Hinayaang maghanap ni Mr. Vergara si Alex ng gusto nyang upuan, tumalikod s'ya sa amin at nagsimulang magsulat sa white board.
Agad pinatayo ni Aki yung katabi kong kaklase at tinulak palayo.
"Dun ka muna sa iba umupo. bilis! ililibre kita mamaya! Promise!" sabi nya sa nagulat kong kaklase.
Bigla naman itong umalis at sinunod ang utos ni Aki.
Nasa likuran ko si Aki, napahawak ako sa noo ko at tiningnan ko s'ya "What the fvck are you doing Aki?!"
Kinindatan nya ako at sinabihan si Alex ng "Dude, you can take this seat!" Sabay tapik sa upuang katabi ko. Lintek ka Aki!
Nagsmile naman si Alex kay Aki. "Thank you bro." Shit!
That. Smile. Is. Just. Perfect.
Agad naglahad ng kamay si Aki sa kanya,
"Aquilles Santiago, just call me Aki. And this is my beautiful bestfriend, Sabrina Gonzales. just call her Honey. That's her nickname!" Tinatapik nya ko habang naka-full smile na sinasabi yun!
Nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi nya! F.U ka talaga Aki!
"Hi Honey, nice meeting you." nakasmile syang naglahad ng kamay sa akin.
Fvck! Kahit di ko nakikita ang sarili ko ay alam kong sobrang namula ang pisngi ko! Para akong matutunaw sa kinauupuan ko ngayon!
Naloko na! no choice na ko kundi kausapin sya!
kaya ko 'to, kaya ko 'to! wooohh!
Nanginginig kong tinanggap ang kamay nya.. malambot sya. Binitawan ko na agad dahil nakakahiya na, sobrang nanghihina na kasi ako sa kilig! Pakiramdam ko mangingisay na lang ako dito sa kinauupuan ko anytime!
"H-Hi A-Alex. Pasensya ka na s-sa best friend ko ha, m-medyo maganda lang talaga mood nya ngayon k-kaya hyper sya." nauutal kong sabi sa kanya! Shit! Nakakahiya!
Kinurot ko ang pisngi ni Aki ng madiin. Sa sobrang gigil ko ay sinamahan ko ng kuko ang kurot sa kanya.
"ARAY!" sigaw nya.
Natigil sa pagsusulat si Mr. Vergara at napatingin sa'min.
"Guys, what are you doing there? Aki? What's with that face?" Nagtawanan ang buong klase sa itsura ni Aki.
Sobrang cute nya kasi habang naka-ngiwi at hawak-hawak ng dalawang kamay ang kaliwang pisngi.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na naka-smile na nakatingin si Alex sakin.
Damn!
Relax lang Sab, just keep it cool.
Keep it cool.
I feel so nervous, but I can't deny the feeling that I am happy. Just so happy.
What a beautiful day!
~~
BINABASA MO ANG
The Weird Ones
HumorYou want your bestfriend to be happy. So you're helping her to be with her Chinito Prince. You're doing everything for the both of them. But as time goes by, while doing it, you will suddenly realize that you are already giving a big part of yoursel...