda kaya kahit simpleng damit ang isuot nya, maganda pa rin sya.
Mahaba at medyo wavy ang buhok nya. Sobrang sweet ng mga mata nya at mahaba ang mga pilik mata. Sakto naman ang pagiging matangos ng ilong nya sa mukha nya, di maliit, di malaki. At yung pinkish nyang labi, sobrang cute pag nag-pout. Gustong gusto ko din yung smile nya. Nakakawala ng badtrip, nakakawala ng pagod. She's very adorable. Such a sweetheart.
Kaya lang,
Wag kayo maingay ha,
Maputi at makinis si Sab, kaya lang
Tamad maligo yun eh. hahaha
Ewan ko lang kung ganoon pa rin sya hanggang ngayon. hahaha
====
After the movie, excited kaming dumirecho sa favorite restaurant namin. We ordered a lot, looks like there's no tomorrow.
Nung kakain na kami, ay bigla akong natigilan!
Shit! Yung panaginip ko.
Naalala ko yung panaginip ko!
Panaginip lang yun eh, pero di talaga ako makakain.
Di tuloy ako mapakali. Pinagpapawisan ako. Mukha akong tanga na nakatulala at nilalaro laro lang yung pasta sa harapan ko.
Pakiramdam ko magiging ahas 'to. Ano ba yan!
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...