~~ Kabanata 2

57 1 0
                                    

Palabas na ako ng pinto ng bahay namin nang tumawag si Aki.

"Hey Sab! Dala ko na ang sasakyan ko, ok na ulit eh, pwede ng gamitin, sabay na tayong pumasok. Lapit na ko sa inyo."

"Ah ok, sige. Intayin ka namin sa gate, kasama ko si mommy." sabi ko habang nakayakap ako sa mommy ko at naglalambing.

Di lang naman ako puro kabulastugan, malambing din naman akong anak. Syempre kasi madalas s'yang wala sa bahay. Kaya habang may pagkakataon, bumabawi ako ng lambing sa kanya, at ganoon din naman s'ya.

"Ah ok sige" at pinutol na n'ya ang line.

Pagdating n'ya ay bumaba agad s'ya para yakapin si mommy.

"Tita! Na-miss ko po kayo! Antagal nyong nawala! Kamusta po ang byahe nyo?" masayang bati ni Aki kay mommy.

Last month pa kasing nasa Australia si mommy at daddy kasi may inaayos silang business namin doon. Kakaalis lang ulit ni Daddy papuntang office, may maaga kasi s'yang appointment. Si mommy naman ay susunod din doon pagka-pasok ko.

"Ok lang naman ako hijo! Na-miss ko din kayo!" masaya ding sagot ni Mommy.

"Kamusta ang first week of school as 3rd year? Galingan nyo ha para kayo ulit ni Sab ang mag-top sa klase." tanong nya kay Aki.

Yes, we're smart! Magugulo kaming mga bata, but we're studying hard. Di namin un pinapabayaan.

"Ok naman po! Sure tita! kaya lang, as usual, ako ang first at sya naman ang second ko!" nakangisi nyang sabi sabay turo sa akin. What the?!

"excuse me?! Pakitaan na lang ng mga grades oh, kung sino ang may pinaka-madaming uno, at kung sino ang may pinaka-madaming dos!" sinasabi ko yun habang sinasabunutan ko sya. Panay ang aray ng mokong, pero aba, pasimple nya naman akong sinisipa! Sira ulong 'to?!

"O tama na yan, pareho naman kayong magaling eh. Pumasok na kayo at baka malate pa kayo sa klase." Natatawa si mommy habang umaawat samin.

Tumigil na kami at niyakap si mommy, hinalikan at nagpaalam na para pumasok sa school.

Pagdating namin ni Aki sa school ay agad kong naaninag ang crush ko!

Ang chinito guy! Damn! Ang hot nya talaga!

Agad akong bumaba para tingnan s'ya ng maayos.

Haaay. My chinito prince!

Nakita ko s'yang napatingin sa'kin.

Shit! Nanlaki ang mata ko! Bigla akong natigilan! Para na akong istatwa. Anu ba 'yan! Nakakahiya!

Nakita kong kumunot ang noo n'ya sa pagkakatitig ko!

Lintek! Para akong matutunaw sa titig nya! 

Nang nakita ni Aki ang reaksyon ko ay bigla nya akong hinigit.

"Anu ba Sab mukha kang constipated!" tumatawa s'ya habang umiiling.

"Damn! Aki naman eh! Panira ka talaga kahit kelan!" naiinis kong sabi sa kanya.

"Tsaka ka na makipagtitigan sa kanya pag wala na tayong klase." mariin nyang sabi habang ginagaya ko naman ang mga pinagsasabi nya.

Pagpasok namin sa classroom. Agad naman nabuhayan ang mga kaklase kong may gusto kay Aki. Wala pa ang prof namin kasi medyo maaga pa naman.

Badtrip 'tong taong 'to eh! Eh di sana andun pa rin ako at tinitingnan ung chinito prince ko!

Nakihalubilo s'ya mga ito habang ako naman ay nilapitan ang kaklase naming si Stan. As usual, may dala syang gitara. Since 1st year, classmate na namin sya. Magaling na gitarista itong si Stan. Cute pa. Moreno, matangos ang ilong, maganda mag-smile at maganda din ang built ng katawan.

Agad nya akong niyaya. "Sabrina, tara jam tayo."

"Ok! Let's sing the American boy." excited kong sinabi.

Lumapit naman ang iba naming mga classmates at nanood.

"Ok sige. Gusto ko yan." at nagsimula na s'yang mag-stram.

~"Hey sister, it's really really nice to meet yah,

I just met this 5 foot 7 guy who's just my type."

nakita kong lahat na ng kaklase ko ay nasa amin na ang atensyon at nakikikanta na rin.

~"take me on a trip i'd like to go someday.

take me to New York i love to see L.A

i really want to, come kick it with you

you'll be my american boy.

american boy."

napalingon kami sa pintuan nang pumalakpak ang professor namin at nakangiti sakin. Agad kaming bumalik sa kanya kanyang upuan.

"Nice voice hija." nakangiting sabi nya.

Namula ang pisngi ko at nagpasalamat sa papuri nya. "Thank you po."

Nalaglag ang panga ko at lalong namula ang pisngi ng pumasok sa classroom namin ang chinito prince ko!

Shit! Hindi na naman ako nakagalaw!

Narinig kong nagbubulong-bulungan ang mga kaklase ko.

"Sino yan? transferee?"

"Oh my! Ang cute! Shit!"

"Bagong classmate? late na sya ng 1 week."

"OMG! who's that guy!"

"Kamukha nya si Lee Min Ho! Aaaahhhh!"

Nagsalita na ang prof namin nung medyo umiingay na ang bulong-bulungan ng mga classmates ko.

"Class, you have a new classmate. Please be friendly with him ok?" nakangisi nyang sabi.

"Of course sir, we will." malanding sagot ng isa kong kaklase kaya nagtawanan lahat. Nakita ko namang nag-smile sya at namula ang pisngi nya. Shit, may dimples! lalo s'yang naging cute! Overflowing cuteness!

Tumingin si Mr. Vergara sa chinito prince ko at sinabing "Ok hijo, please introduce yourself."

"Hi. I'm Alexander Rodriguez. Please call me Alex. I'm 20 years old.  I'm from California. I transfered here, . . . . . "

natigilan s'ya. Bakit kaya?

"Because of some personal reason." pagpapatuloy nya.

"Sorry I am 1 week late to this class. I just need to adjust myself here. Actually nandito na ako sa school yesterday, pero naninibago talaga ako, it's so uncomfortable. Such an awkward feeling. So i decided na wag na lang muna pumasok. Anyways, I'm excited to meet you all. I hope we all become good friends." malambing nyang sabi samin at nag smile!

Di naman naiwasan ng iba kong kaklase na mapatili! Nakakaloka! Lahat sila abot tenga ang ngiti, samantalang ako ay napansin na lang ang sarili na nakanganga! Damn!

Halatang laking states sya. Iba ung accent nya. Fvck! He's so damn cute!

Tumingin sa'kin si Aki at kumindat. "Here's your american boy."

"Yes. S.H.I.T."

~~~

** American Boy by Versaemerge

The Weird OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon