~~ Kabanata 6

54 1 0
                                    

"Aki! i missed you!" agad kong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa pisngi si Aki pagdating namin sa kanila.

"I missed you too! Where's my pasta?" ayan na naman sya sa doggie eyes nya! Such a cutie.

Inabot ni Alex yung pasalubong namin at umakbay sya kay Aki. "Here bro. We ordered family size for you! I believe kaya mong ubusin yan. We also have fruits for you."

"Wow! Thank you! Ang sweet nyo naman guys!"

"Yeah, sweet talaga sya." bulong ko habang nakangising napatingin kay Alex.

"Ano Sab? May sinasabi ka ba?" tanong ni Aki na nakakunot ang noo.

"Wala! Sabi ko sweet talaga kami sayo!"

Napatingin ulit ako kay Alex at nagsmile naman sya sakin.

Shit. May kakaiba sa smile nya eh. Parang may laman, parang may ibig sabihin.

Aahh. Ewan ko.

Bakit kaya nya ginawang wallpaper yung picture ng kamay namin?

Kinikilig talaga ako.

Gusto nya din ba ako? So m.u na ba kaming dalawa?

Oh masyado lang akong ambisyosa?

Hhmm. Siguro nga.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang mukha ni Aki. Sobrang lapit, mga 2 inches lang siguro ang pagitan namin.

"BOO! Anong iniisip mo? Masyado kang seryoso dyan!"

Napatalon ako sa gulat! "Ano ba Aki! Aantakihin ako sa puso!" sigaw ko sa kanya.

Pinagtawanan ako ng dalawa.

"Wala may iniisip lang ako." sabi ko at inirapan si Aki.

"Whatever it is, no, whoever it is, I'm sure iniisip ka din nun." nakangiting sabi ni Alex sakin.

Ayan na naman! kagaya nyan, what does it mean?

aahh.. ewan ko, bobo ako pagdating sa mga ganitong bagay eh.

Nagstay pa kami ng ilang oras doon. Nagkwentuhan kami, nagkulitan, nag-asaran at nang sumakit na ang mga panga namin katatawa nagdecide na kaming umuwi.

Hinatid ako ni Alex sa bahay. Ayoko at first, kasi baka magcollapse na talaga ako dahil kanina pa akong kinikilig sa kanya. Pero pinilit ako ni Alex at sinegundahan naman ni Aki.

So eto na. Dito na kami sa gate namin.

"Thank you for this wonderful day Sab." malambing nyang sabi.

aaahhhh! leche talaga.

"Thank you din Alex. Thank you sa paghatid." nahihiya kong sagot.

Ngumiti sya at niyakap ako. "No problem. My pleasure."

whaaaaaat!! niyakap nya ako!

fuck! nanlambot ako sa ginawa nya!

Di na ako nakapag salita. Tumango na lang ako at nagsmile.

Sumakay na sya sa kotse nya, binuksan ang bintana at muling kumaway.

Agad akong tumakbo sa loob. Nagsisigaw ako sa kilig!

"Aaaaaahhhhhhhhhh!!!!" sigaw ko habang naghahanap ako ng tao sa loob para mailabas ang saya na nararamdaman ko.

Tumakbo palapit sa akin ang mga katulong namin.

"Ma'am! Bakit po? anong nangyari sayo? Jusko po! bakit ka nagsisigaw? Ano pong problema?" nagkakagulo sila at nagpapanic habang tinatanong ako!

"Wala. Masaya lang ako! hahahaha! Aaaaaahhhhh!" matinis kong sigaw habang nagtatatalon.

Tinakpan nila ang tenga nila at napa-ngiwi. Narindi sila sa boses ko! hahaha.

"bakit ma'am? ano pong meron?"

"wala pang meron. mukhang magkaka-meron pa lang. At sana nga magka-meron! aaaaahhhh!"

natawa ako sa reaksyon nila. Mga nakakunot ang noo nila at takang-taka sa sinabi ko.

"Ano po ma'am? di po namin maintindihan. Ano pong meron? Magkaka-meron at sana magka-meron?"

Ngumisi lang ako. "sige na akyat na ako sa kwarto! thank you sa pakikinig!" mabilis kong sinabi at agad umakyat sa kwarto.

Tinext ko agad si Aki.

"Aki, sweet sakin si Alex. Ayokong bigyan ng malisya, but i feel like, he likes me too."

"Really? Well good for you. You need help? Tulungan kita sa kanya."

"Wag na nakakahiya! Yaan mo syang dumiskarte ng kanya."

"di naman ako makikialam sa kanya. ill just help you guys to clear your feelings to each other."

"thank you Aki. Ur the best! Mwuahh! love you!"

"i love you too. see you tomorrow."

Haay. What a day! Masaya akong nahiga sa kama. Di nawala ang ngiti sa pisngi ko.

Good night world!

The Weird OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon